Malakas na pag-ulan, inaasahan sa ilang lugar sa bansa

Naglabas ng babala ang PAGASA kaugnay ng inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng Shear Line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Ayon sa Weather Advisory No. 58 na inilabas ngayong December 30, 2024, apektado ngayong araw ang Cagayan, Apayao, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Palawan, Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga… Continue reading Malakas na pag-ulan, inaasahan sa ilang lugar sa bansa

Sen. Bato dela Rosa, umaasang inaayos ng Malacañang ang ilang kinuwestiyon sa 2025 Budget Bill

Umaasa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dininig ng Malacañang ang tinig ng taumbayan at inayos ang ilang kinuwestiyong item sa panukalang 2025 National Budget. Ang pahayag na ito ng senador ay sa harap ng inaasahang pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng 2025 General Appropriations Act o ang magiging pambansang… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, umaasang inaayos ng Malacañang ang ilang kinuwestiyon sa 2025 Budget Bill

13 Pinay surrogates mula sa Cambodia, nasa pangangalaga na ng DSWD

Agad na umalalay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 13 Pinay surrogates na inuwi sa Pilipinas mula sa Cambodia. Kasama si DSWD Assistant Secretary for International Affairs, Attached and Supervised Agencies, Elaine Fallarcuna sa sumalubong sa mga nanay kasama ang tatlong sanggol. Dinala ang mga ito sa isa sa care facilities sa… Continue reading 13 Pinay surrogates mula sa Cambodia, nasa pangangalaga na ng DSWD

Bilang ng mga nabiktima ng paputok sa QC, umabot na sa 13 — QC-CESU

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa Quezon City. Batay sa pinakahuling Fireworks-Related Injury (FWRI) Surveillance Update ng QC Epidemiology and Surveillance Unit, umabot na sa 13 ang kaso ng Fireworks-Related Injuries sa lungsod. Dalawang bagong kaso ang naidagdag noong Sabado, December 28. Sa kabuuang bilang ng mga biktima, 9 o katumbas… Continue reading Bilang ng mga nabiktima ng paputok sa QC, umabot na sa 13 — QC-CESU

Navotas solon, nanawagan sa Kapulisan na paigtingin ang paghuli sa mga iligal na paputok

Pinatitiyak ni Navotas Representative Toby Tiangco sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kampanya laban sa pagbebenta ng mga iligal na paputok, lalo na ang mga ibinibenta online. Paalala niya madiskarte na ngayon ang ilan sa nagbebenta ng paputok kaya dapat maiging mabantayan ang online selling nito. Umapela rin ang mambabatas sa publiko na… Continue reading Navotas solon, nanawagan sa Kapulisan na paigtingin ang paghuli sa mga iligal na paputok

Mga natulungan ng Action Center ng DOJ, umabot sa mahigit 12,000 ngayong 2024

Pumalo sa mahigit 12,000 katao ang nabigyan ng agarang tulong ng Department of Justice (DOJ) Action Center para sa taong 2024. Sa report ni DOJ Action Center Program Director Joan Carla Guevarra, pumalo sa 12,879 na mga reklamo ang inilapit sa kanila.  Mas mataas ito ng limang beses kung ikukumpara sa 2,815 na mga reklamo… Continue reading Mga natulungan ng Action Center ng DOJ, umabot sa mahigit 12,000 ngayong 2024

Kampanya vs. Human trafficking, mas lalo pang palalakasin ng DOJ Inter Agency Council Against Trafficking matapos naiuwi ang 13 biktima mula Cambodia 

Desidido ang Department of Justice (DOJ) na mas piigtingin pa nila ang kampanya laban sa human trafficking na nambibiktima ng mga inosenteng Pilipino.  Ang hakbang na ito ng DOJ ay kasabay ng pagpapauwi sa 13 Pinoy na biktima ng sorrogate sa Cambodia.  Ayon kay Justice Undersecretary Nicolas Felix Ty, gumagawa na ng mas malakas na… Continue reading Kampanya vs. Human trafficking, mas lalo pang palalakasin ng DOJ Inter Agency Council Against Trafficking matapos naiuwi ang 13 biktima mula Cambodia 

COMELEC, ibinasura ang petisyon na humihingi na i-disqualify si Pastor Apollo Quiboloy sa pagka-senador pero dating Caloocan City Rep. Edgar Erice, tuluyang dinisqualify sa pagtakbo 

Wala nang makahahadlang sa pagtakbo sa pagka-senador ng nakakulong na Kingdom of Jesus Christ Leader na si Pastor Apollo Quiboloy.  Ito’y matapos tuluyang ibasura ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang Motion for Reconsideration na inihain ni Workers Peasant Party senatorial candidate Sonny Matula laban sa religious leader.  Ayon sa COMELEC, walang bagong argumento… Continue reading COMELEC, ibinasura ang petisyon na humihingi na i-disqualify si Pastor Apollo Quiboloy sa pagka-senador pero dating Caloocan City Rep. Edgar Erice, tuluyang dinisqualify sa pagtakbo 

Bilang ng mga biktima ng paputok, umabot na sa 142 — DOH 

Umakyat na sa 142 ang bilang ng mga tinamaan ng paputok, dalawang araw bago ang Bagong Taon.  Ito ang datos na inilabas ng Department of Health (DOH) matapos makuha ang mga bilang sa lahat ng ospital sa buong bansa.  Sa 142 na mga tinamaan ng paputok, 127 dito ay mga lalaki, habang 15 ang mga… Continue reading Bilang ng mga biktima ng paputok, umabot na sa 142 — DOH 

Heritage Building sa Borongan City, nasunog

Nagulantang sa mahimbing na tulog ang mga taga-siyudad ng Borongan, Eastern Samar, nang magising sa nasusunog na isa sa mga heritage structures sa downtown area, bandang 12:30 ng madaling araw kanina. Ayon kay City Fire Marshal, Senior Inspector Benito Elona, ang sunog na posible’y electrical ang sanhi ay hinihinalang nagmula sa isang establisimiyento na nangungupahan… Continue reading Heritage Building sa Borongan City, nasunog