DOH, hinikayat ang mga pasyenteng may kaso ng leptospirosis na humanap muna ng ibang ospital maliban sa NKTI

Ipinanawagan ng Department of Health (DOH) sa mga leptospirosis patient na humanap muna ng ibang ospital maliban sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kasunod ng pagtaas ng kaso ng nasabing sakit dahil sa bahang dulot ng nagdaang bagyong Carina at epekto ng habagat. Sa kasalukuyan kasi ay ilang kumpirmado at pinaghihinalaang kaso na rin… Continue reading DOH, hinikayat ang mga pasyenteng may kaso ng leptospirosis na humanap muna ng ibang ospital maliban sa NKTI

Pabahay para sa mga Badjao, tiniyak ng DHSUD

Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na mabigyan ng pabahay ang mga pamilyang Badjao sa Mindanao. Katunayan, may ongoing project na ng pabahay ang DHSUD at NHA sa Zamboanga City para sa mga Badjao. Nitong Biyernes, magkasamang ininspeksyon nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at National… Continue reading Pabahay para sa mga Badjao, tiniyak ng DHSUD

Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, makararanas ng mga pag-ulan ngayong umaga –PAGASA

Asahan na ang katamtaman hanggang sa may kalakasang pag-ulan ngayong umaga sa ilang lalawigan sa Luzon kabilang ang Metro Manila. Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, mararanasan ang mga pag-ulan na sasamahan pa ng pagkidlat at malakas na hangin sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan at Tarlac. Kasama din sa makararanas ng mga… Continue reading Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, makararanas ng mga pag-ulan ngayong umaga –PAGASA

Distance learning mechanism, inilatag ng DepEd kapag hindi posible ang face-to-face classes sa mga eskwelahan

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na sapat ang 173 days ng school year 2024-2025 para maituro ang lahat ng aralin na kilangan ng mga estudyante. Matatandaang binuksan ang school year 2024-2025 nitong Hulyo at target itong isara sa april ng susunod na taon para maibalik na ang dating school calendar kung saan ibabalik na… Continue reading Distance learning mechanism, inilatag ng DepEd kapag hindi posible ang face-to-face classes sa mga eskwelahan

Higit P750 billion, kailangan para makamit ang ideal student-to-classroom ratio sa bansa

Kailangan ng Department of Education (DepEd) ng P750 billion para makapagpatayo ng dagdag na 150,000 na silid-aralan para makamit ang ideal ratio na 40 students sa bawat isang silid-aralan. Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education kaugnay sa pagbubukas ng klase sa school year 2024-2025, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Francis Cesar Bringas na… Continue reading Higit P750 billion, kailangan para makamit ang ideal student-to-classroom ratio sa bansa

Opisyal ng POGO na Lucky South 99, ipina-contempt ng Kamara

Ipina-contempt ng House Committee on Public Order and Safety at Games and Amusements ang corporate secretary ng Lucky South 99, ang POGO hub na niraid ng mga awtoridad sa Porac, Pampanga. Ito’y bunsod ng pagtanggi ni Ronelyn Baterna na sumagot nang makatotohanan sa mga tanong ng mga mambabatas. Isa na rito ay kung sino ang… Continue reading Opisyal ng POGO na Lucky South 99, ipina-contempt ng Kamara

2 independent contractor ng GMA network na sangkot sa sexual abuse case sa isang baguhang aktor, ipina-subpoena ng senate panel

Ipinapa-subpoena ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ang dalawang independent contractor ng GMA network na nasasangkot sa isyu ng pang-aabuso diumano sa baguhang aktor na si Sandro Muhlach. Hindi kasi dumalo sa pagdinig ng Senate panel sina Richard Cruz at Jojo Nones kung saan isa sa mga dinidinig ang kaso na isinampa… Continue reading 2 independent contractor ng GMA network na sangkot sa sexual abuse case sa isang baguhang aktor, ipina-subpoena ng senate panel

Presensya ng 3 barkong pandigma ng China sa bisinidad ng MMCA sa WPS, kinumpirma ng AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng 3 barkong pandigma ng China sa bisinidad ng isinasagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Australia, Canada, Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, nakabuntot sa sabayang pagpatrolya ng apat na magkaalyadong bansa… Continue reading Presensya ng 3 barkong pandigma ng China sa bisinidad ng MMCA sa WPS, kinumpirma ng AFP

DA, nakapagtala ng kaso ng ASF sa limang lugar sa Batangas

Kinumpirma ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa na may mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa limang lugar sa lalawigan ng Batangas. Kabilang sa nakitaan ng kaso ng ASF ay sa mga Munisipalidad ng Lobo, Lian, Rosario at Calatagan at sa lungsod ng Lipa. Batay sa rekord ng Bureau of Animal Industry… Continue reading DA, nakapagtala ng kaso ng ASF sa limang lugar sa Batangas

Senate inquiry tungkol sa nangyaring oil spill sa Bataan, gagawin sa susunod na linggo

Itinakda na sa August 15 ang pagdinig ng Senado tungkol sa epekto ng malawakang oil spill na idinulot ng paglubog ng motor tanker (MT) Terranova. Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, bubusisiin ng senado ang puno’t dulo ng oil spill at ang epekto nito sa halos 46,000 na mga mangingisda, food security ng bansa… Continue reading Senate inquiry tungkol sa nangyaring oil spill sa Bataan, gagawin sa susunod na linggo