Kinaroroonan ng mga POGO boss at mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, tinukoy ng PAOCC

Kasalukuyang nasa iba’t ibang lugar sa asya ang mga sinasabing ‘boss’ ng mga POGO at ang mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas. Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni PAOCC chief Undersecretary Gilbert Cruz na si Huang Zhiyang – ang itinuturong ‘boss of all bosses’ ng mga POGO, ay nasa Hong… Continue reading Kinaroroonan ng mga POGO boss at mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, tinukoy ng PAOCC

Isang dating hepe ng PNP, sinasabing sangkot sa operasyon ng mga POGO

Ibinahagi ng law enforcement agencies ng bansa na bineripika na nila ang iba’t ibang mga impormasyong umaabot sa intelligence community tungkol sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa POGO at tumulong kina dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas. Ito ay sa pag-uusisa ni Senate Committee on Women chairperson Senadora Risa Hontiveros tungkol… Continue reading Isang dating hepe ng PNP, sinasabing sangkot sa operasyon ng mga POGO

Mabilis na pag-apruba sa ₱6.352 trillion 2025 budget, binigyang halaga ng House Appropriations panel chair

Binigyang halaga ngayon ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co ang on-time na pag-apruba sa ₱6.352 trillion General Appropriations Bill para tugunan ang mga mga pangangailangan ng bawat Pilipino at pagpapaunlad sa ekonomiya. Sa kaniyang sponsorship speech sa House Bill 10800, sinabi ni Co na pinopondohan ng pambansang pondo ang pampublikong mga programa at… Continue reading Mabilis na pag-apruba sa ₱6.352 trillion 2025 budget, binigyang halaga ng House Appropriations panel chair

Higit 600,000 senior citizen, nasa waitlist para sa monthly social pension ng DSWD

Aabot sa 600,000 na mga senior citizen ang nasa waitlist o hindi garantisadong mabigyan ng ₱1,000 buwanang social pension mula sa DSWD. Sa budget hearing ng Senado para sa 2025 budget ng DSWD, sinabi ni secretary Rex Gatchalian na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga senior citizen na waitlisted o hindi pa naaprubahan para… Continue reading Higit 600,000 senior citizen, nasa waitlist para sa monthly social pension ng DSWD

Pangulong Marcos, naging emosyonal nang talakayin ang OSAEC cases sa bansa

Naging emosyonal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang talakayin ang mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC), sa ginanap na summit kontra OSAEC sa Makati City (September 16). Sa kaniyang talumpati sinabi ng Pangulo na habang pinakikinggan ang karanasan ang biktimang ng panga-abuso, hindi aniya niya napigilang maluha at mapa-isip… Continue reading Pangulong Marcos, naging emosyonal nang talakayin ang OSAEC cases sa bansa

LTO Chief, tinutugunan na ang kontraktwalisasyon sa LTO

May kabuuang 56 na plantilla positions ang napunan na ng Land Transportation Office (LTO) sa mga tanggapan nito sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ito’y matapos manumpa ang mga bagong-promote at bagong-hire na empleyado sa rehiyon ng CALABARZON. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, bahagi ito ng kanyang pangako na tutugunan ang kontraktwalisasyon sa… Continue reading LTO Chief, tinutugunan na ang kontraktwalisasyon sa LTO

DA, may diskarte para sa modernong agrikultura at food security

Binalangkas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang diskarte ng Department of Agriculture (DA) na gawing moderno ang agrikultura ng Pilipinas. Ito ay sa pamamagitan ng mga hakbanging naglalayong palakasin ang productivity, pagpapabuti ng food security at kita ng mga magsasaka at mangingisda. Binigyang-diin ni Laurel ang mahalagang papel ng partnership ng gobyerno at… Continue reading DA, may diskarte para sa modernong agrikultura at food security

Dagdag na kagamitan para sa pagresponde sa sakuna at emergency, natanggap ng Philippine Red Cross

Upang lalo pang mapaigting ang pagresponde sa mga sakuna at emergency, nakatanggap ang Philippine Red Cross (PRC) Rizal Chapter ng isang bagong unit ng ambulansya mula sa Unilab. Ito na ang pangalawang ambulansyang donasyon ng pharmaceutical company sa PRC Rizal Chapter. Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang karagdagang unit na ito ay lalong magpapalakas… Continue reading Dagdag na kagamitan para sa pagresponde sa sakuna at emergency, natanggap ng Philippine Red Cross

DepEd at Canva Philippines, magtutulungan para mapabuti ang visual communication sa basic education

Magtutulungan ang Department of Education (DepEd) at Canva Philippines upang mapalakas ang mga programa sa basic education. Layon ng naturang kolaborasyon na mapabuti ang visual communication at collaboration platforms sa basic education sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre at pinahusay na access sa mga paaralan, mag-aaral, at guro. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang… Continue reading DepEd at Canva Philippines, magtutulungan para mapabuti ang visual communication sa basic education

DepEd at mga education partner, nagpulong upang paghandaan ang PISA 2025

Nagsagawa ng pagpupulong ang Department of Education (DepEd) kasama ang mga katuwang nito sa sektor ng edukasyon upang talakayin ang mga paghahanda para sa nalalapit na Programme for International Student Assessment (PISA) sa susunod na taon. Sa 2024 Stakeholders’ Forum na ginanap sa DepEd Central Office, ibinahagi ni Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Janir… Continue reading DepEd at mga education partner, nagpulong upang paghandaan ang PISA 2025