Pangulong Marcos, naging abala sa iba’t ibang gawain ngayong weekend

Hindi nagtungo sa Singapore si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Tugon ito ni Communications Acting Secretary Cesar Chavez nang tanungin kung nasa Singapore ba ang Pangulo, upang manood ng F1 race. “He did not go to Singapore.” —PCO Acting Sec. Chavez. Ayon sa kalihim, nasa bahay lamang ang Pangulo, kasama ang kaniyang pamilya. Nitong weekend,… Continue reading Pangulong Marcos, naging abala sa iba’t ibang gawain ngayong weekend

Mega Job Fair ng DMW dinagsa ng mga aplikante ngayong araw

Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang isinasagawang Mega Job Fair ng Department of Migrant Workers (DMW) sa SMX Convention Center sa Pasay City ngayong araw, Setyembre 22 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 National Maritime Week at ika-29 National Seafarers Day. May temang “Disenteng Trabaho para sa mga Marinong Pilipino” ang nasabing kaganapan na… Continue reading Mega Job Fair ng DMW dinagsa ng mga aplikante ngayong araw

DepEd, nagpasalamat sa AFP dahil sa paghahatid ng mga kagamitan sa mga lalawigan

Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tulong nito na maihatid ang mga digital equipment sa iba’t ibang paaralan. Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, napakahalaga ng naging papel ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang maiparating sa mga malalayong paaralan ang digital materials. Halimbawa nito ang halos 1,300… Continue reading DepEd, nagpasalamat sa AFP dahil sa paghahatid ng mga kagamitan sa mga lalawigan

LTO, planong bumili ng karagdagan pang breath analyzers

Bibili pa ng karagdagang breath analyzers ang Land Transportation Office (LTO) na magagamit sa   law enforcement ng ahensya. Katulad ng implementasyon ng batas sa mandatory installation ng speed limiters sa Public Utility Vehicles (PUVs), kailangan din ang full implementation ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, hinihintay na… Continue reading LTO, planong bumili ng karagdagan pang breath analyzers

Pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam, itinigil na habang tuloy pa sa tatlong iba pang dam sa Luzon

Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam sa Norzagaray Bulacan. Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, naibaba na ang lebel ng tubig ngayong araw sa 100.35 meters na mas mababa na sa 100.10 meters normal na lebel nito. Patuloy naman ang pagbabawas ng tubig sa Ambuklao, Binga at Magat Dam sa Luzon. Nasa… Continue reading Pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam, itinigil na habang tuloy pa sa tatlong iba pang dam sa Luzon

2024 International Coastal Cleanup Day ikinasa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ngayong araw

Nakiisa ang iba’t ibang local government units (LGUs) sa Metro Manila kasama ang mga ahensya ng pamahalaan at iba pang mga grupo ngayong araw bilang bahagi ng 2024 International Coastal Cleanup Day. Sa Pasay City, pinangunahan ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni Sec. Toni Yulo-Loyzaga katuwang ang Philippine Coast… Continue reading 2024 International Coastal Cleanup Day ikinasa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ngayong araw

Pagbabawas sa reserve requirement ratios (RRRs) sa mga bangko, inanunsyo ng BSP

Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang malaking pagbabawas sa reserve requirement ratios (RRRs) sa mga bangko sa bansa, epektibo sa darating na Oktubre 25, 2024. Ayon sa BSP, ang mga universal at commercial banks, kasama ang mga non-bank financial institutions, ay makakaranas ng pagbaba ng RRRs sa 250 basis points, na magdadala sa… Continue reading Pagbabawas sa reserve requirement ratios (RRRs) sa mga bangko, inanunsyo ng BSP

Higit ₱3 milyon ng mga illegal na gamit sa pangisda at mga huling isda kumpiskado ng mga awtoridad sa Polillo, Quezon

Sinamsam ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang kaakibat na ahensya ang aabot sa higit ₱3 milyon halaga ng mga gamit pangisda, isang bangka, at ilegal na mga huli, sa isang operasyong isinagawa nito sa Lamon Bay, malapit sa Balesin Island, Polillo, Quezon. Target ng nasabing operasyon ang mga illegal, unreported,… Continue reading Higit ₱3 milyon ng mga illegal na gamit sa pangisda at mga huling isda kumpiskado ng mga awtoridad sa Polillo, Quezon

Polvoron video na ipinakalat sa mismong araw ng nagdaang SONA ni PBBM, manipulated ayon sa findings ng mga eksperto mula sa India

Manipulado ang polvoron video na ipinakalat sa mismong araw ng nagdaang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang lumabas sa findings ng AI experts mula sa Deepfakes Analysis Unit na bahagi ng India-based Misinformation Combat Alliance. Gumamit umano ang mga nasa likod ng polvoron video ng tool na SensityAI at nakitaan ang ginawang… Continue reading Polvoron video na ipinakalat sa mismong araw ng nagdaang SONA ni PBBM, manipulated ayon sa findings ng mga eksperto mula sa India

₱10 million halaga ng illegally refilled LPG cylinders, nakumpiska sa Rodriguez, Rizal –PNP-CIDG

Sinalakay ng mga operatiba ng PNP- Criminal Investgation Unit ang United Metro Gaz Inc sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Aabot sa ₱10 milyon na halaga ng ilegal na refilled LPG cylinders ang nasamsam at tatlo katao ang naaresto ng pulisya. Ayon kay CIDG Director PMGen. Leo Francisco, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Oplan… Continue reading ₱10 million halaga ng illegally refilled LPG cylinders, nakumpiska sa Rodriguez, Rizal –PNP-CIDG