Mga benepisyo para sa solo parents, pinabibilis na ng DSWD sa Inter-agency Committee

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development sa Inter-Agency Committee na tumatalakay sa mga probisyon hinggil sa benepisyo ng solo parents. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi pa kumpleto ang guidelines para masimulan na ang mga programa at serbisyo para sa solo parents. Aniya, ang Department of Labor and Employment at… Continue reading Mga benepisyo para sa solo parents, pinabibilis na ng DSWD sa Inter-agency Committee

Dalawang residente sa Lungsod ng Las Piñas, nakatanggap ng wheelchair mula sa LGU

Namahagi ng wheelchair si Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar sa dalawang residente ng BF International bilang bahagi ng outreach efforts nito. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang nasabing mga donasyon ay tinanggap ng mga kaanak ng mga nangangailangan ng wheelchair. Ayon kay Vice Mayor Aguilar, tuloy ang kaniyang pangako na suportahan ang mga residente… Continue reading Dalawang residente sa Lungsod ng Las Piñas, nakatanggap ng wheelchair mula sa LGU

Pagsilip sa kung paano ginagastos ang intel funds, suportado ng House leader

Suportado ni Deputy Speaker David Suarez ang plano ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na isailalim sa review ang paggamit ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa kanilang intel fund. Bunsod pa rin ito na nagawang makalusot ni Alice Guo palabas ng bansa. Maliban dito, maigi rin aniya na mabusisi ang security measures at protocols… Continue reading Pagsilip sa kung paano ginagastos ang intel funds, suportado ng House leader

CSC, naniniwalang epektibo pa rin ang flexible work arrangement kahit wala nang pandemic

Naniniwala si Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles na epektibo pa rin ang pagkakaroon ng flexible work arrangement kahit wala nang pandemiya. Sa pagsalang ng P2.7 bilyon na panukalang budget ng CSC sa Kamara, sinabi ni Nograles na kasalukuyang pinaplantsa ang bagong guidelines para sa flexible work arrangement kung saan pangunahing konsiderasyon ang energy at… Continue reading CSC, naniniwalang epektibo pa rin ang flexible work arrangement kahit wala nang pandemic

Mega Jobs Fair, ikinasa ng Muntinlupa LGU

Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang mga residente nito na makiisa sa gaganaping Mega Jobs Fair sa SM Center Muntinlupa, Brgy. Tunasan sa darating na Biyernes, August 30 2024. Ang naturang aktibidad na may titulong “Trabaho Para sa Muntinlupeño’ ay magsisimula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Paliwanag ng LGU, ang inaabangang Mega… Continue reading Mega Jobs Fair, ikinasa ng Muntinlupa LGU

Tulong para sa mga OFW, ikinasa ng OWWA at Makati LGU

Nagsanib pwersa ang Overseas Workers Welfare Administration at ang Pamahalaang Lungsod ng Makati para mabigyan ng assistance ang Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng OWWA help desk. Ayon sa anunsyo ng Makati City, nakipagkolaborasyon ang Makati Public Employment Service Office (PESO), sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para makapagbigay ng libreng konsultasyon na may kinalaman… Continue reading Tulong para sa mga OFW, ikinasa ng OWWA at Makati LGU

Higit 450 na barangay, may aktibong kaso ng ASF — BAI

Tumaas ang bilang ng mga lugar sa bansa na may aktibong kaso sa ngayon ng African Swine Fever (ASF) batay sa pinakahuling bulletin ng Bureau of Animal Industry. Batay sa ulat, mula sa 251 barangay ay umakyat sa 458 o halos doble ang mga apektadong barangay mula sa higit 100 munisipalidad sa bansa. Pinakamalaki pa… Continue reading Higit 450 na barangay, may aktibong kaso ng ASF — BAI

Die and mold industry, malaki ang ambag sa ekonomiya — PEZA chief

Kinilala ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga ang naging kontribusyon ng ‘die and mold industry’ sa ekonomiya ng bansa gayundin sa employment. Ayon kay Panga, nasa halos 300 rehistradong proyekto ang mayroon sa PEZA na may kinalaman sa ‘die and mold activity’. Paliwanag ng opisyal na ang naturang mga proyekto ay… Continue reading Die and mold industry, malaki ang ambag sa ekonomiya — PEZA chief

PCA, target maging ‘number one global producer’ ng niyog ang Pilipinas

Patuloy ang pagpupursige ng Philippine Coconut Authority para maiangat ang industriya ng pagniniyog sa bansa at maging number one exporter ng niyog sa buong mundo. Sa pagbubukas ng ika-38 National Coconut Week, inilatag ng PCA ang iba’t ibang hakbang nito na nakasentro sa ‘BAYANIyogan’ o pagbabayanihan para sa ikauunlad ng coconut sector. Kasama pa rin… Continue reading PCA, target maging ‘number one global producer’ ng niyog ang Pilipinas

Marikina Solon, kinilala ang ambag ng DOLE sa pagbaba ng unemployment rate

Kinilala ni Appropriations Senior Vice Chair at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang malaking ambag ng Department of Labor and Employment sa pagpapalakas ng ekonomiya, lalo na sa pagbawas ng unemployment rate. Ayon kay Quimbo, ang pagbaba ng unemployment rate mula 4.5% noong Hunyo 2023 patungong 3.1% ngayong Hunyo 2024 ay isang patunay ng epektibong… Continue reading Marikina Solon, kinilala ang ambag ng DOLE sa pagbaba ng unemployment rate