Mga benepisyo para sa mga solo parents,pinabibilis na ng DSWD sa inter-agency committee

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Inter-Agency Committee na tumatalakay sa mga probisyon hinggil sa benepisyo ng solo parents. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi pa kumpleto ang mga guidelines para masimulan na ang mga programa at serbisyo para sa solo parents. Aniya, ang Department of Labor and… Continue reading Mga benepisyo para sa mga solo parents,pinabibilis na ng DSWD sa inter-agency committee

Shiela Guo, inaming kasama niya si Alice Guo na lumabas ng Pilipinas

Inamin ni Shiela Guo na kasama niyang lumabas ng Pilipinas ang kanyang mga kapatid na sina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at si Wesley Guo. Sa pagdinig ng Senate subcommittee on justice, inilahad ni Shiela na gabi noong unang linggo ng Hulyo ay sinundo silang tatlo ng isang van mula sa kanilang farm sa… Continue reading Shiela Guo, inaming kasama niya si Alice Guo na lumabas ng Pilipinas

Shiela Guo, humarap sa pagdinig ng Senado; Senado, hinihintay pa ang sagot ng Kamara sa kanilang request na padaluhin sa pagdinig si Cassandra Ong

Humarap sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice si Shiela Guo, ang kapatid ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Matatandaang kahapon ay inilipat sa Senado ang kustodiya ni Guo mula sa National Bureau of Investigation (NBI) bilang may warrant of arrest ang Mataas na Kapulungan laban sa kanya. Hindi naman nakadalo sa pagdinig ng… Continue reading Shiela Guo, humarap sa pagdinig ng Senado; Senado, hinihintay pa ang sagot ng Kamara sa kanilang request na padaluhin sa pagdinig si Cassandra Ong

DOTr at LTFRB, nagsagawa ng pagsasanay para sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa Catanduanes

Nagsagawa ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng training workshop para sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa Catanduanes. Ayon sa DOTr, layon ng pagsasanay na ito na palawakin ang kaalaman at gabayan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng kanilang Local Public Transport Route Plan (LPTRP). Ito… Continue reading DOTr at LTFRB, nagsagawa ng pagsasanay para sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa Catanduanes

Meralco, nakakuha na ng bidder para kinakailangang 600-MW na supply ng kuryente

Mayroon nang nanalong bidder sa isinagawang Competitive Selection Process ng Manila Electric Company o Meralco para sa kanilang kinakailangang 600-megawatt na baseload supply. Sa anim na kumpanyang nagsumite ng kanilang mga bid, ang Masinloc Power Co. Ltd. ang nakakuha ng pinakamagandang bid sa halagang ₱5.6015 per kilowatt-hour para sa 500-MW capacity. Habang ang GNPower Dinginin… Continue reading Meralco, nakakuha na ng bidder para kinakailangang 600-MW na supply ng kuryente

Phased vaccination approach, inilatag ng WHO para sa pagbibigay ng bakuna kontra mpox

Inilatag ng World Health Organization (WHO) ang isasagawa nitong estratehiya sa pamamahagi ng mga bakuna para mapigilan ang pagkalat ng sakit na mpox. Ayon sa World Health Organization (WHO), kanilang inuuna sa ngayon ang Africa, partikular na ang Democratic Republic of Congo, sa kanilang pandaigdigang estratehiya upang pigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit. Ayon sa… Continue reading Phased vaccination approach, inilatag ng WHO para sa pagbibigay ng bakuna kontra mpox

DSWD, magtatayo ng regional offices na tututok sa reintegrasyon ng mga dating rebelde at non-state armed groups

Inanunsyo na ni Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang paglalaan ng ₱500 million pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa planong pagtatayo ng mga regional offices ng ahensya. Ayon sa Kalihim ang mga regional office ang titingin sa kapakanan ng mga non-state armed groups at mga dating rebelde.… Continue reading DSWD, magtatayo ng regional offices na tututok sa reintegrasyon ng mga dating rebelde at non-state armed groups

Cambodian Deputy Prime Minister at Foreign Minister Sok Chenda Sophea, nakatakdang dumating sa bansa sa Agosto 27 para sa isang official visit

Inaasahang darating sa Pilipinas si His Excellency Sok Chenda Sophea, ang kasalukuyang Deputy Prime Minister at Foreign Minister ng Cambodia, sa darating na Agosto 27, araw ng Martes bilang bahagi ng official visit nito sa bansa. Sinasabing ito ang unang opisyal na bilateral na pagbisita ni Sok sa isang ASEAN member state bilang Head of… Continue reading Cambodian Deputy Prime Minister at Foreign Minister Sok Chenda Sophea, nakatakdang dumating sa bansa sa Agosto 27 para sa isang official visit

DMW, namahagi ng livelihood grants sa mga OFW sa CALABARZON

Dalawampu’t tatlong overseas Filipino workers (OFWs) mula sa CALABARZON ang pinagkalooban ng livelihood grants ng Department of Migrant Workers (DMW). Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay isinagawa sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Lipa City, Batangas kahapon. Ayon kay DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi, 18 OFW beneficiaries ay binigyan ng tig ₱10,000 financial assistance… Continue reading DMW, namahagi ng livelihood grants sa mga OFW sa CALABARZON

ARTA, binigyan ng pagkilala ang tatlong LGU na nagpatupad ng ganap na eBOSS

Tatlo pang local government units (LGU) ang kinilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) dahil sa pagpapatupad ng ganap na electronic Business One-Stop Shop (eBOSS). Sa ginanap na Bagong Pilipinas Town Hall Meetings sa Iloilo City, ginawaran ni ARTA Secretary Ernesto Perez ng Plaques of Commendation and Seals of Compliance ang mga LGU ng New Lucena… Continue reading ARTA, binigyan ng pagkilala ang tatlong LGU na nagpatupad ng ganap na eBOSS