Bilang ng naserbisyuhan ng OWWA-DMW OFW Lounge, umabot na sa mahigit isang milyon

Umabot na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng mga bumisita sa OFW Lounge sa NAIA Terminals 1 at 3. Kahapon, July 9, kinilala at pinarangalan ang 1,000,000th visitor sa Terminal 3 Lounge sa pangunguna ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator PY Caunan. Namigay rin ng OWWA merchandise sa mga kababayan nating OFWs na… Continue reading Bilang ng naserbisyuhan ng OWWA-DMW OFW Lounge, umabot na sa mahigit isang milyon

NCDA, nakatutok na sa panibagong insidente sa bus ng PWD na si Macmac

Nagpahayag ng pag-aalala ang National Council on Disability Affairs (NCDA) sa panibagong insidente sa bus na kinasangkutan ni Macmac, isang pasaherong may psychosocial disability. Si Macmac ang parehong indibidwal na nasama sa viral video noong Hunyo sa loob ng isang Precious Grace bus. Sa bagong insidente, nakagat nito ang isang konduktor habang sakay ng Metrolink… Continue reading NCDA, nakatutok na sa panibagong insidente sa bus ng PWD na si Macmac

NFA sa publiko: I-report ang mga mapagsamantalang traders ng palay

Nanawagan ang National Food Authority (NFA) sa publiko, lalo na sa mga magsasaka, na agad ipagbigay-alam ang anumang insidente ng panlalamang o pangbabarat ng mga traders sa pagbili ng kanilang palay. Naglabas na ng opisyal na report form ang NFA na maaaring punan ng mga nais na magsumbong. Layon nitong maprotektahan ang kabuhayan ng mga… Continue reading NFA sa publiko: I-report ang mga mapagsamantalang traders ng palay

Bagong traffic scheme sa Litex Payatas, epektibo na simula ngayong araw

Pinaalalahanan ng Quezon City LGU ang mga motorista na simula ngayong araw, July 10, ipinatutupad na ang bagong traffic scheme sa Barangay Commonwealth, partikular sa Litex, Payatas Road. Layon nitong maibsan ang kadalasang reklamo ng matinding trapiko sa lugar. Sa bagong scheme, bawal nang pumasok o kumanan sa Soliven/Lunas Street ang mga sasakyang galing Montalban—diretso… Continue reading Bagong traffic scheme sa Litex Payatas, epektibo na simula ngayong araw

DFA Sec. Theresa Lazaro, nakipagpulong sa ASEAN foreign ministers para sa chairmanship ng Pilipinas sa 2026 Summit

Sa panunungkulan bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) nakipagpulong si Secretary Theresa Lazaro sa Southeast Asian foriegn ministers para sa preparasyon ng Pilipinas para sa chairmanship nito 2026 ASEAN Summit Ginanap ang pagpupulong sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nakaharap niya ang iba’t ibang foriegn counterparts nito mula sa bansang Lao PDR,… Continue reading DFA Sec. Theresa Lazaro, nakipagpulong sa ASEAN foreign ministers para sa chairmanship ng Pilipinas sa 2026 Summit

DTI at DA, nagkaroon ng pagpupulong para sa abot-kayang presyo ng bigas sa merkado

Nagkaroon ng pagpupulong ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) para sa mga ilang mga programa na magpapalawak ng mas abot-kayang presyo ng bigas. Sa nasabing pagpupulong kapwa pinag-usapan ng dalawang kalihim ang ilang mga inisyatibo na magpapaangat pa o mas marami pa ang makabibili ng abot-kayang bigas sa merkado.… Continue reading DTI at DA, nagkaroon ng pagpupulong para sa abot-kayang presyo ng bigas sa merkado

Zero balance sa mga pagamutan, aspirasyon na sisikapin niyang maabot — PBBM

Inihayag ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang aspirasyon na wala nang babayarang anomang hospital fee ang mga Pilipino. Bahagi ito ng talumpati ng Pangulo sa ginawa nitong pangunguna sa distribusyon ng Patient Transport Vehicle sa mga lokal na pamahalaan sa Luzon kaninang umaga sa Quirino Grandstand. Ayon sa Pangulo, mangyayari ito kapag… Continue reading Zero balance sa mga pagamutan, aspirasyon na sisikapin niyang maabot — PBBM

Parañaque solon, isinusulong ang LGU-private sector partnership para mabigyang trabaho ang mga PWD at senior

Itinutulak ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang pagtatatag ng mga tanggapan sa lokal na pamahalaan na makikipagtulungan sa pribadong sektor upang tulungan ang mga persons with disabilities (PWDs) at senior citizens na makahanap ng trabaho at mapahusay pa ang kasanayan. Ayon kay Yamsuan, maraming may-kakayahang PWD at matatanda ang hirap pa ring makahanap… Continue reading Parañaque solon, isinusulong ang LGU-private sector partnership para mabigyang trabaho ang mga PWD at senior

DOLE, masaya sa pagtaas ng employment rate sa bansa

Ikinatuwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bagong Labor Force Survey na nagpapakitang tumaas ang employment level sa bansa. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, inspirasyon ito upang lalo pang pagbutihin ng ahensya ang matapat na pagpapatupad ng mga programa para sa job generation at job preservation. Dagdag ni Laguesma, katuwang ng DOLE… Continue reading DOLE, masaya sa pagtaas ng employment rate sa bansa

DOE, nagsasagawa ng Energy Audit para madetermina ang gov’t buildings, facilities na maaaring kabitan ng solar rooftop

Kasalukuyang gumugulong ang Energy Audit ng Department of Energy (DOE) upang matukoy ang mga pasilidad na pag- aari ng pamahalaang na maaari nang kabitan ng solar rooftop o ground-mounted PVs. Ito ang sinabi sa Bagong Pilipinas Program ni Director Patrick Aquino ng  Energy Utilization and Management Bureau ng DOE sa gitna na din ng pagnanais… Continue reading DOE, nagsasagawa ng Energy Audit para madetermina ang gov’t buildings, facilities na maaaring kabitan ng solar rooftop