Muling hinimok ng Globe Telecommunications Inc. na magrehistro na ng kanilang mga SIM card ang natitirang 66.7 milyong subscribers nito, dahil sa napipintong pagtatapos ng palugit ng gobyerno sa SIM registration. Ito ay matapos makapagtala ang Globe ng higit 20.44 milyong SIM card na naireshitro sa kumpanya, kaugnay ng pagtatapos nito sa Abril 26, 2023. […]
Patuloy pang dumarami ang mga nasasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng pagpapatupad ng Exclusive Motorcycle Lane Policy sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, ngayong araw. Batay sa datos ng MMDA kaninang ala-5 ng hapon, pumalo na sa 1,391 ang bilang ng mga lumabag sa naturang patakaran. Mula sa nasabing bilang, […]
Muling nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa publiko para sa wasto at tamang pamamaraan ng paggamit ng elektrisidad sa bansa. Ito ay sa kabila ng maayos na pagdaraos ng Earth Hour nitong Sabado, kung saan isang oras na nagpatay ng mga ilaw ang iba’t ibang establisyimento at mga kabahayan sa ibat ibang panig ng […]
Umapela si Negros Oriental Representative Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. na bawiin ang ipinataw na suspensiyon sa kanya ng Kamara. Sa pamamagitan ng legal counsel nito na si Atty. Ferdinand Topacio, isang liham ang ipinadala sa House Committee on Ethics and Privileges upang iapela na mabawi ang pagkakasunspinde ng mambabatas. Kinuwestiyon din ng panig ng kinatawan, […]
Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na may pinatatakbong Private Armed Group (PAG) si dating Negros Oriental Governor Henry Pryde Teves. Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. kasunod ng isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa opisina ng dating governor sa Sta. Catalina, Negros Oriental, kamakailan. Nasamsam […]
Kampante si Senador Sherwin Gatchalian na hindi magtataas ng red o yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong summer, dahil sa pagkakaroon ng reserbang enerhiya ng bansa. Ayon kay Gatchalian, kaiba sa mga nakalipas na panahon ay mayroong 600 megawatts na ancillary reserves ang NGCP. Ito ay matapos imandato ng Department […]
Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) ang dahilan ng pagkonsidera kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. bilang isa sa mga mastermind sa pagpatay kay Governor Roel Degamo. Ito ay matapos ihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kanila nang ikinukonsidera si Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga utak sa pagpatay […]
Wala pang detalyadong plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, tuwing gabi. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Romando Artes, pagsapit ng alas-10 ng gabi ay ipu-pull out na ang deployment ng mga tauhan sa Commonwealth. Pinag-aaralan aniya ng ahensya kung magdadagdag ng […]
Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng updated “calendar of activities” para sa 2023 Barangay at Sanggunang Kabataan (BSK) Elections. Ayon sa Comelec, ito ay base narin sa kanilang Resolution No. 10902. Dahil dito ang “Election Period at Gun Ban” ay magsisimula na sa August 28 hanggang November 29, 2023. Habang ang paghahain ng […]
Hindi malayo na mahigitan pa ng MT Princes Empress ang compensation claim sa lumubog na MT Solar sa Guimaras noong 2006. Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, nasa P1.1 billion ang danyos na binayaran ng MT Solar sa may 26,000 mahigit na compensation claims. Kaya naman kung ikokonsidera ang inflation at lawak ng pinsala […]