Sen. Angara, good choice bilang DepEd secretary ayon sa mga senador

Binati ng mga senador ang pagkakatalaga ni Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd). Ayon kay Senate President Chiz Escudero, well-deserved ang appointment ni Angara. Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, na very qualified si Angara sa naturang posisyon at tiyak siyang magiging epektibo ito bilang education secretary lalo… Continue reading Sen. Angara, good choice bilang DepEd secretary ayon sa mga senador

Gabi ng Pasasalamat Concert, isinasagawa sa Lungsod ng Pasig kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2024

Isinasagawa ngayong hapon ang Gabi ng Pasasalamat Concert sa Pasig City Hall Quadrangle. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag nf Pasig bilang isang bayan. Tampok sa concert ang perfomances ng mga guest artist gaya ng Magnus Haven, Skusta Clee, Flow G, The Knobs, at iba pa. Kaugnay nito, ilang mga… Continue reading Gabi ng Pasasalamat Concert, isinasagawa sa Lungsod ng Pasig kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Pasig 2024

San Mateo LGU, rumesponde sa tumagilid na delivery truck na may kargang  mga LPG tank sa bahagi ng San Mateo-Batasan Road, QC

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng San Mateo Department of Public Order and Safety (DPOS) matapos na tumagilid ang delivery truck na may kargang mga LPG tank sa bahagi ng San Mateo-Batasan Road sa Quezon City pasado alas-12:00 ng tanghali. Ayon sa San Mateo Rizal Public Information Office, tumagilid ang delivery truck malapit sa… Continue reading San Mateo LGU, rumesponde sa tumagilid na delivery truck na may kargang  mga LPG tank sa bahagi ng San Mateo-Batasan Road, QC

Teacher solon, ipinaabot ang pagbati kay Sen.  Angara sa pagiging bagong kalihim ng DepEd

Kabilang si Marikina Rep. Stella Quimbo sa mga mambabatas na nagpaabot ng pagbati kay Sen. Sonny Angara matapos itong maitalaga bilang bagong Education Secretary. Kinilala ni Quimbo ang pagiging kapwa advocate ni Angara sa kalidad na edukasyon. “As a fellow legislator and an advocate for quality education, I am thrilled to see Senator Angara step… Continue reading Teacher solon, ipinaabot ang pagbati kay Sen.  Angara sa pagiging bagong kalihim ng DepEd

Pamahalaan, wala nang namo-monitor na foreign terrorist sa bansa sa ikatlong taon ng Marcos administration

Wala nang namo-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na foreign terrorist na nagtatago sa Pilipinas, sa gitna ng pina-igting na laban ng Marcos administration kontra insurgency at terorismo. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na ang dalawang huling napaulat na foreign terrorist sa bansa, na-neutralize na… Continue reading Pamahalaan, wala nang namo-monitor na foreign terrorist sa bansa sa ikatlong taon ng Marcos administration

Pakikipag-usap sa mga dating rebelde sa Eastern Visayas para sa pagpapalakas ng peace and development programs, tinapos na ng DSWD

Tinapos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang huling yugto ng kanilang benchmarking study at field research sa mga lalawigan ng Samar at Leyte. Ayon sa DSWD, nakipagtulungan sa mga local government units ang concerned agencies para sa focus group discussions, kasama dito ang dating Communist Party of the Philippines-New People’s Army… Continue reading Pakikipag-usap sa mga dating rebelde sa Eastern Visayas para sa pagpapalakas ng peace and development programs, tinapos na ng DSWD

Operasyon ng tanggapan ng MMDA sa Pasig City, magiging limitado bukas dahil sa pagdiriwang ng Araw ng Pasig

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na limitado lamang ang kanilang mga transaksyon sa kanilang Head Office Building sa Doña Julia Vargas Avenue, Barangay Ugong, Pasig City bukas. Ito ay dahil idineklara ng Malacañang ang araw na ito bilang special non-working holiday sa Pasig City kaugnay ng pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng lungsod… Continue reading Operasyon ng tanggapan ng MMDA sa Pasig City, magiging limitado bukas dahil sa pagdiriwang ng Araw ng Pasig

Impormasyon sa dating miyembro ng gabinete na sangkot sa operasyon ng mga POGO, iimbestigahan ng Senado

Isasama na ng Senate panel sa pagdinig tungkol sa operasyon ng mga POGO sa bansa ang impormasyon mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na may isang dating miyembro ng gabinete ang nagla-lobby para makakuha ng lisensya ang mga ilegal na POGO. Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian,… Continue reading Impormasyon sa dating miyembro ng gabinete na sangkot sa operasyon ng mga POGO, iimbestigahan ng Senado

Pag awit ng Bagong Pilipinas Hymn at pledge, magiging bahagi na ng flag ceremony ng Kamara

Sinabi ngayon ni House Secretary General Reginald Velasco na magiging regular na ang pag-awit at pag-bigkas sa Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa buwanang flag ceremony ng Kamara. Ayon kay Velasco, desisyon ng House of Representatives na i-adopt ang hymn at pledge dahil naniniwala rin sila sa kaparehong values at objectives nito. “We have decided,… Continue reading Pag awit ng Bagong Pilipinas Hymn at pledge, magiging bahagi na ng flag ceremony ng Kamara

Meralco, nilinaw na walang convenience fee sa paggamit ng Bayad e-wallet sa Meralco Online

Nilinaw ng Manila Electric Company o Meralco na walang convenience fee ang pagbabayad gamit ang Bayad e-wallet sa Meralco Online website at app. Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, ang Meralco ay hindi kumikita sa convenience fee na sinisingil sa mga customer na gumagamit ng ibang payment options tulad… Continue reading Meralco, nilinaw na walang convenience fee sa paggamit ng Bayad e-wallet sa Meralco Online