BJMP-QCJMD, katuwang ng NTF-ELCAC sa kampanya laban sa komunistang CPP-NPA

Pinasisigla pa ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) ang kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa CPP-NPA-NDF. Ayon kay QCMJD City Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto, isinasagawa ang kampanya ng mga jail personnel sa pamamagitan ng information drive. Namamahagi ang mga ito ng reading materials/ flyers… Continue reading BJMP-QCJMD, katuwang ng NTF-ELCAC sa kampanya laban sa komunistang CPP-NPA

Dalawang correction officers mula New Bilibid Prison arestado sa panunuhol kapalit ng armas

Arestado ang dalawang correction officers ng New Bilibid Prison (NBP) matapos isagawa ng Bureau of Corrections (BOC) ang magkasunod na operasyon dahil sa ulat ng bribery o panunuhol kapalit ng mga armas. Sa ulat ng biktima, hiningan daw ito ng halagang P6,500 kapalit ng isang baril mula sa BuCor Armory. Dito na humantong ang unang… Continue reading Dalawang correction officers mula New Bilibid Prison arestado sa panunuhol kapalit ng armas

Bulkang Taal, nagdudulot pa rin ng volcanic smog o vog -Phivolcs

Nakitaan pa rin ng volcanic smog o vog ang bulkang Taal sa Batangas. Batay ito sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ngayong umaga. Pero kumpara sa inilabas na 4,600 na tonelada ng sulfur dioxide ng bulkang Taal noong Setyembre 21, bumaba na sa 2,730 tonelada ang ibinuga nito kahapon. Ayon… Continue reading Bulkang Taal, nagdudulot pa rin ng volcanic smog o vog -Phivolcs

Sobrang RCEF collection, ipang-aayuda sa mga magsasaka; NIA daragdagan ang pondo

Plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gamitin ang sobrang P10-billion na koleksyon mula sa rice competitiveness enhancement fund upang suportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng irigasyon at pag-subsidize ng farm inputs. Ito ang sinabi ni Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pagdalo sa presentasyon ng solar-powered irrigation project ng National Irrigatiom Administration 3… Continue reading Sobrang RCEF collection, ipang-aayuda sa mga magsasaka; NIA daragdagan ang pondo

NEA at DPWH, bumuo ng unified pole relocation database

Lumikha na ng isang Unified Pole Relocation Database template ang National Electrification Administration (NEA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Nilalayon nitong maayos ang komprehensibong listahan ng utility poles at facilities ng mga electric cooperative (EC) na apektado ng road widening projects. Bahagi ng kanilang kasunduan na ang mga ECs ang makikipag-ugnayan… Continue reading NEA at DPWH, bumuo ng unified pole relocation database

Kampanya laban sa karahasan sa mga pampublikong lugar at sasakyan, inilunsad ng LTFRB

Pormal nang inilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang malawakang kampanya nito laban sa karahasan o gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar at sasakyan. Isang Memorandum Circular No. 2023-016 ang inilabas na ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na siyang tumutugon ukol dito alinsunod sa Republic Act No. 11313 o ang… Continue reading Kampanya laban sa karahasan sa mga pampublikong lugar at sasakyan, inilunsad ng LTFRB

Kumpiyansa ng mga konsyumer, tumaas ayon sa pinakahuling survey ng BSP

Tumaas ang kumpiyansa ng mga mamimili para sa ikatlo at ika-apat na quarter ng 2023 batay sa pinakahuling Consumer Expectations Survey (CES) na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ipinakita ng BSP survey na bahagyang nag-improve ang sentimyento ng mga konsyumer nitong nagdaang quarter na sumasalamin umano sa mas maraming available na trabaho at… Continue reading Kumpiyansa ng mga konsyumer, tumaas ayon sa pinakahuling survey ng BSP

Metro Manila, makararanas ng mga pag-ulan maghapon -PAGASA

Asahan na ang mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon, Visayas, at Zamboanga Peninsula ngayong maghapon. Sa inilabas na weather forecast ng PAGASA, ang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ay dulot ng low pressure area at habagat. Ayon sa PAGASA, ang low pressure area ay huling namataan kaninang madaling araw… Continue reading Metro Manila, makararanas ng mga pag-ulan maghapon -PAGASA

Mga naging pagdinig tungkol sa mga text at iba pang online scam, nakatulong para makumbinsi ang ibang mga senador na sumang-ayong paalisin sa bansa ang mga POGO

Tinukoy ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang paglaganap ng text at online scams na nakatulong sa pagkumbinsi sa mga kapwa niya senador para mapirmahan ang committee report tungkol sa pagpapaalis ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas. Matatandaang noong Marso pa unang inilabas ni Gatchalian ang report… Continue reading Mga naging pagdinig tungkol sa mga text at iba pang online scam, nakatulong para makumbinsi ang ibang mga senador na sumang-ayong paalisin sa bansa ang mga POGO

DSWD, nakikipag-ugnayan na sa DBM kaugnay ng bilang ng mga permanenteng empleyado sa kanilang ahensya

Natanong ng mga senador ang mababang bilang ng mga permanenteng empleyado sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa pagdinig ng senate subcommittee sa 2024 budget ng ahensya, tinanong ni Senadora Imee Marcos ang DSWD kung totoong 10% lang ang kanilang mga permanenteng empleyado. Kinumpirma naman ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kasabay ng… Continue reading DSWD, nakikipag-ugnayan na sa DBM kaugnay ng bilang ng mga permanenteng empleyado sa kanilang ahensya