DOH Bicol, namahagi ng medical assistance sa ilang bayan sa Camarines Sur

Namahagi ng asistensyang medikal ang Department of Health -Center for Health Development Bicol sa ilang mga bayan sa Camarines Sur. Nasa 177 na pamilya sa Bula, Camarines Sur ang nakatanggap ng health assistance mula sa ahensya. Nagsagawa sila ng medical consultation, health education, nutrition assessment, at psychosocial interventions noong nakaraang October 28. Sa bayan naman… Continue reading DOH Bicol, namahagi ng medical assistance sa ilang bayan sa Camarines Sur

DSWD, patuloy sa pamamahagi ng relief assistance; higit sa P50k na karagdagang food packs, dumating na sa Bicol

Patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng relief assistance ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang Bagyong Kristine sa Bicol Region. Nakapagpamahagi ang DSWD Bicol ng nasa 55,628 Family Food Packs sa iba’t ibang bayan sa anim na probinsya ng rehiyon. Mahigit 27,000 FFP ang… Continue reading DSWD, patuloy sa pamamahagi ng relief assistance; higit sa P50k na karagdagang food packs, dumating na sa Bicol

Centenarian na miyembro ng IP Community sa Eastern Visayas, tumanggap ng P100K mula sa DSWD

Kasabay ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Indigenous People’s Month nitong October 31, 2024, iginawad ng DSWD-Eastern Visayas ang P100,000.00 na cash gift sa isang centenarian na kabilang sa Indigenous People’s (IP) Community sa bayan ng Burauen, probinsya ng Leyte. Si Lolo Bernal, dating tribal chieftain ng Mamanwa Tribe indigenous people’s group na naitatag sa nasabing… Continue reading Centenarian na miyembro ng IP Community sa Eastern Visayas, tumanggap ng P100K mula sa DSWD

Lupaing ninuno ng mga Katutubong Dumagat, ginawaran ng Certificate of Recognition for Ancestral Domain Claim

Ginawaran ng Certificate of Recognition of Ancestral Domain Claim ang lupaing ninuno ng mga katutubong Dumagat/Remontado sa Montalban, Rizal, mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Calabarzon. Ayon sa pabatid ng Tanggapan, iginawad ang naturang sertipiko kasabay ng selebrasyon ng National Indigenous Peoples Thanksgiving Day at anibersaryo ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) kamakailan.… Continue reading Lupaing ninuno ng mga Katutubong Dumagat, ginawaran ng Certificate of Recognition for Ancestral Domain Claim

Higit isang milyong ektarya ng standing crops, binabantayan ng DA sa gitna ng banta ng bagyong Marce

Mahigpit nang binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto ng bagyong Marce sa sektor ng pagsasaka. Batay sa pinakahuling pagtaya ng DA, maaaring maapektuhan ng bagyo ang nasa higit isang milyong ektarya ng standing crops kung saan mayorya ay mga sakahan ng palay. Ayon sa DA, nasa 15.7% sa mga taniman ng palay… Continue reading Higit isang milyong ektarya ng standing crops, binabantayan ng DA sa gitna ng banta ng bagyong Marce

AFP, handa sa pananalasa ng bagyong Marce

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kahandaan sa pananalasa ng bagyong Marce. Ayon kay AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr., nakaposisyon na ang mga foodpack na ipadadala sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. Habang magpapatuloy naman ang pagbibigay ng Humanitarian Assistance at Disaster Relief sa mga sinalanta naman… Continue reading AFP, handa sa pananalasa ng bagyong Marce

Mga taxi driver, bitin sa bawas presyo sa gasolina; mga jeepney driver, umaaray sa panibagong umento sa diesel

Aminado ang mga taxi driver na bitin ang ₱0.10 centavos rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Mandaluyong City, sinabi ng ilang tsuper ng taxi na hindi nila ito ramdam lalo’t napakabigat pa rin ng daloy ng trapiko na siyang nagpapahirap… Continue reading Mga taxi driver, bitin sa bawas presyo sa gasolina; mga jeepney driver, umaaray sa panibagong umento sa diesel

Sunog sa Commonwealth Market, kontrolado na — BFP

Kontrolado na ang sunog sa bahagi ng Commonwealth Market, Quezon City. Nasa limang oras ding nakataas sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang fire under control bandang 7:43am. Apektado ng sunog ang mahabang hilera ng mga stall ng dry goods kung saan ang ilan sa paninda ay mga grocery items, plastic na mga kagamitan, bigas,… Continue reading Sunog sa Commonwealth Market, kontrolado na — BFP

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱800-M tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine at Leon

Sumampa na sa ₱806.2-million ang halaga na tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa walang tigil nitong relief operations sa mga lalawigang naapektuhan ng magkasunod na bagyong Kristine at Leon sa bansa. Ayon sa DSWD, kabilang sa nailaan nitong tulong ang family food packs na umabot na rin sa 1,076,723… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱800-M tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine at Leon

Sunog sa Commonwealth Market, nasa ikalawang alarma pa rin

Mag-aapat na oras nang inaapula ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa Riverside ng Commonwealth Market. Hanggang ngayon nakataas pa rin sa ikalawang alarma ang sunog sa naturang palengke at maitim at makapal pa rin ang usok na nagmumula sa nasusunog na bahagi ng palengke. Sa impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), 2:45am… Continue reading Sunog sa Commonwealth Market, nasa ikalawang alarma pa rin