Enrile, suportado ang hakbang ni PBBM na ipagbawal ang operasyon ng POGO sa Pilipinas

Tama lang ang ginawang pagbabawal ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa operasyon ng lahat ng POGO sa bansa. Ito ang binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile. Isa si Enrile sa mga resource person na dumalo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara hinggil sa POGO related crimes. Ani Enrile, kung… Continue reading Enrile, suportado ang hakbang ni PBBM na ipagbawal ang operasyon ng POGO sa Pilipinas

Panukalang batas tungkol sa ganap na pagbabawal ng POGO sa bansa, isusulong na maging prayoridad

Isusulong ni Senador Joel Villanueva na maging prayoridad ang pagpapasa ng panukalang batas para tuluyan nang ipagbawal ang mga POGO sa bansa at ipawalang bisa ang batas na nagpapataw sa kanila ng buwis. Ayon kay Villanueva, kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makausap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay makikiusap siyang gawing priority measure… Continue reading Panukalang batas tungkol sa ganap na pagbabawal ng POGO sa bansa, isusulong na maging prayoridad

Senate President Escudero, handang suportahan ang rekomendasyon ni Sen. Gatchalian na sampahan ng kaso si suspended Mayor Alice Guo

Bukas si Senate President Chiz Escudero na suportahan ang mungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na sampahan ng kasong kriminal si suspended Mayor Alice Guo dahil sa hindi pagsunod sa contempt at arrest order ng Senado. Inirerekomenda kasi ni Gatchalian na sampahan ng kasong paglabag sa article 150 ng revised penal code si Guo – ito… Continue reading Senate President Escudero, handang suportahan ang rekomendasyon ni Sen. Gatchalian na sampahan ng kaso si suspended Mayor Alice Guo

Finance Sec. Recto, tiniyak na may sapat ang pondo ng PhilHealth para tustusan ang benepisyo ng mga miyembro nito

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na patuloy pa ring makakatanggap ng mga benepisyo ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ang pahayag na ito ni Recto ay kasabay ng paglilinaw sa ilang kwestiyon tungkol sa ginawang pagkolekta ng Department of Finance (DOF) sa P89.9 billion na unutilized o hindi nagamit na pondo… Continue reading Finance Sec. Recto, tiniyak na may sapat ang pondo ng PhilHealth para tustusan ang benepisyo ng mga miyembro nito

Mahigit 800 na mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase dahil sa epekto ng Bagyong Carina –DepEd

Mahigit 800 na mga paaralan sa buong bansa ang hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase ngayong araw dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Carina. Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), aabot sa 841 na mga paaralan ang apektado mula sa NCR, Region 1, Region 3, Region4-A, at Region 7. Pinakamarami na… Continue reading Mahigit 800 na mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase dahil sa epekto ng Bagyong Carina –DepEd

Higit ₱6-T panukalang pondo para sa 2025, nasa kamay na ng Kamara

Pormal nang naisumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱6.352 trillion National Expenditure Program sa Kamara. Personal itong iniabot ni DBM Sec. Amenah Pangandaman at iba pang opisyal ng kagawran sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez. Ang panukalang budget para sa susunod na taon ay 10.1% na mas mataas… Continue reading Higit ₱6-T panukalang pondo para sa 2025, nasa kamay na ng Kamara

Proseso sa pamamahagi ng ayuda sa mga Taguigeño, dapat sundin ayon sa LGU

Iginiit ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na may mga panuntunang kailangang sundin hinggil sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Ito ang binigyang diin ng LGU matapos magviral sa social media ang hindi pagsunod ni Taguig 2nd District Rep. Pammy Zamora sa protocol gayundin ang paninigaw nito sa isang tauhan ng evacuation center… Continue reading Proseso sa pamamahagi ng ayuda sa mga Taguigeño, dapat sundin ayon sa LGU

Deputy Speaker Frasco, ipinagmalaki ang itatayong Liloan Children’s Hospital

Malaki ang pasasalamat ni Deputy Speaker at Cebu 5th District Rep. Duke Frasco sa pagsasakatuparan ng hangaring isulong ang pediatric healthcare sa probinsya ng Cebu. Kasunod ito ng pagpapasinaya sa Liloan Children’s Hospital, isa sa mga itinulak na programa na naging ganap na batas noong June 2022. Sabi ni Frasco, hindi lang ito magbibigay serbisyo… Continue reading Deputy Speaker Frasco, ipinagmalaki ang itatayong Liloan Children’s Hospital

Sen. Gatchalian, inirekomendang kasuhan ng kasong kriminal si suspended Mayor Alice Guo dahil sa hindi pa rin pagdalo sa pagdinig ng Senado

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Inirekomenda ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senado na sampahan ng kasong paglabag sa article 150 ng revised penal code sina suspended Mayor Alice Guo at ang mga kaanak nito na hindi sumunod sa contempt at arrest order ng Senado. Tinutukoy nito ang batas tungkol sa hindi pagsunod ng isang indibidwal sa summon o pagpapatawag ng… Continue reading Sen. Gatchalian, inirekomendang kasuhan ng kasong kriminal si suspended Mayor Alice Guo dahil sa hindi pa rin pagdalo sa pagdinig ng Senado

Mga sinalanta ng kalamidad, binigyan ng pansamantalang trabaho ng DSWD

Ngayong araw, nasa 100 indibidwal ang binigyan ng trabaho ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Cash-For-Work Program. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, magre-repack ang mga benepisyaryo ng family food packs sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City. Ang hakbang na ito ay bahagi ng holistic at… Continue reading Mga sinalanta ng kalamidad, binigyan ng pansamantalang trabaho ng DSWD