House panel chair, hinimok na alalahanin ang mga biktima ng hazing at tokhang ngayong Undas

Nanawagan si House Committee on Human Rights Chair Bienvenido Abante sa lahat na ipagdasal ngayong Undas, ang mga pamilya ng mga biktima ng hazing na hindi pa rin nakakamit ang hustisya hanggang sa ngayon. Gayundin ay alalahanin at mag-alay ng panalangin para sa libong biktima ng tokhang o extrajudicial killings. Giit ni Abante na isa… Continue reading House panel chair, hinimok na alalahanin ang mga biktima ng hazing at tokhang ngayong Undas

Marikina solon, handang tumulong sa cremation ng higit 800 labi na hinukay sa Marikina City Public Cemetery

Bukas ang tanggapan ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo para tulungan ang mga pamilyang apektado ng exhumation ng higit sa 800 labi sa Marikina City Public Cemetery. Ayon kay Quimbo, kaisa sila sa pakikidalamhati sa biglaang paghukay sa mga labi ng namayapang kaanak lalo na at Undas. Bukas aniya ang kaniyang tanggapan sa mga… Continue reading Marikina solon, handang tumulong sa cremation ng higit 800 labi na hinukay sa Marikina City Public Cemetery

Mga katutubong Sama-Bajau sa Lucena City, tumanggap ng Calamity Assistance mula sa NCIP

Tumanggap ng calamity assistance ang mga katutubong Sama-Bajau sa Brgy. Dalahican at Brgy. Barra, Lucena City, mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – Catanauan Community Service Center kamakailan. Ayon sa pabatid ng Tanggapan, mahigit 230 relief packs na naglalaman ng bigas at mga pangunahing pangangailangan ang naipamahagi sa mga katutubo. Pinangunahan ni NCIP… Continue reading Mga katutubong Sama-Bajau sa Lucena City, tumanggap ng Calamity Assistance mula sa NCIP

CICC, Scam Watch Pilipinas muling binuhay ang reactivate Online Bantay Lakbay ngayong Araw ng mga Patay

Upang bigyang babala ang mga Pinoy sa sangkaterbang scam ngayong panahon ng Undas, ni-reactivate ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), kasama ang Department of Transportation (DOTr), ang Scam Watch Pilipinas “Oplan Bantay Lakbay: Undas 2024.” Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, ito ay isang  information drive kung saan tatakbo hanggang  November 5,… Continue reading CICC, Scam Watch Pilipinas muling binuhay ang reactivate Online Bantay Lakbay ngayong Araw ng mga Patay

GSIS, tiniyak ang tulong sa mga miyembro nito sa mga biktima ng bagyong Leon

Sinigurado ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakahanda ang kanilang ahensya na magbigay tulong para sa kanilang miyembro na nasalanta ng bagyong Leon. Ayon sa GSIS handa nilang buksan ang kanilang emergency loan at iba pang serbisyo para makapagbigay ng tulong sa kanilang mga miyembro. Paliwanag pa ng ahensya na sa oras na madetermjna… Continue reading GSIS, tiniyak ang tulong sa mga miyembro nito sa mga biktima ng bagyong Leon

Valenzuela LGU, naglabas ng traffic rerouting plan para sa Undas 2024

Magpapatupad din ng traffic re-routing scheme ang Valenzuela LGU para sa mga dadalaw sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod ngayong Undas. Para sa mga tutungo sa Polo Catholic Cemetery at Polo Memorial Park mula October 31 hanggang November 1, one-way traffic scheme ang paiiralin sa F. Valenzuela kung saan ipagbabawal ang pagparada ng sasakyan sa… Continue reading Valenzuela LGU, naglabas ng traffic rerouting plan para sa Undas 2024

Marikina LGU, iniimbestigahan na ang kaso ng hindi awtorisadong paghuhukay sa labi ng mga tapos na ang renta sa Barangka Public Cemetery

Iniimbestigahan na ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang mga kaso ng hindi awtorisadong paghuhukay sa mga labi sa Barangka Public Cemetery. Ito’y makaraang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang tambak ng mga bangkay na hinukay sa sementeryo na hindi na nakapag-renew ng kontrata sa renta. May tinatawag na 5-year rental period sa Barangka Public Cemetery… Continue reading Marikina LGU, iniimbestigahan na ang kaso ng hindi awtorisadong paghuhukay sa labi ng mga tapos na ang renta sa Barangka Public Cemetery

Mga bumibisita sa Bagbag Public Cemetery, dumarami na ngayong bisperas ng Undas

Maagang abala na rin ang sitwasyon sa Bagbag Public Cemetery na marami-rami na rin ang mga nagtutungo ngayong bisperas ng Undas. As of 8am, nasa higit 700 na ang nagtungo sa sementeryo at tuloy-tuloy pang nadaragdagan. Mahigpit na rin ang seguridad kung saan masusing ininspeksyon ang dala ng mga nagtutungo at kinukumpiska ang mga ipinagbabawal.… Continue reading Mga bumibisita sa Bagbag Public Cemetery, dumarami na ngayong bisperas ng Undas

DSWD- Bicol, namahagi ng Family Water Filtration Kits sa mga LGU sa CamSur

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Sur, ang pamamahagi ng 20 Family Water Filtration Kits sa mga LGU na labis na naapektuhan ng bagyong Kristine sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection (BFP). Kahapon, ika-30 ng Oktubre 2024, nagsagawa ang DSWD-Bicol ng orientation at… Continue reading DSWD- Bicol, namahagi ng Family Water Filtration Kits sa mga LGU sa CamSur

Mga residente ng San Juan City, nag-uumpisa nang magtungo sa sementeryo ngayong bisperas ng Undas

Hindi alintana ng mga residente sa Lungsod ng San Juan ang manaka-nakang pag-ulan para gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa San Juan Cemetery ngayong bisperas ng Undas. Bagaman mangilan-ngilan pa lamang ang mga nagtutungo sa sementeryo ngayong umaga, inaasahan naman ng mga awtoridad ang pagdami nito mula hanggang mamayang hapon lalo na… Continue reading Mga residente ng San Juan City, nag-uumpisa nang magtungo sa sementeryo ngayong bisperas ng Undas