1 napaulat na nawawala sa sunog sa Brgy. Tumana sa Marikina City

Patuloy ang paghahanap ng mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isang lalaking senior citizen na napaulat na nawawala. Ito’y matapos na pinaniniwalaang ma-trap ang naturang lalaki sa nasusunog nilang tahanan sa Pipino Street, Barangay Tumana, Marikina City. Batay sa inisyal na ulat mula sa BFP, sumiklab ang sunog alas-2:50 ng madaling araw… Continue reading 1 napaulat na nawawala sa sunog sa Brgy. Tumana sa Marikina City

Pagkakaroon ng Emergency Response Department, iminumungkahi ni Sen. Cayetano

Hinihimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno na magtatag ng Emergency Response Department (ERD) para palakasin ang katatagan ng bansa laban sa lumalalang banta ng extreme weather events dulot ng climate change. Ipinanawagan ito ng senador matapos ang naranasang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dulot ng walang tigil na pag-ulan… Continue reading Pagkakaroon ng Emergency Response Department, iminumungkahi ni Sen. Cayetano

DSWD, tiniyak na tutulungan pa rin ng ahensya ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Carina sa panahon ng recovery phase

Photo courtesy of Philippine National Police

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulungan pa rin ng ahensya ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Carina sa panahon ng recovery phase. Sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na sa pamamagitan ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ay matutukoy nila kung ano pa ang mga kinakailangang tulong ng… Continue reading DSWD, tiniyak na tutulungan pa rin ng ahensya ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Carina sa panahon ng recovery phase

Gobyerno, magpa-file ng insurance claim para sa mga eskwelahan na sinalanta ng bagyong Carina

Gagamitin ng national government ang pondo mula sa insurance program nito upang pondohan ang pagsasaayos ng pinsala sa mga paaralan dulot ng bagyong Carina. Sa statement na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr) nakatakda silang mag-file ng claim sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program (NIIP) para sa pagsasaayos ng umaabot sa 451 na mga… Continue reading Gobyerno, magpa-file ng insurance claim para sa mga eskwelahan na sinalanta ng bagyong Carina

Mahigit 10,000 biktima ng baha, nailigtas ng PNP

Aabot sa 10,437 na biktima ng pagbaha dulot ng bagyong Carina ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ito ay sa 345 search and rescue operations na isinagawa ng PNP simula kahapon. Anim na mga labi naman ang narekober ng Pulisya… Continue reading Mahigit 10,000 biktima ng baha, nailigtas ng PNP

Air Force, lalahok sa French Air Show sa Clark Airbase sa Linggo

Itatanghal sa Linggo, July 28, ang static display ng French Air and Space Force (FASF) sa Clark Air Base sa Pampanga. Tampok sa static display ang dalawang asset ng FASF, kasama ang dalawang asset ng Philippine Air Force (PAF). Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapabilang ang Pilipinas sa “stopover” ng taunang FASF mission sa Indo-Pacific… Continue reading Air Force, lalahok sa French Air Show sa Clark Airbase sa Linggo

Business groups, nagsagawa ng kauna-unahang Nat’l Anti-Ellicott Trade Summit para labanan ang smuggling sa bansa

Umaapela ang Federation of Pilipino Industries (FPI) sa pamahalaan na mas lalo pang palakasin ang kampanya laban sa smuggling.  Ito ang nilalaman ng kauna-unahang National Anti-Ellicit Summit Trade na ginawa ng FPI sa Manila Hotel ngayong araw.  Ayon kay Chair Jesus Aranza, ₱250-billion ang nawawala sa tax collection kada taon dahil sa smuggling.  Bukod pa… Continue reading Business groups, nagsagawa ng kauna-unahang Nat’l Anti-Ellicott Trade Summit para labanan ang smuggling sa bansa

AFP, patuloy ang Humanitarian Assistance & Disaster Relief ops sa mga lugar na apektado ng bagyong Carina

Siyam na Search, Rescue, and Retrieval (SRR) teams mula sa 2nd Infantry Division (2ID) ng Philippine Army at lima mula sa Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) ang ideneploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) operations sa mga lugar na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa… Continue reading AFP, patuloy ang Humanitarian Assistance & Disaster Relief ops sa mga lugar na apektado ng bagyong Carina

Iniwang patay ng sama ng panahon, sumampa na sa 14

Labing-apat na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina. Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, walo dito ang kumpirmado, habang anim naman ang for validation pa. Sa nasabing bilang, lima ang mula sa CALABARZON, apat sa Region-9, tig-isa… Continue reading Iniwang patay ng sama ng panahon, sumampa na sa 14

3, napaulat na nasawi sa Rizal dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at epekto ng habagat

Kinumpirma ng Rizal Provincial Police Office na tatlo ang napaulat na nasawi sa kanilang nasasakupan matapos na makuryente sa kasagsagan ng mga pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina. Kinilala ni Rizal Provincial Police Director, PCol. Felipe Marraggun ang mga biktima na sina Alvin Bulatao, 2-taong gulang at taga-Brgy. Sto. Domingo,… Continue reading 3, napaulat na nasawi sa Rizal dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at epekto ng habagat