Pagsasabatas ng Enterprise-based Education and Training, makatutulong para mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho

Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Enterprise-based Education and Training o EBET Law. Giit niya, sa batas na ito ay magkatuwang ang pamahalaan at pribadong sektor sa pagtugon sa kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng training at up-skilling programs. “As I have always declared, as… Continue reading Pagsasabatas ng Enterprise-based Education and Training, makatutulong para mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho

NGCP, agad kumilos para isaayos ang mga nasirang transmission line sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Marce

Agad kumilos ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para isaayos ang mga nasirang transmission lines partikular na sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Marce. Ayon sa NGCP, nagkasa na ng pagpapatrolya ang kanilang mga tauhan para magsagawa ng sabayang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na ligtas nang pasukin.… Continue reading NGCP, agad kumilos para isaayos ang mga nasirang transmission line sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Marce

Judge ng Antipolo City RTC, pinagmulta ng SC dahil sa 7 taon na di nadesisyunan na hawak niyang kaso

Pinagmumulta ng Supreme Court ang isang huwes sa Antipolo City Regional Trial Court dahil sa kabiguan nito na resolbahin ang hawak niyang kaso sa loob ng pitong taon.  Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Henry Pual John Inteng, “Guilty” sa kasong Gross Neglect of Duty si Antipolo City RTC Branch 99… Continue reading Judge ng Antipolo City RTC, pinagmulta ng SC dahil sa 7 taon na di nadesisyunan na hawak niyang kaso

Pagkilos ng bagyong Marce sa hilagang Luzon, mahigpit na tinututukan

Nakaantabay na ang Inter-Agency Coordinating Cell (IACC) sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa pagtugon nito sa epekto ng bagyong Marce. Ito’y habang inaantabayanan ang paglabas ng bagyo na kasalukuyang nasa coastal waters ng Ilocos Norte batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA. Ayon kay NDRRMC Chairperson at Defense Secretary… Continue reading Pagkilos ng bagyong Marce sa hilagang Luzon, mahigpit na tinututukan

Sapat na budget para sa mga kalamidad, tiniyak ng DBM

Nilinaw ni Budget Secretary Aminah Pangandaman na mayroon pang budget na magagamit ang bansa sakaling may mga sumunod pang kalamidad.  Ang paglilinaw ay ginawa ng kalihim matapos umanong ma-misinterpret ng ilang kritiko ng gobyerno na naubos na ang pondo para sa kalamidad.  Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na mga bagyo at EL Niño… Continue reading Sapat na budget para sa mga kalamidad, tiniyak ng DBM

Intelligence Command, itinatag ng AFP upang tutukan ang iba’t ibang hamong pangseguridad

Nagtatag ng bagong unit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na siyang tututok sa tinatawag na “evolving threats” sa makabagong panahon. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kanilang pinagana ang Intelligence Command para tugunan ang iba’t ibang hamong pangseguridad. Sinabi ni Padilla na August 21 pa nilikha ang bagong yunit ng AFP… Continue reading Intelligence Command, itinatag ng AFP upang tutukan ang iba’t ibang hamong pangseguridad

15 4PS Families sa Atimonan, Quezon, napagkalooban ng libreng materyales upang magkaroon ng linya ng Kuryente

Napagkalooban ng libreng materyales ang labing-limang pamilya sa Atimonan, Quezon, na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, upang magkaroon ng sariling linya ng kuryente mula sa Quezon Electric Cooperative o QUEZELCO 1. Ayon sa pabatid ng DSWD IV-A, kamakailan ay nagsagawa ng oryentasyon ang QUEZELCO 1, katuwang ang lokal na pamahalaan, para sa… Continue reading 15 4PS Families sa Atimonan, Quezon, napagkalooban ng libreng materyales upang magkaroon ng linya ng Kuryente

Storm Chaser Team ng PAGASA, nasa Bayan na ng Gonzaga, Cagayan upang obserbahan ang pag land-fall ng bagyong Marce

Tumungo mismo sa Gonzaga, Cagayan ang isang team ng Storm Chasers mula sa DOST-PAGASA Central Office upang makalikom ng real-time at wastong datos kaugnay sa bagyong Marce. Ayon kay PAGASA Tuguegarao Weather Specialist Noel Edillo, sa pakikipag-ugnayan sa LGU, ang hakbang na ito ay bilang paghahanda na rin sa inaasahang pag-landfall ng bagyo sa lalawigan.… Continue reading Storm Chaser Team ng PAGASA, nasa Bayan na ng Gonzaga, Cagayan upang obserbahan ang pag land-fall ng bagyong Marce

Panibagong prangkisa para sa Meralco, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 10926 o panukala para muling bigyan ng 25 taong prangkisa ang Manila Electric Company (Meralco). Nasa 186 na mambabatas ang bumoto pabor dito habang may pitong tumutol, at apat na abstention. Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Meralco na tumalima sa pamantayang itinakda… Continue reading Panibagong prangkisa para sa Meralco, lusot na sa Kamara

Mahigit 600 pamilya sa bayan ng Mahatao,tumanggap ng family food packs mula sa DSWD

Namahagi nitong Martes, November 5, 2024, ang Department of Social Welfare and Development ng mga family food packs sa mga residente ng bayan ng Mahatao. Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Cyrus Barren, nasa 615 na pamilya ang tumanggap ng tig-isang FFP mula sa DSWD. Ang mga nasabing ayuda ay bahagi ng tulong… Continue reading Mahigit 600 pamilya sa bayan ng Mahatao,tumanggap ng family food packs mula sa DSWD