Reward system sa war on drugs, napatotohanan ng mga salaysay sa Quad Comm

Hindi na maitatanggi ang pagkakaroon ng reward system sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ito ang ipinunto ng Quad Committee matapos patotohanan ni dating NAPOLCOM CHie Col. Edilberto Leonardo ang salaysay ni dating PCSO General Manager Royina Garma kasunod ng interpelasyon ni Manila Rep. Benny Abante. Sa naturang twin affidavit, nakasaad ang pagkakaroon ng… Continue reading Reward system sa war on drugs, napatotohanan ng mga salaysay sa Quad Comm

Garma, inaming nakatanggap ng pabuya sa ilalim ng reward system ng war on drugs

Sa kaniyang supplemental affidavit, ibinahagi ni dating PCSO General Manager Royina Garma na personal siyang nakatanggap ng pabuya matapos ang matagumpay na operasayon sa ilalim ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Sa ika-siyam na pagdinig ng Quad Committee, inilahad ni Garma ang dalawang pagkakataon kung kailan may natanggap siyang reward matapos may mapatay sa… Continue reading Garma, inaming nakatanggap ng pabuya sa ilalim ng reward system ng war on drugs

DHSUD, magbibigay ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyo sa Bicol Region

Inihanda na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang tulong pinansyal para sa mga biktima ni Bagyong Kristine sa Bicol Region. Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang kaloob na cash assistance ay mula sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng departmento. Bawat pamilya na nawalan ng bahay ay pagkakalooban… Continue reading DHSUD, magbibigay ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyo sa Bicol Region

Higit 18,000 na foodpacks, naipamahagi ng Ako Bicol party-list at Speaker Romualdez sa mga apektado ng bagyo sa Bicol

Aabot na sa 18,000 na food packs ang naipamahagi ng Ako Bicol party-list at tanggapan ni Speaker Martin Romualdez sa kabuuan ng Bicol para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine. Nasa 12,218 dito ay sa pakikipagtulungan ng DSWD habang ang 5,793 ay galing mismo mula sa Ako Bicol. Naipagkaloob ito sa 19 na barangay sa… Continue reading Higit 18,000 na foodpacks, naipamahagi ng Ako Bicol party-list at Speaker Romualdez sa mga apektado ng bagyo sa Bicol

DSWD-CALABARZON, nagbigay na ng psychosocial intervention at cash aid sa mga namatayang pamilya sa nagdaang bagyo

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng psychosocial services at pinansyal na tulong sa mga pamilyang namatayan sa kasagsagan ng Bagyong Kristine. Sa tala ng DSWD-CALABARZON, may 24 katao ang nasawi habang 23 ang nawawala pa. Ayon kay DSWD-Calabarzon Regional Director Barry Chua, isinailalim na sa counseling at psychosocial… Continue reading DSWD-CALABARZON, nagbigay na ng psychosocial intervention at cash aid sa mga namatayang pamilya sa nagdaang bagyo

Pagkumpuni sa mga power lines na nasira ng Bagyong Kristine, tatapusin na ngayong maghapon ng MERALCO

Target na tapusin ngayong araw ng Manila Electric Company (MERALCO) ang restoration activities sa power lines na naapektuhan ng Bagyong Kristine. Ayon kay MERALCO Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga, hanggang kaninang umaga, nasa 6,000 customers na lang ang apektado ng service interruptions. Mas mababa na aniya ito ng isang porsiyento sa… Continue reading Pagkumpuni sa mga power lines na nasira ng Bagyong Kristine, tatapusin na ngayong maghapon ng MERALCO

House panel chair, umaasa pa rin sa “bicam” investigation ng war on drugs

Umaasa pa rin si House Quad-Committee (Quad-Comm) Overall Chair Robert Ace Barbers na makonsidera pa rin ang suhestyon niya na “bicam” investigation sa laban kontra ilegal na droga ng nakaraang administrasyon. Ito ay kahit pa nagpahayag na si Senate President Francis “Chiz” Escudero na malabo itong mangyari dahil sa magkaiba ang panuntunan ng Kamara at… Continue reading House panel chair, umaasa pa rin sa “bicam” investigation ng war on drugs

Tingog Partylist, nagpaabot rin ng tulong sa 290 Pilipinong nagbabalik bansa mula Lebanon

Nakiisa si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson at Tingog Partylist Representative Jude Acidre sa pagsalubong ng mga opisyal ng pamahalaan sa 290 na Pilipinong ligtas na narepatriate mula Lebanon. Sa kanilang pag-uwi ay nagpaabot ang pamahalaan ng tulong pinansyal upang makapagsimula muli sa kanilang pagbabalik bansa. Kada repatriate ay may tulong pinansyal na… Continue reading Tingog Partylist, nagpaabot rin ng tulong sa 290 Pilipinong nagbabalik bansa mula Lebanon

Pinsala sa mga electric cooperative dahil sa Bagyong Kristine, higit P12 million –NEA

Aabot na sa P12,155,568.62 ang halaga ng pinsala sa mga electric cooperative (EC) sa mga rehiyon na sinalanta ng Bagyong Kristine. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department. Lubos na napinsala ng bagyo ang 11 ECs, na kinabibilangan ng QUIRELCO, ABRECO, BENECO, NEECO II-Area 1, MARELCO, TELCO, FICELCO,… Continue reading Pinsala sa mga electric cooperative dahil sa Bagyong Kristine, higit P12 million –NEA

Pondo para sa pagtugon ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine, tiniyak ng DBM

Tiniyak ng Departmet of Budget and Management (DBM) na may sapat na resources ang pamahalaan para gamitin sa relief and recovery efforts sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong #KristinePH. Sa situation briefing sa Malacañang, inisa-isa ni DBM Sec. Amenah Pangandaman ang possible sources ng funding para sa pagtugon ng gobyerno. Kabilang dito ang quick response… Continue reading Pondo para sa pagtugon ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine, tiniyak ng DBM