BOC, umapela sa mga OFW na i-claim na ang mga hindi pa nakukuhang balikbayan boxes

Ipinanawagan ng Bureau of Customs (BOC) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na kunin na ang 294 na natitira pang hindi pa nakukuhang balikbayan boxes na nasa kanila pang pangangalaga. Ayon sa BOC, iniwan ng mga forwarder ang mga nasabing balikbayan box matapos dumating mula sa Kuwait noong Pebrero 12, 2023.… Continue reading BOC, umapela sa mga OFW na i-claim na ang mga hindi pa nakukuhang balikbayan boxes

Mga nagtapos sa Citizen Reserve Force, pinuri ng AFP Chief of Staff

Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., ang mga nagtapos ng Basic Citizen Military Course Class sa Baguio City. Matagumpay na nakumpleto ang training program para sa mga bagong graduates, na nagpakita ng dedikasyon at pangako sa buong kurso. Sa kanilang pagtatapos, binigyang-diin ni General Brawner ang… Continue reading Mga nagtapos sa Citizen Reserve Force, pinuri ng AFP Chief of Staff

Good Design Awards Philippines, kinilala ang mga natatanging disenyong Pilipino

Pinarangalan ng Design Center of the Philippines ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga natatanging disenyong Pilipino sa ginanap na 2024 Good Design Award Philippines sa The Globe Tower sa Taguig City. Sa kaganapanan, kinilala ang ang First United Building sa Escolta, Maynila kung saan nasungkit nito ang Malasakit Gran Prix Award. Ang… Continue reading Good Design Awards Philippines, kinilala ang mga natatanging disenyong Pilipino

PhilSA, kinumpirma ang rocket launch na ‘Long March 7A’ ng China

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang rocket launch na Long March 7A ng People’s Republic of China. Pinalipad ang rocket mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan dakong alas-7:57 kagabi, Hunyo 29, 2024. Sa abiso ng PhilSA, posibleng bumagsak ang debris ng rocket sa ilang natukoy na drop zone na humigit-kumulang 75 nautical… Continue reading PhilSA, kinumpirma ang rocket launch na ‘Long March 7A’ ng China

Korean fugitive, arestado ng mga awtoridad sa NAIA

Inaresto ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang isang kinilalang fugitive mula South Korea nang tangkain nitong lumipad paalis ng bansa nitong linggo lamang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Sin Man Seung, 54 anyos, na sinubukang umalis ng bansa lulan… Continue reading Korean fugitive, arestado ng mga awtoridad sa NAIA

PHIVOLCS, nagpaalala sa publiko na huwag basta paniwalaan ang mga hindi berepikadong ulat tungkol sa lindol

Muling nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na huwag basta maniwala sa mga ulat na may mangyayaring malakas na lindol mula sa unconfirmed at unreliable sources. Nilinaw ng ahensya na walang teknolohiya sa buong mundo ang makapagsasabi kung kailan at saan mangyayari ang isang lindol. Pinaalalahanan ang lahat na huwag mag share… Continue reading PHIVOLCS, nagpaalala sa publiko na huwag basta paniwalaan ang mga hindi berepikadong ulat tungkol sa lindol

Coastal waters sa bansa na kontaminado ng red tide, limitado na lang sa apat, ayon sa BFAR

Apat na lang na coastal waters sa bansa ang nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide. Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources,hindi pa rin pinapayagan ang paghango at pagkain ng shellfish sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanguillas Bay sa Zamboanga del… Continue reading Coastal waters sa bansa na kontaminado ng red tide, limitado na lang sa apat, ayon sa BFAR

Pilipinas, nakatanggap ng mga papuri sa pag-host ng International Forum on Gastronomy Tourism sa Cebu

Tinanggap ng Pilipinas ang samu’t saring papuri mula sa iba’t ibang grupo at organisasyon dahil sa mahusay umano nitong pagho-host ng United Nations (UN) Tourism Forum on Gastronomy Tourism for Asia and the Pacific. Ginanap ang nasabing pagtitipon sa lalawigan ng Cebu nito lamang ika-26 ng Hunyo kung saan samu’t saring papuri ang natanggap ng… Continue reading Pilipinas, nakatanggap ng mga papuri sa pag-host ng International Forum on Gastronomy Tourism sa Cebu

CenPEG, nanawagan ng tunay na diplomatic dialogue para humupa ang tensyon sa WPS

Hinimok ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) ang Pilipinas at China na magkaroon ng genuine diplomatic dialogue upang matugunan ang patuloy na tensyon sa West Philippine Sea. Naniniwala si CenPEG Director for Policy Studies Bobby Tuazon na makatutulong ito para humupa ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa. Aniya, mula noong 1949, mapayapang nalutas… Continue reading CenPEG, nanawagan ng tunay na diplomatic dialogue para humupa ang tensyon sa WPS

Ilang lugar sa Taguig City pansamantalang mawawalan ng kuryente ngayong araw, June 30 — Meralco

Magsasagawa ng maintenance work ang Meralco ngayong araw ng Linggo, June 30, sa ilang bahagi ng Taguig City dahilan upang pansamantalang mawalan ng kuryente ang ilang lugar sa lungsod. Apektado ng nasabing maintenance work ang ilang bahagi ng Ususan at Western Bicutan magmula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Kabilang sa mga mawawalan ng… Continue reading Ilang lugar sa Taguig City pansamantalang mawawalan ng kuryente ngayong araw, June 30 — Meralco