Sen. Sherwin Gatchalian, umapela sa ERC na payagan ang installment na pagbabayad ng kuryente

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maglabas ng kautusan para mapahintulutan ang mga konsyumer na utay-utayin ang pagbabayad ng kanilang bill ng kuryente. Ito ay sa gitna ng biglaang pagtaas ng electricity bill ng maraming consumer. Ipinunto ng mambabatas na dahil sa naranasang napakainit na panahon nitong summer ay nagkaroon… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, umapela sa ERC na payagan ang installment na pagbabayad ng kuryente

Malaysian na blacklisted sa Pilipinas, naharang sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang 38-anyos na Malaysian na blacklisted sa Pilipinas at tangkang paalis sana pabalik ng kaniyang bansa. Nakatanggap ng impormasyon ang mga kawani ng Immigration kaugnay ng biyahe ng dayuhan at inabangan ang pagdating sa NAIA Terminal 1 kung saan siya dinakip bago makasakay ng Malaysian Airlines… Continue reading Malaysian na blacklisted sa Pilipinas, naharang sa NAIA

Sen. Migz Zubiri, nais pang pag-aralan mabuti ang Divorce Bill

Isa na rin si Senador Juan Miguel Zubiri sa mga senador na nagpahayag ng pag-aalangan sa panukalang Absolute Divorce na nakapasa na sa Kamara. Binigyang diin ni Zubiri na isa siyang pro family at pro life na mambabatas. Kailangan pa aniyang pag-aralang mabuti ang Divorce Bill para matiyak na hindi matutulad ang Pilipinas sa ibang… Continue reading Sen. Migz Zubiri, nais pang pag-aralan mabuti ang Divorce Bill

DSWD, nanawagan sa pagsasabatas ng programang KALAHI-CIDSS

Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makausad na sa Kongreso ang mga panukalang batas na nagtutulak sa pag-institutionalize ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS. Isa itong community-driven development program ng DSWD na dalawang dekada nang tumutulong sa mga komunidad mula sa maliliit… Continue reading DSWD, nanawagan sa pagsasabatas ng programang KALAHI-CIDSS

Mahigit ₱3.6-M halaga ng tulong, naihatid na ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Aghon

Umabot na sa mahigit ₱3.6 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Aghon. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, nakapagbigay na ang ahensya ng ayuda sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at Eastern Visayas. Sa ngayon,… Continue reading Mahigit ₱3.6-M halaga ng tulong, naihatid na ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Aghon

Mambabatas, nagbabala sa tumataas na insidente ng bentahan ng mga ipinuslit na tobacco products

Nagbabala si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa aniya’y lumalalang insidente ng pagpasok at pagbebenta ng mga ipinuslit at iligal na tobacco products sa bansa. Tinukoy ng mambabatas ang ulat ng Transnational Alliance to Combat Illicit Trade (TRACIT) na ang pagbebenta ng mga iligal na produktong tabako ay nagagamit pampondo ng organized crime groups… Continue reading Mambabatas, nagbabala sa tumataas na insidente ng bentahan ng mga ipinuslit na tobacco products

Pagkakaroon ng WPS spox, iminumungkahi ng Senate leader

Iminumungkahi ni Senate President Chiz Escudero na magkaroon ng iisang tagapagsalita ang pamahalaan tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa West Philippine Sea (WPS). Ipinunto ng Senate leader na sa ngayon kasi ay masyadong maraming opisyal ang nagsasalita at nagbibigay ng reaksyon tungkol sa sitwasyon sa WPS gaya ng Philippine Coast Guard (PCG), Department of… Continue reading Pagkakaroon ng WPS spox, iminumungkahi ng Senate leader

Airports at seaports sa bansa, naka-heightened alert dahil sa bagong COVID-19 variant

Inatasan na ng Department of Health ang Bureau of Quarantine na maging alerto sa bagong variant ng COVID-19. Sa Memorandum Order No. 2024-48, inatasan ng DOH ang Bureau of Quarantine na ilagay sa ‘heightened alert’ ang kanilang estado para mabantayan ang borders ng bansa. Sa ngayon, 14 na bansa na sa mundo ang may naitala… Continue reading Airports at seaports sa bansa, naka-heightened alert dahil sa bagong COVID-19 variant

Economic Cha-cha, nakasalalay sa desisyon ng publiko — Albay solon

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, nasa kamay pa rin ng publiko ang kahihinatnan ng panukalang economic Charter change. Tugon ito ng mambabatas sa tanong kung magkakaroon ba ng pagbabago sa kapalaran ng Cha-cha dahil sa pagbabago ng liderato ng Senado. Aniya, magkasundo man ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay pagbobotohan pa rin ang economic… Continue reading Economic Cha-cha, nakasalalay sa desisyon ng publiko — Albay solon

Budget execution ng Marcos admin para sa 2024, on track — DBM

Hindi nakikita ng Department of Budget and Management (DBM) na magkakaroon ng ‘underspending’ ang mga tanggapan ng pamahalaan para ngayong 2024. Sa Philippine Economic Briefing, ibinida ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na maganda ang budget execution ng gobyerno para sa kasalukuyang taon. Aniya, ang mga kalihim mismo ng executive branch ang bumalangkas ng National Expenditure… Continue reading Budget execution ng Marcos admin para sa 2024, on track — DBM