PNP Chief Marbil, nakatakdang mag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bilang bahagi ng paghahanda sa Undas

Nakatakdang mag-ikot mamayang hapon si Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa iba’t ibang places of convergence sa Metro Manila. Ito’y bahagi pa rin ng mga paghahanda ng Pulisya para sa inaasahang holiday exodus na may kaugnayan sa paggunita ng Undas bukas, November 1. Kasama si National Capital Region Police Office Chief,… Continue reading PNP Chief Marbil, nakatakdang mag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bilang bahagi ng paghahanda sa Undas

Pinaigting na seguridad ng pulisya at pag-alalay sa publiko ngayong Undas, ipinag-utos ng PNP Chief

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng unit ng pulisya na paigtingin pa ang pagbibigay seguridad at pag-alalay sa publiko ngayong Undas. Layon nito, ayon sa PNP chief, na tiyakin sa publiko na ligtas nilang maidaraos ang okasyon bilang pagtalima sa kanilang mandato. Binigyang-diin ni Marbil ang kaniyang… Continue reading Pinaigting na seguridad ng pulisya at pag-alalay sa publiko ngayong Undas, ipinag-utos ng PNP Chief

DPWH-E. Samar, sinimulan na ang Lakbay Alalay Program ngayong Undas

Muling nagpakalat ng mga tauhan ang Department of Public Works and Highways (DPWH)- ESDEO na tutulong sa mga motorista para sa paggunita ng Undas 2024. Sa panayam ng RP kay DPWH-ESDEO IO Engr. Eson Gatchalian Espeso Jayson Espeso, sinabi nito na ang motorist assistance program ng ahensya na tinaguriang “Lakbay Alalay” ay isinaaktibo at operational… Continue reading DPWH-E. Samar, sinimulan na ang Lakbay Alalay Program ngayong Undas

Mga taga-Luzon, pinayuhan ng OCD na planuhing maigi ang pagbiyahe ngayong Undas kasunod ng banta ng Super Bagyong Leon

Pinayuhan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko lalo na ang mga taga-Luzon na planuhing maigi ang kanilang biyahe ngayong Undas. Ito’y dahil sa inaasahang magiging maulan ang November 1 at 2 bunsod na rin ng epekto ng Super Bagyong Leon batay sa pagtaya ng PAGASA. Ayon kay NDRRMC Spokesperson, Director Edgar Posadas, kahit… Continue reading Mga taga-Luzon, pinayuhan ng OCD na planuhing maigi ang pagbiyahe ngayong Undas kasunod ng banta ng Super Bagyong Leon

Search and Rescue operations, paiigtingin pa ng AFP kasunod ng banta ng Super Bagyong Leon

Hindi tumitigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang search, rescue, at relief efforts sa mga lugar na pinadapa ng nagdaang bagyong Kristine. Ito ang inihayag ng AFP kasabay ng kanilang paghahanda sa Super Bagyong Leon na nagbabanta naman sa malaking bahagi ng Luzon partikular na sa Batanes. Ayon kay AFP Spokesperson, Col.… Continue reading Search and Rescue operations, paiigtingin pa ng AFP kasunod ng banta ng Super Bagyong Leon

Halos 8-M indibidwal, apektado ng bagyong Kristine at Super Typhoon Leon — DSWD

Lumobo pa sa dalawang milyong pamilya o katumbas ng 7.9 milyong indibidwal na apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine at ang umiiral pang Super Typhoon Leon ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Batay sa tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of 6am, aabot na sa 65,261 na… Continue reading Halos 8-M indibidwal, apektado ng bagyong Kristine at Super Typhoon Leon — DSWD

Byahe pa-Norte sa bus terminal sa Kamias, fully booked na

Maraming pasahero na ang maagang nagpareserba ng kanilang biyahe pa-Norte sa terminal ng Victory Liner sa Kamias, Quezon City. Simula pa kahapon ay fully booked na ang mga biyahe papunta ng Isabela, at Tuguegarao, Cagayan at hanggang mamayang alas-11:30pm. Gayunman, tumatanggap pa rin ito ng mga chance passenger. Kabilang rin ito sa nabigyan ng special… Continue reading Byahe pa-Norte sa bus terminal sa Kamias, fully booked na

13,000 integrated personnel na ipapakalat sa Davao City, handa na para sa Undas 2024

Handa na ang 13,136 integrated personnel na ide-deploy sa mga sementeryo at iba pang lugar ng pagtitipon sa Davao City para sa Undas 2024. Ito ang inihayag ni Davao City Public Safety and Security Office (PSSO) Head Angel Sumagaysay sa isinagawang Davao Peace and Security Press Corps Media Briefing sa The Royal Mandaya Hotel. Ayon… Continue reading 13,000 integrated personnel na ipapakalat sa Davao City, handa na para sa Undas 2024

LTO, magpapakalat din ng mga tauhan para sa Oplan Byaheng Ayos ngayong Undas

All set na rin ang Land Transportation Office (LTO) para sa pagtitiyak ng maayos, ligtas, at hassle-free na biyahe ng mga motorista ngayong Undas 2024. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, iniutos na rin nito ang pagde-deploy ng sapat na mga LTO personnel sa major thoroughfares para umalalay sa mga motorista at… Continue reading LTO, magpapakalat din ng mga tauhan para sa Oplan Byaheng Ayos ngayong Undas

Tulong pinansyal, ipinagkaloob ng ACT-CIS Party-list sa mga biktima ng bagyo sa Talisay, Batangas

Nagkasa rin ng outreach program ang ACT-CIS Party-list para naman sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Talisay, Batangas. Nasa ₱50,000 na tulong pinansyal ang iniabot sa San Guillermo Parish para makatulong sa mga sinalanta, maliban sa ilang food items gaya ng bigas. Iginiit ni House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo na tuloy-tuloy… Continue reading Tulong pinansyal, ipinagkaloob ng ACT-CIS Party-list sa mga biktima ng bagyo sa Talisay, Batangas