Disenyo ng mga silid-aralan, pinaparebyu ni Sen. Nancy Binay sa gitna ng mainit na panahon

Iminumungkahi ni Senadora Nancy Binay sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na rebyuhin ang disenyo ng mga paaralan sa bansa. Ayon kay Binay, ito ay para matiyak na maayos ang ventilation o ang pagpasok ng hangin sa mga silid-aralan sa gitna ng mainit na panahon. Kabilang sa mga… Continue reading Disenyo ng mga silid-aralan, pinaparebyu ni Sen. Nancy Binay sa gitna ng mainit na panahon

Barrierless tollways at elevated expressway, itinutulak ng NLEX, TRB para maiwasan ang traffic jam sa mga expressway

Target ng pamunuan ng Toll Regulatory Board na ipatupad ang barrierless toll o Multi-Lane Fast Flow (MLFF) sa huling bahagi ng taon. Ayon kay TRB Exective Director Alvin Carullo, ang unang phase ng kanilang solusyon ay gawing contactless ang pagbabayad sa lahat ng toll sa Hunyo at susundan naman ito ng interoperability phase 3 kung… Continue reading Barrierless tollways at elevated expressway, itinutulak ng NLEX, TRB para maiwasan ang traffic jam sa mga expressway

Dalawa sa tatlong Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan, nakalabas na ng ospital — DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nananatili sa tatlo ang bilang ng mga Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol na tumama sa Taiwan kahapon. Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, minor injuries ang tinamo ng tatlong nasaktan kung saan isa ang nagkaroon ng head injury, isa ang namaga ang mga kamay matapos… Continue reading Dalawa sa tatlong Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol sa Taiwan, nakalabas na ng ospital — DMW

Inflation outlook ng pamahalaan para sa pagtatapos ng taon, nasa 2% – 4%

Mananatili sa 2.0% hanggang 4.0% ang target range o inflation outlook ng administrasyong Marcos para sa 2024 hanggang 2028. Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kasunod na rin ito ng ginawang assessment ng pamahalaan sa internal at external development na nakakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.… Continue reading Inflation outlook ng pamahalaan para sa pagtatapos ng taon, nasa 2% – 4%

Pagpapatuloy ng negosasyon sa FTA ng Pilipinas at EU, welcome sa PCCI

Welcome sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang pagpapatuloy sa negosasyon ng Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at European Union. Layon ng naturang negosasyon na pataasin ang market access at patatagin ang economic ties ng Pilipinas at mga bansa sa Europa na siyang magbubukas ng maraming oportunidad sa pamumuhunan. Ayon… Continue reading Pagpapatuloy ng negosasyon sa FTA ng Pilipinas at EU, welcome sa PCCI

Target GDP growth sa pagtatapos ng 2024, itinakda sa 6%-7%

Nagpatupad ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ng adjustment sa target growth ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas para sa taong kasalukuyan. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, mula sa 6.5% hanggang 7% na orihinal na target, ginawa itong 6% hanggang 7%. “That 6 to 7 percent is still quite very respectable even in… Continue reading Target GDP growth sa pagtatapos ng 2024, itinakda sa 6%-7%

Kontribusyong hindi naire-remit ng delinquent employers, bumaba na sa 40% — SSS

Bumaba na sa 40% ang hindi naire-remit na mga kontribusyon sa Social Security System ng mga delinquent employers sa bansa. Ito ang iniulat ni SSS President at CEO Rolando Macasaet sa isang pulong balitaan sa SSS main branch sa Quezon City ngayong araw. Ayon sa kaniya, bunga ito ng pinaigting na ‘Run After Contribution Evaders’… Continue reading Kontribusyong hindi naire-remit ng delinquent employers, bumaba na sa 40% — SSS

Kamara, tutulong sa expressways sa pagpapatupad ng mga solusyon upang hindi na maulit ang traffic fiasco noong Holy Week

Nakapulong na ng Kamara ang pinuno ng North at South Luzon Expressway pati ang Toll Regulatory Board upang mabigyang linaw ang nangyaring traffic fiasco noong Holy Wednesday sa NLEX. Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, inamin ng NLEX na hindi kinaya ng kanilang toll booth ang bugso ng mga motoristang dumaan. Bumuhos kasi… Continue reading Kamara, tutulong sa expressways sa pagpapatupad ng mga solusyon upang hindi na maulit ang traffic fiasco noong Holy Week

Grupo ng mga negosyante sa bansa, suportado ang panawagang ‘heat breaks’

Dahil sa nararanasan ngayong sobrang init ng panahon, bukas ang ilang grupo ng mga negosyante sa bansa na bigyan ang kanilang manggagawa ng ‘special’ o ‘unscheduled breaks’ sa kanilang trabaho. Ayon kay Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis Jr., sang-ayon sila sa panukala ni Senador Koko Pimentel na pagkalooban ng ‘heat breaks’ ang… Continue reading Grupo ng mga negosyante sa bansa, suportado ang panawagang ‘heat breaks’

Multi-Sectoral Governance Council meeting, isinagawa ng AFP

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang ika-24 na regular na pagpupulong ng AFP Multi-Sector Governance Council (MSGC) sa Camp Aguinaldo kahapon. Kasama ni Gen. Brawner na nag-preside sa pagpupulong si MSGC Chairperson Francisco Del Rosario Jr. Layon ng pagpupulong na isulong ang transparency at accountability… Continue reading Multi-Sectoral Governance Council meeting, isinagawa ng AFP