Angat Dam, nasa 181 meter level na — PAGASA

Kaunti na lang ay aabot na sa minimum operating level ang antas ng tubig sa Angat Dam. Sa update ng PAGASA Hydromet Division kaninang alas-8 ng umaga, nabawasan pa ng 30 sentimetro ang dam kaya nasa 181.85 meters na lamang ang lebel nito. Nasa higit isang metro na lang ang agwat nito mula sa 180… Continue reading Angat Dam, nasa 181 meter level na — PAGASA

Mandaluyong LGU, namahagi ng summer uniform para sa kanilang mga traffic enforcer

Tiniyak ng Mandaluyong City Local Government Unit (LGU) ang kanilang pagsasaalang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga traffic enforcer. Dahil dito, namahagi ang LGU ng mga tinatawag na “summer uniform” na akma sa nararanasang mainit na panahon dulot pa rin ng epekto ng El Niño. Binubuo ang naturang uniporme ng mga puting dri-fit na… Continue reading Mandaluyong LGU, namahagi ng summer uniform para sa kanilang mga traffic enforcer

Mga jeepney driver na kasapi ng MANIBELA na nakahabol sa consolidation, naghihintay na lamang ng sticker para makapamasada

Nangangamba ang mga miyembro ng MANIBELA sa San Juan City na nakahabol sa deadline ng franchise consolidation para sa PUV Modernization na madamay sa gagawing panghuhuli ng mga kolorum na sasakyan. Ito’y dahil sa hinihintay pa rin ng mga ito ang kanilang sticker na nagpapatunay na sila’y consolidated na at makakabiyahe na sa kani-kanilang mga… Continue reading Mga jeepney driver na kasapi ng MANIBELA na nakahabol sa consolidation, naghihintay na lamang ng sticker para makapamasada

Sitwasyon sa mga ruta ng jeepney sa Pasig City, normal sa kabila ng unang araw ng panghuhuli sa mga di na-consolidate

Wala pang nangyayaring hulihan sa bahagi ng Pasig City dahil karamihan sa mga bumibiyaheng jeepney dito ay pawang mga consolidated. Gayunman, nakaantabay pa rin ang mga tauhan ng Pasig City Police na ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero’t motorista. Pero paglilinaw ng mga Pulis, bahagi… Continue reading Sitwasyon sa mga ruta ng jeepney sa Pasig City, normal sa kabila ng unang araw ng panghuhuli sa mga di na-consolidate

Atin Ito Coalition, tuloy pa rin sa paglalayag sa kabila ng pagpaparamdam ng mga barko ng China sa paligid ng Bajo de Masinloc

Matagumpay pa ring nakamapahagi ng suplay sa mga mangingisdang naglalayag sa Bajo de Masinloc ang civilian volunteer group na Atin Ito Coalition. Ito’y sa kabila ng pagpaparamdam ng mga barko ng China Coast Guard habang papalapit ang civilian convoy sa naturang bahura na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Batay sa… Continue reading Atin Ito Coalition, tuloy pa rin sa paglalayag sa kabila ng pagpaparamdam ng mga barko ng China sa paligid ng Bajo de Masinloc

40 lugar sa bansa, makararanas pa rin ng mapanganib na lebel ng Heat Index

Maraming lugar pa rin sa bansa ang inaasahang makararanas na mataas na temperatura gayundin ang Heat Index o damang init sa katawan ngayong araw. Batay sa Heat Index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 46°C ang Heat Index sa Dagupan City, Pangasinan; Pili, Camarines Sur, at Butuan, Agusan del Norte ngayong Huwebes. Ito ang… Continue reading 40 lugar sa bansa, makararanas pa rin ng mapanganib na lebel ng Heat Index

Tanggapan ng LTFRB, bantay sarado ng mga tauhan ng QCPD

Nakabantay ngayon ang mga tauhan Quezon City Police District (QCPD) sa paligid ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng pagsisimula ng malawakang hulihan para sa mga hindi consolidated na Public Utility Jeepney (PUJ). Nasa tinatayang 50 tauhan mula sa QCPD ang nakaposte at may mga nakahandang pangbarikada sakaling may mga… Continue reading Tanggapan ng LTFRB, bantay sarado ng mga tauhan ng QCPD

Produksyon ng fishery sector, bahagyang bumaba sa unang quarter ng 2024 — PSA

Bahagyang bumaba ang kabuuang produksyon sa sektor ng pangisdaan sa bansa sa unang quarter ng 2024, ayon yan sa Philippine Statistic Authority (PSA). Batay sa tala ng PSA, umabot sa 987,000 metriko tonelada ang fisheries production mula Enero hanggang Marso ng 2024. Mas mababa ito ng 0.5% kung ikukumpara sa naitalang 992,000 metriko toneladang produksyon… Continue reading Produksyon ng fishery sector, bahagyang bumaba sa unang quarter ng 2024 — PSA

Karagdagang Kadiwa centers, magbubukas sa BPI at PhilFIDA

Pinalawak pa ng Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS) ang KADIWA program sa pagbubukas ng karagdagang sites sa Metro Manila. Ngayong araw, magbubukas na muli ang Kadiwa sa Bureau of Plant Industry (BPI) sa San Andres, Malate, Manila. Ito ay naka-soft-opening mula ngayong Huwebes, May 16-17 mula 7:00AM – 4:00PM. Bukas naman magsisimula… Continue reading Karagdagang Kadiwa centers, magbubukas sa BPI at PhilFIDA

University of the Philippines, nagdagdag ng testing centers para sa UPCAT

Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) na may karagdagan itong ilalaang testing centers para sa darating na UP College Admission Test (UPCAT) 2025. Ayon sa UP, aabot sa 113 ang testing centers na ikakalat sa 14 na rehiyon kabilang ang Metro Manila at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Pinakamarami ang testing centers… Continue reading University of the Philippines, nagdagdag ng testing centers para sa UPCAT