Higit ₱1.5-M halaga ng smuggled fishery products, nasabat ng DA sa Navotas

Aabot sa ₱1.5 milyong halaga ng puslit na fishery products ang nasamsam ng Department of Agriculture – Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (DA IE) sa raid na ikinasa nito sa isang storage facility sa Navotas City. Nakumpiska sa naturang raid ang daan-daang mga karton ng golden pompano, frozen Pangasius fillet, deep… Continue reading Higit ₱1.5-M halaga ng smuggled fishery products, nasabat ng DA sa Navotas

Senador Robin Padilla, nagbitiw bilang Executive Vice President ng PDP-Laban

Nag-resign na bilang executive vice president ng partidong Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senador Robin Padilla . Ayon kay Padilla, inihain niya ang kaniyang irrevocable resignation bilang EVP ng partido nitong Lunes o kahapon, May 29. Gayunpaman, nilinaw ng senador na mananatili pa rin siyang miyembro ng PDP-Laban. Pinunto ni Padilla na malayo… Continue reading Senador Robin Padilla, nagbitiw bilang Executive Vice President ng PDP-Laban

Manila International Container Terminal, nais palakihin upang makapag-accommodate ng mas maraming cargo shipments

Nais palakihin at palawakin pa ng Department of Transportation ang pasilidad ng Manila Internationa Container Terminal para mas makapag-accommodate ng mga incoming at out going cargo shipments sa bansa. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, sa ilalim ng naturang expansion, maa-anticipate na ng kanilang kagawaran ang karagdagang volume ng mga shipment sa bansa at upang… Continue reading Manila International Container Terminal, nais palakihin upang makapag-accommodate ng mas maraming cargo shipments

29% ng mga Pinoy, bumuti ang kalidad ng buhay — SWS

Naniniwala ang 29% ng mga Pilipino na bumuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay kung ikukumpara noong nakalipas na 12 buwan, batay ‘yan sa survey ng Social Weathers Stations (SWS). Sa survey na isinagawa mula March 26-29, nasa 25% ang nagsabing lumala ang kondisyon ng kanilang buhay ngayong taon. Samantala, 46% naman ang nagsabi na walang… Continue reading 29% ng mga Pinoy, bumuti ang kalidad ng buhay — SWS

Interpellation period sa MIF bill, tinapos na ng Senado

Isinara na ng mataas na kapulungan ng kongreso ang period of interpellation para sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill matapos ang halos siyam na oras na pagtatanong ng minority bloc ng senado. Halos ala-una na ng madaling araw kanina nagsara ang sesyon ng senado matapos sagutin ng sponsor ng MIF bill na si Senador Mark… Continue reading Interpellation period sa MIF bill, tinapos na ng Senado

Water level sa 6 na dam sa Luzon, muling nabawasan

Patuloy na natatapyasan ang lebel ng tubig sa ilang mga dam sa Luzon kahit pa may umiiral na bagyo. Sa datos ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay bumaba pa sa 190.08 meters ang lebel tubig sa Angat Dam, mula sa 190.35 meters water elevation nito kahapon. Mas mataas na lamang ito ng… Continue reading Water level sa 6 na dam sa Luzon, muling nabawasan

ERC, dapat managot sa kinuwestyong koleksyon ng NGCP para sa mga proyektong hindi tapos — Sen. Escudero

Iginiit ni Senador Chiz Escudero na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang siyang dapat na pangunahing sumagot sa pagpapahintulot sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maningil para sa mga hindi pa natatapos na mga proyekto. Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos sabihin ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat isauli ng NGCP sa… Continue reading ERC, dapat managot sa kinuwestyong koleksyon ng NGCP para sa mga proyektong hindi tapos — Sen. Escudero

Panukalang gawaran ng Philippine citizenship ang Canadian vlogger na si ‘Kulas’, aprubado na ng Senado

Mas nalalapit nang maging isang ganap na Pilipino ang Canadian vlogger na si Kyle Douglas Jennerman o mas kilala bilang “Kulas” ng youtube channel na “Becoming Filipino”. Ito ay matapos aprubahan ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7185. Sa kanyang manifestation para sa panukala, pinasalamatan ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa… Continue reading Panukalang gawaran ng Philippine citizenship ang Canadian vlogger na si ‘Kulas’, aprubado na ng Senado

Bagyong Betty, bahagya pang humina — PAGASA

Humina pa ang Bagyong Betty habang nasa karagatan ng Batanes. Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 350km silangan ng Basco Batanes, taglay ang lakas ng hanging nasa 150 kph at pagbugsong 180 kph. Kumikilos pa rin ito pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph. Nananatili naman sa ilalim ng… Continue reading Bagyong Betty, bahagya pang humina — PAGASA

Declogging operations sa QC, pinaigting

Puspusan din ang drainage declogging operations ng QC local government sa iba’t ibang distrito ng lungsod. Ito’y upang maiwasan ang matinding pagbaha sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan. Pinangungunahan ng District Action Offices at QC Engineering Department ang halos araw araw nang declogging operation sa mga baradong man­holes at kanal na puno ng putik at… Continue reading Declogging operations sa QC, pinaigting