Price adjustment sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, nakadepende sa trading price ngayong araw

Nakabantay ang pamahalaan sa kalalabasan ng trading price sa oil product ngayong Biyernes (March 1), lalo’t dito nakabase ang magiging adjustment sa presyo ng produkong petrolyo para sa susunod na linggo. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Energy Director Rino Abad na base sa kanilang obserbasyon, malaki ang tyansa na makaroon ng pagtaas ang presyo… Continue reading Price adjustment sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, nakadepende sa trading price ngayong araw

Top 3 most wanted sa Bangsamoro Autonomous Region, arestado ng CIDG

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang top 3 most wanted sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) na si alyas “Orlan Lindungan Ayunan” sa Brgy. Bagua 1, Cotabato City nitong Miyerkules. Ayon kay CIDG Director Police Major General Romeo Caramat Jr., ang akusado ay wanted… Continue reading Top 3 most wanted sa Bangsamoro Autonomous Region, arestado ng CIDG

Transport coalitions at tricycle operators, nanawagan na ipatigil ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga motorcycle taxi

Nagsama-sama ang mga transport coalition at tricycle operators para manawagan sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na itigil muna ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga bagong kumpanya para sa motorcycle taxi.  Sa isang pulong balitaan, hiningi ng National Public Transport Coalition, National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of… Continue reading Transport coalitions at tricycle operators, nanawagan na ipatigil ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga motorcycle taxi

PRA, kumpiyansang hindi babahain ang mga kalapit lungsod ng kanilang mga reclamation project

Naniniwala si Philippine Reclamation Authority General Manager Cesar Siador Jr. na hindi magdudulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila ang mga proyekto ng kanyang ahensya sa Manila Bay.  Ayon kay Siador, marami nang pag-aaral hinggil sa pangamba ng pagbaha sa Metro Manila at lumalabas aniya na hindi mangyayari ang sinasabi nitong siyam na metrong taas… Continue reading PRA, kumpiyansang hindi babahain ang mga kalapit lungsod ng kanilang mga reclamation project

Barangay chair sa Zambo-Sibugay na inireklamo ng gun-toting, inaresto ng CIDG

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 ang isang suspendidong barangay chairperson sa Brgy. Sto Niño, Tungawan, Zamboanga Sibugay, dahil sa illegal possession of firearms and explosives. Kinilala ni CIDG Director Police Major General Romeo Caramat Jr. ang suspek na si alyas “Luis”, na inaresto matapos na magpatupad ang mga operatiba ng… Continue reading Barangay chair sa Zambo-Sibugay na inireklamo ng gun-toting, inaresto ng CIDG

Kontrata para sa electronic transmission service, posibleng mai-award ng Comelec ngayong Marso

Plano ng Commission on Elections na sa unang linggo ng Marso ay makapag-award na ng kontrata para sa electronic transmission service. Ang mapipiling kumpanya ang magta-transmit ng resulta ng eleksyon mula sa mga automated counting machine patungo sa server ng board of canvassers at iba pang stakeholder. Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco,… Continue reading Kontrata para sa electronic transmission service, posibleng mai-award ng Comelec ngayong Marso

PBBM, pinuri ng lider ng oposisyon sa Australia dahil sa paninindigan nito sa soberanya ng bansa

Pinuri ng opposition leader ng Australia na si honorable Peter Dutton si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bunsod ng ipinapakita nitong katatagan upang ipaglaban ang soberanya ng bansa. Sa harap ng Australian Parliament, inihayag ni Dutton na kaniyang pinupuri si Pangulong Marcos Jr. dahil sa ipinamalas nitong tapang upang protektahan ang territorial rights ng Pilipinas… Continue reading PBBM, pinuri ng lider ng oposisyon sa Australia dahil sa paninindigan nito sa soberanya ng bansa

One Stop Shop para sa mga court concern, binuksan ng Supreme Court

Simula ngayong araw ay maaari nang dumulog sa Korte Suprema ang publiko kaugnay sa kanilang mga hinaing sa mga korte sa bansa.  Ito’y matapos buksan ng Supreme Court ang One Stop Shop na siyang didinig sa mga reklamo sa usaping legal.  Pinangunahan ng Supreme Court Public Information Office ang pamamahala sa nasabing proyekto katuwang ang… Continue reading One Stop Shop para sa mga court concern, binuksan ng Supreme Court

Guinness World Record sa paghahain ng pinakamaraming pork dishes, naabot ng pilipinas sa Hog Festival 2024

Matagumpay na nasungkit ng Pilipinas ang Guinness World Record sa pinakamaraming nakahaing putahe ng karneng baboy. Nakamit ito sa unang araw ng Hog Festival 2024 an isinagawa sa Gateway 2 sa Araneta Center, QC. Pinangunahan ito ng National Federation of Hog Farmers katuwang ang SINAG at ang Resto PH. Present din dito sa pagtitipon si… Continue reading Guinness World Record sa paghahain ng pinakamaraming pork dishes, naabot ng pilipinas sa Hog Festival 2024

Party-list lawmaker, umaasang agad tutugunan ng DOTr at MIAA ang ‘pest situation’ at congestion sa NAIA

Nagpahayag ng pagkabahala si OFW party-list Rep. Marissa Magsino kasunod ng napaulat na presensya ng surot at daga sa NAIA bukod pa sa patuloy na congestion sa loob ng paliparan. Ayon sa mambabatas, hindi lamang ito nagdudulot ng pangamba at hindi komportableng karanasan para sa mga pasahero bagkus ay nakakaapekto rin sa imahe ng bansa… Continue reading Party-list lawmaker, umaasang agad tutugunan ng DOTr at MIAA ang ‘pest situation’ at congestion sa NAIA