Mahigit 1,600 benepisyaryo, nakinabang sa pagdayo ng NHA People’s Caravan sa Muntinlupa City

Mahigit 1,600 residente sa Muntinlupa City ang nabigyan ng serbisyo ng People’s Caravan na inorganisa ng National Housing Authority (NHA). Ang inisyatiba ng NHA ay para ilapit sa publiko ang iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno para matulungan sila. Ayon kay NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano, mga residente ng Southville 3 sa Poblacion… Continue reading Mahigit 1,600 benepisyaryo, nakinabang sa pagdayo ng NHA People’s Caravan sa Muntinlupa City

Idelohiya ng pagkakaisa sa pag-aalyansa ng mga partido pulitikal, dapat mangyari sa ilalim ng Bagong Pilipinas –PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may pagbabago ng nagagawa sa takbo ng pulitika sa bansa. Sa gitna na rin ito ng pagkakaisa na siyang isinusulong ng administrasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas. Sinabi ng Pangulo na sa nakikitang alyansang nagaganap ng iba’t ibang political parties ay panahon na upang wakasan ang isipang… Continue reading Idelohiya ng pagkakaisa sa pag-aalyansa ng mga partido pulitikal, dapat mangyari sa ilalim ng Bagong Pilipinas –PBBM

Undeclared 47-M Japanese yen nasabat ng BOC-NAIA

Nasabat ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang tinatayang 47 million Japanese yen o katumbas ng ₱17.2 million na sinasabing undeclared. Natuklasan ang nasabing halaga sa pamamagitan ng x-ray inspection na isinagawa sa check-in baggage ng isang Koreano sa NAIA Terminal 3 noong June 27. Kinumpirma ni Customs… Continue reading Undeclared 47-M Japanese yen nasabat ng BOC-NAIA

PBBM, hirap pumili ng ilalagay na bagong Kalihim sa DepEd

Ferdinand Marcos Jr., Philippines president, during a meeting with US President Joe Biden, not pictured, in the Oval Office of the White House in Washington, DC, US, on Monday, May 1, 2023. The visit comes months after the Philippines granted the US greater access to its military sites, paving the way for greater American presence in Asia Pacific amid heightened tensions with China over Taiwan and the disputed South China Sea. Photographer: Michael Reynolds/EPA/Bloomberg via Getty Images

Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hirap siyang makapagtalaga ng ipapalit kay Vice President Sara Duterte bilang kalihim sa Kagawaran ng Edukasyon. Sa ambush interview sa Chief Executive, sinabi nitong kailangan niya pa ng panahon na makapagtalaga ng susunod na Department of Education (DepEd) Secretary. Marami na aniyang dumaan sa kanyang curriculum vitae… Continue reading PBBM, hirap pumili ng ilalagay na bagong Kalihim sa DepEd

Dating Cong. Teves, sisikaping maibalik na sa bansa sa Hulyo – DOJ Asec. Clavano

Kampante ang Department of Justice (DOJ) na maibalik sa bansa si dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr. Inanunsyo ito sa Saturday News Forum, ni DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano matapos aprubahan ng Timor Leste ang extradition request ng bansa laban kay Teves. May posibilidad na maiuwi sa bansa si Teves sa una… Continue reading Dating Cong. Teves, sisikaping maibalik na sa bansa sa Hulyo – DOJ Asec. Clavano

SBMA, nagsagawa ng commitment ceremony para sa LGBTQIA+ couples bilang pakikiisa sa Pride Month

Nakiisa ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pagtatapos ng Pride Month ngayong taon sa pamamagitan ng pagdadaos ng isang Couples Mass Commitment Ceremony na isinagawa sa Subic Park Hotel nitong linggo. Sa seremonya, limang LGBTQIA+ couples ang pinagtibay ang kanilang pagmamahalan at pangako sa isa’t isa kasama ang tradisyunal na seremonya ng pagpapalitan ng… Continue reading SBMA, nagsagawa ng commitment ceremony para sa LGBTQIA+ couples bilang pakikiisa sa Pride Month

Puganteng Chinese, inaresto matapos subukang mag-extend ng visa

Inaresto ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national matapos kilalanin itong isang pugante nang subukan nitong palawigin ang kanyang visa dito sa bansa. Kinilala ang lalaking Chinese fugitive na si Luo Xinya, 27 anyos. Ayon kay Raymond Remigio, Hepe ng BI Tourist Visa Section, natukoy si Luo na may umiiral… Continue reading Puganteng Chinese, inaresto matapos subukang mag-extend ng visa

Kamara, iimbestigahan ang paglabag sa karapatang pantao at karapatan sa pagkain ng mga mangingisda sa WPS

Nagkasundo ang mga miyembro ng House Committee on Human Rights na magkasa ng motu proprio inquiry in aid of legislation upang tugunan ang nangyayaring paglabag sa karapatang pantao at right to food ng mga Pilipinong mangingisda mula Zambales, Bataan at Pangasinan na pawang namamalakaya sa West Philippine Sea. Kasunod ito ng liham ng Peoples Development… Continue reading Kamara, iimbestigahan ang paglabag sa karapatang pantao at karapatan sa pagkain ng mga mangingisda sa WPS

QC LGU, magpapatupad ng stop-and-go scheme sa Elliptical Road sa araw ng pasasalamat ng “Love Laban 2 Everyone” sa June 30

Simula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi bukas, Hunyo 30, magpapatupad ng stop-and-go scheme ang Quezon City government sa Elliptical Road sa Commonwealth Avenue at sa harap ng Quezon City Hall. Sa abiso ng local government unit (LGU), para ito sa gaganaping Love Laban 2 Everyone! Happy Equality: Araw ng Pasasalamat kasama ang LGBTQIA+… Continue reading QC LGU, magpapatupad ng stop-and-go scheme sa Elliptical Road sa araw ng pasasalamat ng “Love Laban 2 Everyone” sa June 30

Bayan ng Tibiao sa Antique, niyanig ng lindol ngayong umaga – PHIVOLCS

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Tibiao sa lalawigan ng Antique bago mag-alas-6:00 ng umaga. Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng lindol sa layong 18 kilometro sa Hilagang Kanluran ng Tibiao. Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na isang kilometro. Naramdaman ang… Continue reading Bayan ng Tibiao sa Antique, niyanig ng lindol ngayong umaga – PHIVOLCS