Pagtatanggol sa EEZ ng bansa, bahagi ng Balikatan Exercise 2024

Bahagi ng Balikatan Exercise 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagsasanay sa pagtatanggol sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa. Ayon kay Balikatan Exercises 2024 executive agent, Col. Michael Logico, ito ang dahilan kung bakit ang bahagi ng pagsasanay militar ay isasagawa sa labas ng 12-mile territorial limit hanggang sa dulo ng… Continue reading Pagtatanggol sa EEZ ng bansa, bahagi ng Balikatan Exercise 2024

Papau New Guinea, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas hinggil sa karapatan nito sa WPS

Naniniwala si Papua New Guinea Foreign Minister Justin Tkatchenko na kailangang obserbahan ang international law at sundin ang rule of law sa West Philippine Sea. Ito ang iginiit ng nasabing opisyal sa pagbisita nito sa bansa para sa isang bilateral talks kasama ang counterpart nitong si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo. Dagdag pa ni Tkatchenko… Continue reading Papau New Guinea, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas hinggil sa karapatan nito sa WPS

Mambabatas, nais paimbestigahan ang LTFRB chief hinggil sa isyu ng MC taxi

Nais nang paimbestigahan ni Manila Rep. Joel Chua ang nangyayaring isyu sa pagitan ng mga transport group at ng technical working group ng MC taxi. Ayon kay Chua, gusto niya malaman kung paano nangyayari na naiiba ang mga napag-uusapan sa hearing tungkol sa MC taxi subalit iba ang napapatupad sa kalsada. Ilan sa inaaray ng… Continue reading Mambabatas, nais paimbestigahan ang LTFRB chief hinggil sa isyu ng MC taxi

Mga motorista sa Metro Manila, pinaghahanda ng MMDA kasunod ng kaliwa’t kanang pagkukumpuni sa mga pangunahing tulay at lansangan

Asahan na ang kaliwa’t kanang mga pagkukumpuni sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong Abril. Kabilang na rito ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang partial closure sa southbound lane ng Kamuning flyover dahil sa gagawing retrofitting na tatagal ng 11 buwan mula Abril… Continue reading Mga motorista sa Metro Manila, pinaghahanda ng MMDA kasunod ng kaliwa’t kanang pagkukumpuni sa mga pangunahing tulay at lansangan

Bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan, umakyat na sa 4 — DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na umakyat na sa apat ang bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan kamakalawa. Sa kaniyang “X” post, sinabi ni DMW Officer-In-Charge Usec. Hans Leo Cacdac na ang ika-apat na OFW ay nagtamo ng minor injuries matapos tamaan sa ulo ng… Continue reading Bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan, umakyat na sa 4 — DMW

NLEX, nagpalit na ng RFID sticker na gawang US para solusyunan ang hindi nababasang stickers

Sinimulan na ng NLEX ang pagpapalit ng kanilang RFID readers at stickers. Sa pulong na ipinatawag ng Kamara, sinabi ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na para solusyunan ang problema ng non-reading o hindi nababasang RFID ay nagpalit na ang NLEX ng brand na gamit. Aminado aniya ang operator ng NLEX na nang ipatupad ang… Continue reading NLEX, nagpalit na ng RFID sticker na gawang US para solusyunan ang hindi nababasang stickers

Kamara at Senado, dapat pa rin ituloy ang economic cha-cha sa kabila ng Pulse Asia Survey —House panel chair

Hinimok ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Rufus Rodriguez ang Kamara at Senado na panindigan ang pagsusulong ng economic charter change. Ito’y kahit pa lumabas sa survey ng Pulse Asia na mayorya ng mga Pilipino ang hindi sumusuporta sa charter amendments. Ayon kay Rodriguez, masisira ang imahe ng bansa sa investing community kung mag… Continue reading Kamara at Senado, dapat pa rin ituloy ang economic cha-cha sa kabila ng Pulse Asia Survey —House panel chair

Magkapatid na Sen. Raffy at Rep. Erwin Tulfo, walang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2025 at 2028 elections

Walang plano si Senador Raffy Tulfo na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 National Elections. Ito ang ibinahagi ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo matapos lumabas ang survey ng Pulse Asia kung saan “statistically tied” sa pagka-pangulo sina Senador Tulfo at Vice President Sara Duterte. Ayon kay Rep. Tulfo, malaking sakit sa… Continue reading Magkapatid na Sen. Raffy at Rep. Erwin Tulfo, walang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2025 at 2028 elections

Pagkakatalaga kay PNP Chief Rommel Marbil, suportado ng CHR

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagkakatalaga kay Police General Rommel Francisco Marbil bilang bagong hepe ng Philippine National Police na naging epektibo simula Abril 1. Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na kumpiyansa ito sa bagong liderato ng PNP na nangakong pagbubutihin ang kasalukuyang estado ng ahensya, at pabababain ang bilang ng… Continue reading Pagkakatalaga kay PNP Chief Rommel Marbil, suportado ng CHR

Mambabatas, naniniwalang nakaapekto ang isyu ng PI sa pagtingin ng taumbayan sa cha-cha

Sinisi ni Senador Sherwin Gatchalian sa isyu ng pagsusulong ng People’s Initiative sa naging pagtingin ng publiko sa charter change. Ito ay kasunod ng naging resulta ng Pulse Asia survey kung saan lumalabas na mayorya sa mga Pilipino ang naniniwalang hindi pa panahon para sa charter change o amyendahan ang konstitusyon. Para kay Gatchalian, sinira… Continue reading Mambabatas, naniniwalang nakaapekto ang isyu ng PI sa pagtingin ng taumbayan sa cha-cha