DepEd at DOH, palalakasin ang mga progarama para sa kalusugan ng mga mag-aaral

Nagsagawa ng pagpupulong sina Education Secretary Sonny Angara at Health Secretary Ted Herbosa upang talakayin ang mga pagtutulungan ng dalawang ahensya para sa pagbibigay ng tulong sa mga mag-aaral. Ayon kay Secretary Angara, kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagpapalakas sa implementasyon ng Okay ang Kalusugan sa DepEd-DOH Healthy Learning Institutions program. Layon nitong matugunan… Continue reading DepEd at DOH, palalakasin ang mga progarama para sa kalusugan ng mga mag-aaral

₱6.8 milyon ng kush o high-grade marijuana naharang ng mga awtoridad sa NAIA

Naharang sa pagpasok pa ng bansa ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga sinasabing kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱6.8 milyon. Sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, nasamsam ng BOC ang 4,877… Continue reading ₱6.8 milyon ng kush o high-grade marijuana naharang ng mga awtoridad sa NAIA

Guidelines para sa reimbursement ng mga Pilipinong pasahero na naantala ang biyahe patungo sa ibang bansa, isinasapinal na ng DBM at COA — BI

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga patakaran para sa reimbursement ng mga Pilipinong pasaherong naantala ang biyahe ay naghihintay na lamang ng pinal na pag-apruba mula sa Department of Budget of Management (DBM) at Commission on Audit (COA). Ayon kay BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado, nilagdaan na ng BI at ni Department… Continue reading Guidelines para sa reimbursement ng mga Pilipinong pasahero na naantala ang biyahe patungo sa ibang bansa, isinasapinal na ng DBM at COA — BI

ACT-CIS solon, suportado ang SOGIESC Equality Bill

Nagpahayag ng buong suporta si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression and Sex Characteristics (SOGIESC) Equality bill. Giit ni Tulfo sa pagsasabatas ng panukalang ito ay mapo-protektahan ang mga karapatan ng LGBTQIA+ community sa bansa. Sa kanyang interpelasyon sinabi pa ni Tulfo na… Continue reading ACT-CIS solon, suportado ang SOGIESC Equality Bill

PCG nagpaliwanag bakit kinailangang lisanin ng BRP Teresa Magbanua ang Escoda Shoal

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na kinailangang lisanin ng BRP Teresa Magbanua ang Escoda Shoal matapos ang mahigit limang buwang pag-deploy dito dahil sa ilang kritikal na dahilan. Sa pahayag ni Commodore Jay Tarriela, ang PCG spokesperson for the West Philippine Sea, kinailangang pansamantalang iwanan ng nasabing barko ang Escoda shoal dahil sa masamang… Continue reading PCG nagpaliwanag bakit kinailangang lisanin ng BRP Teresa Magbanua ang Escoda Shoal

DSWD, patuloy ang pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng bagyong Ferdie at Habagat

Sabayan nang isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng tulong sa ibat ibang lugar sa bansa na naaapektuhan ng malalakas na pag ulan dulot ng bagyong Ferdie at Habagat. Sa ulat ng DSWD Bicol Region, may 241 pamilya mula sa anim na barangay sa Jovellar, Albay ang sapilitang inilikas. Mahigit… Continue reading DSWD, patuloy ang pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng bagyong Ferdie at Habagat

287 na mga distrito, nakibahagi sa “Handog ng Pangulo” program

Ipinakita ng House of Representatives ang pakikiisa sa selebrasyon ng kaarawan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang “Handog ng Pangulo.” Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias P. Gabonada Jr. 287 na distrito ang nakiisa sa pamamahagi ng P5,000 na tulong pinansyal sa may 1,000 benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos… Continue reading 287 na mga distrito, nakibahagi sa “Handog ng Pangulo” program

Kasong qualified human trafficking laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa, ihahain na ng DOJ

Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) sa isang pahayag na kanilang itutuloy ang kasong qualified human trafficking laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa sang-ayon sa batas na nasa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Sinabi ni DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty na ang mga kaso na isinampa ng… Continue reading Kasong qualified human trafficking laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa, ihahain na ng DOJ

ARBOs sa Nueva Ecija, pinagkalooban ng Agri-Credit checks ni PBBM bilang bahagi ng programa ng DAR at LBP

Aabot sa P41-million Agri-Credit Assistance check ang ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 471 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Nueva Ecija nitong nakalipas na araw. Bahagi ito ng iba’t ibang credit assistance program ng Department of Agrarian Reform (DAR) katuwang ang Land Bank of the Philippines at ang local government unit sa lugar.… Continue reading ARBOs sa Nueva Ecija, pinagkalooban ng Agri-Credit checks ni PBBM bilang bahagi ng programa ng DAR at LBP

OCD, inalerto ang publiko sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa posibleng lahar flow

Inalerto ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente malapit sa bulkang Kanlaon sa posibleng lahar flow. Ito’y sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan kasabay ng nararanasang pag-ulan sa Visayas dulot ng habagat. Sinabi ni OCD Director Ed Posadas na mahigpit na ang ginagawa nilang monitoring sa ipinapakitang aktibidad ng bulkan. Nakikipag-ugnayan… Continue reading OCD, inalerto ang publiko sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa posibleng lahar flow