Tropical storm sa labas ng bansa, nakapasok na sa PAR at tinawag na bagyong Marce

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Marce. Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 935km sa karagatan sa silangan ng Eastern Visayas. Sa ngayon ay nasa tropical storm category ang bagyo, taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour at bugso na 80 kph. Habang kumikilos pa-hilagang-kanluran ang… Continue reading Tropical storm sa labas ng bansa, nakapasok na sa PAR at tinawag na bagyong Marce

British investors, hinikayat na mamuhunan sa bansa sa ginanap na Philippine Economic  Briefing-London

Hinikayat ng economic team ang ang mga British investor na piliin na mamuhunan sa bansa dahil kayang i-deliver ng Pilipinas ang inaasahang paglago. Ito ang mensahe ni Finance Secretary Ralph Recto sa Philipine Economic Briefing sa London. Pagmamalaki ni Recto, walang bansa  gaya ng Pilipinas na may potensyal na kayang magpalago ng mga negosyo. Ayon sa… Continue reading British investors, hinikayat na mamuhunan sa bansa sa ginanap na Philippine Economic  Briefing-London

Libreng sakay, inalok ng Manila City LGU sa mga bumisita sa Manila South Cemetery

Bawal pumasok ang mga sasakyan sa loob ng Manila South Cemetery. Dahil dito, may mga nakaabang na mga e-trike mula sa Manila City government na nag-aalok ng libreng sakay para sa mga malayo ang bibisitahing puntod. Ang mga may dala namang sasakyan ay pwedeng mag-park sa ilang designated area: Pwede ring mag-park sa: Ilan naman… Continue reading Libreng sakay, inalok ng Manila City LGU sa mga bumisita sa Manila South Cemetery

Pagkakatalagang muli kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, welcome kay Sen. Gatchalian

Pinaboran ni Senador Sherwin Gatchalian ang reinstatement o ang pagbabalik sa pwesto ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta. Ayon kay Gatchalian, maituturing na paborableng development ito para sa energy sector. Para sa senador, magandang pahiwatig ito sa pagnanais na magkaroon ang bansa ng isang revitalized regulatory body, lalo na aniya dahil sa hindi… Continue reading Pagkakatalagang muli kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, welcome kay Sen. Gatchalian

Posibleng pagbabago sa mga polisiya ng U.S. matapos ang kanilang Presidential elections, dapat paghandaan ng Pilipinas — Sen. Imee Marcos

Iginiit ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Senador Imee Marcos na dapat paghandaan ng Pilipinas ang posibleng epekto sa ating bansa ng magiging eleksyon sa Estados Unidos. Ayon may Marcos, maaaring magbunga ng malaking pagbabago sa mga polisiya ng U.S. tungkol sa Immigration, investments, at defense ang magiging resulta ng U.S. 2024 Presidential Elections.… Continue reading Posibleng pagbabago sa mga polisiya ng U.S. matapos ang kanilang Presidential elections, dapat paghandaan ng Pilipinas — Sen. Imee Marcos

Agarang tulong para sa mga sinalanta ng Bagyong Leon sa Cagayan Valley at Batanes, tiniyak ng OCD

Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na nagpapatuloy ang pagpapadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Leon sa Batanes at Cagayan Valley. Sa isang pahayag, sinabi ni OCD Region 2 Director Leon Rafael na naging malala ang pinsala ng bagyo sa mga nabanggit na lugar, partikular na sa mga kabahayan at pananim. Handa… Continue reading Agarang tulong para sa mga sinalanta ng Bagyong Leon sa Cagayan Valley at Batanes, tiniyak ng OCD

Paggunita ng Undas, nananatiling ‘relatively peaceful’ — PNP

Nananatiling mapayapa ang paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ay batay sa assessment ng Philippine National Police (PNP) ngayong ginugunita ang All Saints Day. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, “relatively peaceful” ang sitwasyon sa buong bansa hanggang kaninang alas-3 ng hapon. Wala kasing naitalang “untoward incident” ang PNP na maaaring makaabala… Continue reading Paggunita ng Undas, nananatiling ‘relatively peaceful’ — PNP

Bilang ng mga bumisita sa Loyola Memorial Park, umabot na sa mahigit 66,000

Pumalo na sa 66,200 as of 7 PM ang crowd estimate sa Loyola Memorial Park sa Marikina City at posible pang madagdagan ngayong gabi dahil maraming nag-overnight. Bukas ang nasabing sementeryo 24-oras ngayong All Saints Day. Ang bilang na ito ay triple sa dami ng mga dumalaw kahapon na nasa 23,000. Mabigat din ang daloy… Continue reading Bilang ng mga bumisita sa Loyola Memorial Park, umabot na sa mahigit 66,000

Mga bumisita sa Manila North Cemetery ngayong araw, umabot sa 1.1 milyon

Higit isang milyong katao ang dumalaw sa Manila North Cemetery ngayong araw November 1. Hanggang sa isara ang gate ng MNC alas-7 ng gabi, pumalo sa 1.1 million ang mga nagtungo sa MNC para dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay. Dahil naman dito, mula noong October 30 ay pumalo na sa 1.21 million… Continue reading Mga bumisita sa Manila North Cemetery ngayong araw, umabot sa 1.1 milyon

Pinsala ng Super Typhoon Leon sa sektor ng edukasyon, umabot sa ₱222-M — DepEd

Umabot sa ₱222-million ang halaga ng pinsala na dinulot ng Super Typhoon Leon sa sektor ng edukasyon. Sa inilabas na partial situational report ng Department of Education (DepEd), nasa 64 na silid-aralan ang totally damaged, nasa 125 naman na silid-aralan ang partially damaged. Nasa ₱160 milyong piso ng mga imprastraktura ang kailangan sumailalim sa reconstruction… Continue reading Pinsala ng Super Typhoon Leon sa sektor ng edukasyon, umabot sa ₱222-M — DepEd