Presyo ng itlog sa Marikina City Public Market, bahagyang tumaas

Tumaas ng hanggang ₱30 ang kada tray ng itlog sa Marikina Public Market kumpara sa iba pang pamilihan na nasa ₱20 ang itinaas. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa nasabing pamilihan, ang small size na itlog ay nasa ₱210 na ang kada tray mula sa dating ₱180 na kada tray. Nasa ₱220 naman ang kada… Continue reading Presyo ng itlog sa Marikina City Public Market, bahagyang tumaas

Panukala para mapag-aral ang adult 4Ps beneficiaries, pinatututukan sa Senado

Hiniling ng isang kongresista sa Senado na talakayin na rin ang panukala para mabigyan ng edukasyon ang adult beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, ang kagyat na pagsasabatas ng panukala ay makakatulong para tugunan ang bagsak na ‘learning poverty level’ ng bansa. Tinukoy ng mambabatas ang ulat ng… Continue reading Panukala para mapag-aral ang adult 4Ps beneficiaries, pinatututukan sa Senado

Mga kandidato sa BSKE, pinaalalahanan ng PNP sa pagkakabit ng poster sa maling lugar

Binalaan ng Philippine National Police ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa pagkakabit ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo, bawal na bawal ang pagkakabit ng campaign poster sa mga tanggapan ng gobyerno dahil nakasaad ito sa guidelines ng Commission… Continue reading Mga kandidato sa BSKE, pinaalalahanan ng PNP sa pagkakabit ng poster sa maling lugar

Miss Universe PH 2023 Michelle Dee, inaasahang makukumpleto ang reservist training

Inaasahan ng Philippine Air Force (PAF) na makukumpleto ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang kanyang Reservist Training. Ito’y matapos na pagkalooban ng PAF ang Beauty Queen ng “Certificate of Attendance” sa paglahok sa ilang sesyon ng Basic Citizen Military Training (BCMT) sa kabila ng kanyang mabigat na skedyul sa paghahanda para sa beauty… Continue reading Miss Universe PH 2023 Michelle Dee, inaasahang makukumpleto ang reservist training

Bomb threat sa San Francisco High School, negatibo — QCPD

Kinumpirma ng Quezon City Police District na negatibo sa bomba ang San Francisco High School sa Bago Bantay, QC Kasunod ito ng bomb threat na bumulabog sa eskwelahan kaninang umaga at naging dahilan ng maagang pagpapauwi sa mga estuydnate at mga guro. Sa inilabas na report ng QCPD, sinabing nagmula ang bomb threat sa isang… Continue reading Bomb threat sa San Francisco High School, negatibo — QCPD

Mga grupo ng rice retailer, magpupulong kaugnay sa EO 41 ni Pangulong Marcos Jr.

Ikinalugod ng mga rice retailer ang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na pagpapatigil sa iba’t ibang bayarin sa pagbiyahe ng mga agricultural product. Ito ay matapos na pirmahan ng Pangulo ang Executive Order No. 41. Ayon sa grupong GRECON at PRISM, ang taumbayan din ang lubos na makikinabang dahil magreresulta ito sa pagbaba ng… Continue reading Mga grupo ng rice retailer, magpupulong kaugnay sa EO 41 ni Pangulong Marcos Jr.

DENR, sinuspinde ang kasunduan sa Socorro Bayanihan Services Incorporated

Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) ng People’s Organization ng Socorro Bayanihan Services Incorporated. Sa ilalim ng kasunduan na in-award noong 2004, pinapayagan ng DENR ang SBSI na i-develop ang 353 ektaryang protected area sa Barangay Sering, Bucas Grande Island, Surigao Del Norte… Continue reading DENR, sinuspinde ang kasunduan sa Socorro Bayanihan Services Incorporated

LTFRN, nagpaalala sa mga tsuper na hindi pwedeng tanggihan ang ibinayad ng mga commuter na barya at nakatuping polymer banknote

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator, tsuper, at konduktor ng mga pampublikong sasakyan na hindi nila maaaring tanggihan ang mga nakatuping polymer banknote pati na ang mga sentimo o centavo coin na ibinabayad ng mga komyuter bilang pamasahe. Ito ay matapos ang reklamo na natanggap ng ahensya hinggil sa… Continue reading LTFRN, nagpaalala sa mga tsuper na hindi pwedeng tanggihan ang ibinayad ng mga commuter na barya at nakatuping polymer banknote

3 bayan mula sa Siargao Islands, Surigao del Norte naging pilot beneficiaries ng ‘Walang Gutom Food Stamp Program’

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamimigay ng Electronic Benefit Transfer o EBT Cards para sa ‘Walang Gutom 2027 Food Stamp Program’ Sa Dapa, Siargao Islands, Surigao Del Norte. Ang Food Stamp Program ay isang interbensyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD sa pakikipagtulungan ng UN World Food Program (WFP) na naglalayong mabawasan ang… Continue reading 3 bayan mula sa Siargao Islands, Surigao del Norte naging pilot beneficiaries ng ‘Walang Gutom Food Stamp Program’

5 agila, pinalaya ng DENR sa natural habitat nito sa Zamboanga Sibugay

Pinalaya ng mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources Regional Field Office-9 (DENR-9) ang limang mga agila sa kanilang “natural habitat” o natural na tahanan sa Barangay Palomoc sa bayan ng Titay sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Ito’y kinabibilangan ng tatlong Philippine Serpent Eagle at dalawang Brahminy Kite Eagle. Ang naturang mga ibon… Continue reading 5 agila, pinalaya ng DENR sa natural habitat nito sa Zamboanga Sibugay