MIF bill, hindi minamadali ng senado — Senate Majority Leader

Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi minamadali ng senado ang pagpapasa ng Maharlika Investment Fund bill. Inaasahang ngayong linggo ay maipapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang naturang panukala matapos itong sertipikahang urgent bill ng Malacañang. Ayon kay Villanueva, tatlong buwan nang tinatalakay sa mataas na kapulungan ang naturang… Continue reading MIF bill, hindi minamadali ng senado — Senate Majority Leader

Pre-inspection sa mga kargamaneto, suportado ng Cavite solon para iwas smuggling

Sinuportahan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang rekomendasyon ng Swiss company na Société Générale de Surveillance SA (SGS) na ipatupad ng Pilipinas ang pre-shipping inspection sa mga kargamentong papasok ng bansa upang masawata ang smuggling. Ayon sa mambabatas, magandang buhayin ang naturang sistema na dati nang ipinatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E.… Continue reading Pre-inspection sa mga kargamaneto, suportado ng Cavite solon para iwas smuggling

DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang tatamaan ng Bagyong Betty

Tiniyak ng Department of Agriculture na nakalatag na ang mga intervention nito para sa mga magsasaka at mangingisdang maapektuhan ng pagtama ng Bagyong Betty. Sa tantsa ng DA, nasa higit 234,000 na ektarya ng palayan at maisan ang posibleng tamaan ng bagyo sa apat na rehiyon sa bansa. Sa ngayon ay aktibo na umano itong… Continue reading DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang tatamaan ng Bagyong Betty

Malabon City, nasa Blue Alert status dahil sa banta ng Bagyong Betty

Nananatiling nakaalerto ang Malabon LGU para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa harap ng banta ng Bagyong Betty. Sa ngayon ay nakataas na ang Blue Alert status sa lungsod alinsunod na rin sa direktiba ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval. Sa ilalim nito, ay inaatasan ang paglalabas ng Weather Advisory sa 21 Barangays sa Malabon… Continue reading Malabon City, nasa Blue Alert status dahil sa banta ng Bagyong Betty

DND, nakiisa sa US Embassy sa pagdiriwang ng U.S Memorial Day

Nakiisa ang Department of National Defense (DND) sa United States Embassy sa Manila sa paggunita ng U.S. Memorial Day, kahapon sa Manila American Cemetery, Bonifacio Global City. Ang aktibidad na kinatampukan ng wreath laying ceremony ay pinangunahan ni U.S. Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, kasama si Philippine Veterans Affairs Office Administrator Undersecretary Reynaldo B.… Continue reading DND, nakiisa sa US Embassy sa pagdiriwang ng U.S Memorial Day

PRC, handa na sa pagtulong sa disaster efforts ng pamahalaan sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar

Nakahanda na ang disaster response units ng Philippine Red Cross sa ibat ibang bahagi ng bansa upang tumulong sa government response ng pamahalaan sa pagpasok ng bagyong Mawar sa bansa. Ayon kay Philippine Red Cross Chairperson Richard Gordon na lahat ng Red Cross chapter sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nakahanda at at naka-pre-position… Continue reading PRC, handa na sa pagtulong sa disaster efforts ng pamahalaan sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar

Pagsertipikang urgent bill sa MIF, hindi sinang-ayunan ng lady solon

Inalmahan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pagsertipika ng palasyo bilang urgent bill sa panukalang Maharlika Investment Fund. Para kay Hontiveros, masyadong baluktot at malabo ang mga dahilan sa pagsusulong na agad na maipasa ang naturang panukala. Pinunto rin ng senadora na walang ‘surplus’ o sobrang pondo na mapagkukunan para sa sovereign wealth… Continue reading Pagsertipikang urgent bill sa MIF, hindi sinang-ayunan ng lady solon

Kasong ‘Corruption of Public Officials’ laban kay Janet Lim-Napoles, ibinasura ng korte

Ipinawalang-sala ng Pasig City Regional Trial Court Branch 161 si Janet Lim Napoles kaugnay sa kasong ‘Corruption of Public Officials’ na may kinalaman sa pork barrel scam. Sa desisyon ng korte noong March 27, 2023 pero ngayon lamang inilabas sa media, pinaburan ng korte ang Petition for Demurer to Evidence ng kampo ni Napoles. Ito… Continue reading Kasong ‘Corruption of Public Officials’ laban kay Janet Lim-Napoles, ibinasura ng korte

BIR, inireklamo ng tax evasion ang illegal traders ng sigarilyo

Inireklamo ng BIR sa DOJ ng tax evasion ang 69 illegal traders ng sigarilyo. Ang reklamo ay nag-ugat sa nationwide raid ng BIR sa iba’t ibang tindahan at warehouses ng sigarilyo noong Enero. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., tinatayang P1.8 billion ang nawalang kita sa gobyerno dahil sa nasabing illicit trading ng sigarilyo.… Continue reading BIR, inireklamo ng tax evasion ang illegal traders ng sigarilyo

National Security Council, nagpaliwanag sa paglalagay ng mga navigational buoy sa WPS

Nilinaw ni National Security Adviser at National Security Council (NSC) Director General, Secretary Eduardo Año na hindi pagpapakita ng pwersa ang paglalagay ng mga navigational marker sa West Philippine Sea. Sa isang statement, sinabi ni Año na ang hakbang ay bahagi ng pagkilos ng isang “sovereign nation” sa pagtupad ng obligasyon nito sa International Law.… Continue reading National Security Council, nagpaliwanag sa paglalagay ng mga navigational buoy sa WPS