Mga sundalong atleta, pinarangalan ni Gen. Brawner

Pinarangalan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga sundalong atleta ng AFP Lady Gunnar at AFP Cavaliers Basketball Team sa Camp Aguinaldo ngayong araw. Ang AFP Lady Gunnar Team ay nagwagi sa UNTV Volleyball League Season 2; habang ang AFP Cavaliers Basketball Team ay nag-kampeon sa… Continue reading Mga sundalong atleta, pinarangalan ni Gen. Brawner

Ipapatupad na Contract Farming sa Bukidnon, inaasahang makakatugon sa presyo ng bigas sa Northern Mindanao –NIA

Ipapatupad na rin ng National Irrigation Administration (NIA) ang Contract Farming Program sa Bagontaas, Valencia City, Bukidnon. Sa ulat ng NIA, may 36 na Farmer Irrigators Associations na may 700-ektaryang rice production area ang nangakong suportahan ang programa ng ahensya. Maaari silang maka-avail ng farm inputs at cash assistance para sa labor costs mula sa… Continue reading Ipapatupad na Contract Farming sa Bukidnon, inaasahang makakatugon sa presyo ng bigas sa Northern Mindanao –NIA

P11.7-B, inilaan ng DND para sa ballistic helmet at body armor ng mga sundalo

Naglaan ng P11.7 bilyon ang Department of National Defense (DND) na pambili ng ballistic helmet at body armor para sa karagdagang proteksyon ng 115,000 sundalo ng Philippine Army. Sa magkahiwalay na bid bulletin na inanunsyo sa DND website, itinakda ang budget para sa ballistic helmet project sa halagang P2,875,000,000; habang P8,832,000,000 naman ang budget para… Continue reading P11.7-B, inilaan ng DND para sa ballistic helmet at body armor ng mga sundalo

30,000 Angkas partner riders makakakuha na ng social security protection mula sa SSS

Mabibigyan na ng Social Security Protection ang humigit-kumulang 30,000 Angkas partner bikers na nag-ooperate sa Metro Manila, Metro Cebu, at Cagayan de Oro City. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan nina Social Security System President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at Angkas Chief Executive Officer George Ilagan Royeca para sa programa. Pinuri ni… Continue reading 30,000 Angkas partner riders makakakuha na ng social security protection mula sa SSS

Pilipinas at Germany Defense Chiefs, nagsagawa ng bilateral meeting ngayong araw

Sinimulan na ngayong umaga ang bilateral meeting sa pagitan nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro at Federal Minister of Defense H.E. Boris Pistorius na ginaganap sa isang hotel sa Makati City. Sinasabing ito ang unang pagbisita ng German Defense Minister sa bansa kung saang tutuklasin ng dalawang opisyal ang iba’t ibang oportunidad… Continue reading Pilipinas at Germany Defense Chiefs, nagsagawa ng bilateral meeting ngayong araw

PCSO GM Robles, nagsampa ng kaso laban sa vlogger na si Maharlika

Pormal nang sinampahan ng kaso ni Philippine Charity Sweepstake Office General Manager Mel Robles ang vlogger na si Claire Contreras na mas kilala bilang si Maharlika. Kasong defamation o paninirang-puri at invasion of privacy ang isinampa ni Robles kay Maharlika sa Central District Court sa California. Sa pulong balitaan, sinabi ni Robles na nagpasya silang… Continue reading PCSO GM Robles, nagsampa ng kaso laban sa vlogger na si Maharlika

Budget briefing ng 2025 National Budget, sisimulan na ng Kamara bukas

Kasado na sa Lunes, August 5 ang pagsisimula ng budget briefing ng Kamara parasa 2025 National Expenditure program. Unang haharap ang mga ahensyang miyembro ng Development Budget Coordinating Council o DBCC. Ayon kay House Appropriations Vice Chair Stella Quimbo, partikular na tatalakayin ng DBCC ang macro-economic assumptions na naging batayan sa pagbuo ng buong 2025… Continue reading Budget briefing ng 2025 National Budget, sisimulan na ng Kamara bukas

PCG, tinanggap ang donasyong food packs para ipamahagi sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill

Aabot sa 490 food packs ang tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Tanging Yaman Foundation para sa pagsuporta sa mga apektadong mangingisda ng oil spill sa Limay, Bataan at Tanza, Cavite. Ang nasabing donasyon na mula sa foundation ay bilang pagtugon upang mag-alok ng agarang tulong at suporta sa mga pinakatinamaan ng kalamidad.… Continue reading PCG, tinanggap ang donasyong food packs para ipamahagi sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill

Dagdag pondo para sa BPSF, tiniyak ng Kamara

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na daragdagan ang pondo para sa mga programa at serbisyong iniaalok sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF). Sa nalalapit na pagsalang ng 2025 National Budget sa deliberasyon ng Kamara ngayong linggo titiyakin nila na magkaroon ng dagdag na pondo ang mga programa at serbisyo na mahalagang bahagi ng BPSF… Continue reading Dagdag pondo para sa BPSF, tiniyak ng Kamara

Chinese national na iniuugnay sa human trafficking, arestado ng mga awtoridad

Inaresto sa pangunguna ng Bureau of Investigation (BI) ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa trafficking ng mga kapwa Chinese upang magtrabaho sa mga online gaming hub o POGO sa Pilipinas. Kinilala ang lalaking Chinese na si Wang Chuancong, 35 anyos, na naaresto sa loob ng kanyang condominium unit sa Roxas Blvd. sa Parañaque… Continue reading Chinese national na iniuugnay sa human trafficking, arestado ng mga awtoridad