Mary Jane Veloso, binisita ng kaniyang pamilya sa Indonesia

Matapos ang limang taon, muling nabisita ng kaniyang pamilya si Mary Jane Veloso sa selda nito sa Indonesia. Ayon sa Migrante International, dalawang araw nanatili sa nasabing bansa ang pamilya Veloso para doon dalawin si Mary Jane sa selda nito, sa Wonisari detention cell sa Yogyakarta. Kuwento ng ina ni Mary Jane na si Aling… Continue reading Mary Jane Veloso, binisita ng kaniyang pamilya sa Indonesia

Mga nagparehistro ng SIM card, umabot na sa 100 milyon ayon sa NTC

Umabot na sa 100 milyon ang bilang ng mga SIM card na nairehistro hanggang nitong June 20, 2023. Ito ay batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC), kung saan umabot na sa 100,048,884 ang rehistradong SIM cards. Katumbas ito ng 59.55 percent sa kabuuang mahigit 168 milyong subscribers sa bansa. Target naman ng… Continue reading Mga nagparehistro ng SIM card, umabot na sa 100 milyon ayon sa NTC

MC. no 23 na nag-aapruba sa Philippine Export Development Plan 2023-2028, ibinaba ng Malacañang

Inilabas na ng Malacañang ang Memorandum Circular no. 23 na nag-aapruba sa Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028. Layon nitong palakasin ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa bansa at sa paglikha pa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. Sa ilalim ng MC, inatasan ang mga kinauukulang… Continue reading MC. no 23 na nag-aapruba sa Philippine Export Development Plan 2023-2028, ibinaba ng Malacañang

Pagbabago sa terminal assignments ng mga airline company, hiniling na ipagpaliban muna

Umapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Manila International Airport Authority (MIAA) na huwag muna ipatupad ang planong pagbabago sa terminal assignment ng mga airline company. Aniya, bagamat maganda ang intensyon ng Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) program ay napalala pa rin nito ang passenger congestion sa NAIA. Inihalimbawa nito ang naging sitwasyon… Continue reading Pagbabago sa terminal assignments ng mga airline company, hiniling na ipagpaliban muna

4 na flights sa Bicol International Airport, kanselado ngayong araw

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Cebu Pacific na kanselado ang apat nilang flights mula Bicol patungong Maynila gayundin sa Cebu at pabalik. Ayon sa Civil Aviation Authority (CAAP), kanselado ang Cebu Pacific flight 5J 321 at 5J 322 na biyaheng Manila patungong Daraga at pabalik, dulot ng Aircraft Additional Requirements Kanselado rin ang CebGo flight… Continue reading 4 na flights sa Bicol International Airport, kanselado ngayong araw

Mas mahigpit na Air Passenger Bill of Rights, isinusulong sa gitna ng mga flight cancellation

Ipinanawagan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe ang mas mahigpit na polisiya sa air passenger right, para matugunan ang mga pagkansela at delay sa mga flight ng local airlines. Giit ni Poe, ang public service issue na ito ay nangangailangan ng agarang solusyon bilang nakasalalay dito hindi lang ang karapatan ng… Continue reading Mas mahigpit na Air Passenger Bill of Rights, isinusulong sa gitna ng mga flight cancellation

Ika-20 ng Hunyo ng kada taon, idineklara ng Malacañang bilang National Refugee Day

Idineklara ng Malacañang ang ika-20 ng Hunyo ng kada taon, bilang National Refugee Day. Sa bisa ng Proclamation No. 265, binigyang diin ng Palasyo na kinikilala ng Pilipinas na higit 100 milyong indibiwal ang napipilitang umalis sa kanilang bansa, na nangangailangan ng proteksyon at pangangalaga sa kanilang kapakanan. Nakaangkla ang hakbang na ito sa Philippine… Continue reading Ika-20 ng Hunyo ng kada taon, idineklara ng Malacañang bilang National Refugee Day

ERC, rerebyuhin ang aplikasyon ng power utilities sa power cost adjustment

Nakatakdang rebyuhin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang aplikasyon ng power utility companies para sa power cost adjustment sa loob ng dalawa hangang tatlong buwan. Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, nasa 48 distribution utilities ang nag-apply sa naturang power cost adjustment. Dagdag pa ni Dimalanta, na ang naturang aplikasyon ay mula pa noong 2020… Continue reading ERC, rerebyuhin ang aplikasyon ng power utilities sa power cost adjustment

Non-board passers na mga nurse, ‘di pinapahintulutan ng batas na mabigyan ng special o temporary license — PRC

Walang kapangyarihan ang Professional Regulation Commission (PRC) na magbigay ng temporary license para sa mga nursing graduate na hindi pa nakakapasa sa board exam. Pahayag ito ni PRC Commissioner Jose Cueto Jr., kasunod ng rekomendasyon ni Health Secretary Ted Herbosa, na i-hire muna ang mga non-board passer na nakakuha ng 70% to 74% na grado… Continue reading Non-board passers na mga nurse, ‘di pinapahintulutan ng batas na mabigyan ng special o temporary license — PRC

Paggamit ng reservists at CAFGU sa territorial defense, tinalakay ng NOLCOM at Phil. Army

Pinag-usapan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. at Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca, ang paggamit ng reservists at CAFGU active auxiliary sa territorial defense. Ito ay bahagi ng pagkakaroon ng isang  “jointly engaged and readiness-trained force” para sa territorial defense operations ng NOLCOM, na tinaguriang “Defenders of the… Continue reading Paggamit ng reservists at CAFGU sa territorial defense, tinalakay ng NOLCOM at Phil. Army