110,000 na mga automated counting machines, natapos na ng Miru System Company Limited 

Ibinalita ng Commission on Elections (COMELEC) na natapos na ng Miru System Company Limited ang paggawa sa 110,000 na ng automated counting machine na gagamitin sa 2025 Midterm Elections.  Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nasa Port of Busan na sa South Korea ang naturang mga makina at ito ay handa nang ibyahe patungo… Continue reading 110,000 na mga automated counting machines, natapos na ng Miru System Company Limited 

Signal no. 5, nakataas na sa Northern at Eastern portion ng Batanes dahil sa Bagyong Leon

Mapaminsala na ang dalang hangin at ulan ng Super Typhoon Leon habang papalapit ng Batanes. Sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 km East Northeast ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 240 km/h. TCWS No.… Continue reading Signal no. 5, nakataas na sa Northern at Eastern portion ng Batanes dahil sa Bagyong Leon

Walang Gutom: Food Stamp Program Redemption Day, Isinagawa sa Bayan ng Claver, Surigao del Norte

Maayos na isinagawa kahapon, October 29, ang Redemption Day ng Walang Gutom: Food Stamp Program na pinangunahan ni Mayor Georgia Gokiangkee para sa mga benepisyaryo sa bayan ng Claver, Surigao del Norte. Ito ang pangatlong beses na naipatupad ngayong taon ng pamahalaang lokal ng Claver. Sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na naglalaman… Continue reading Walang Gutom: Food Stamp Program Redemption Day, Isinagawa sa Bayan ng Claver, Surigao del Norte

Undas 2024, pinaghahandaan na ng PPA-Port Management Office Surigao

Nag-meeting na kahapon ang mga tauhan ng Philippine Port Authority-Port Management Office o PPA-PMO Surigao upang paghandaan ang posibleng pagdagsa ng mga pasahero patungo sa iba’t ibang destinasyon bilang pag-alala sa kanilang yumao na mahal sa buhay. Alinsunod sa kautusan ng PPA, mahigpit na ipatutupad ng PMO Surigao ang Oplan Byaheng Ayos. Napagkasunduan ang paglalagay… Continue reading Undas 2024, pinaghahandaan na ng PPA-Port Management Office Surigao

Valenzuela LGU, magpapadala ng search and rescue team sa Batangas

Tutulak patungong Batangas ang ilang tauhan ng Valenzuela City LGU para tumulong sa nagpapatuloy na Search and rescue at retrieval operations sa lalawigan. Sa pangunguna ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, nagsagawa na ang Valenzuela Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) ng strategic briefing para sa ikakasang rescue at retrieval assistance nito. Kabilang sa ide-deploy… Continue reading Valenzuela LGU, magpapadala ng search and rescue team sa Batangas

BATANELCO, inanunsyo na magpapatupad ng total power shutdown ang National Power Corporation dahil sa banta ng Bagyong Leon

Simula mamayang 12:00 ng tanghali ngayong araw na ito, Miyerkules, October 30, 2024, ay makakaranas ng pangkalahatang pagkawala ng suplay ng kuryente ang buong Batan Island dahil sa ipinatutupad ng NAPOCOR na total shutdown dulot ng patuloy na masungit na panahon na dala ng bagyong #LeonPh. Ayon sa advisory ng BATANELCO, ang pagpapatupad ng NAPOCOR… Continue reading BATANELCO, inanunsyo na magpapatupad ng total power shutdown ang National Power Corporation dahil sa banta ng Bagyong Leon

Ilang kalsada sa Manila North Cemetery, isasara na simula mamayang gabi

Nag-abiso na sa mga motorista ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagsasara ng mga kalsada simula mamayang alas-7 ng gabi hanggang November 3 para sa paggunita ng Undas.  Kabilang sa mga isasara na kalsada ay: Samantala, bukod sa mga isasarang kalsada, may rerouting din ng mga sasakyan.  Dahil sa pagsasara ng mga kalsada sa… Continue reading Ilang kalsada sa Manila North Cemetery, isasara na simula mamayang gabi

Malabon LGU, all set na para sa Undas 2024

Handa na ang Malabon City government para tiyaking magiging ligtas at mapayapa ang paggunita ng Undas sa lungsod. Ayon sa LGU, nasa 30,000 Malabueños ang inaasahang magtutungo sa mga sementeryo sa panahon ng Undas. Naka-standby naman na ang nasa 775 security at first responders sa pangunguna ng MDRRMO para magbigay ng assistance sa mga bibisita… Continue reading Malabon LGU, all set na para sa Undas 2024

Mahigit 1.6M na pasahero sa mga pantalan, inaasahan ng PPA sa paggunita ng Undas

Nakatakdang ipakalat ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanilang buong manpower sa darating na long weekend dahil mahigit 1.6 milyong pasahero ang inaasahang magsasama-sama sa mga daungan sa buong bansa para sa tradisyunal na pagdami ng mga biyahero para sa Undas. Inatasan ni PPA General Manager Jay Santiago ang mga pinuno ng departamento na tiyakin… Continue reading Mahigit 1.6M na pasahero sa mga pantalan, inaasahan ng PPA sa paggunita ng Undas

Tingog Party-list, nagkasa ng relief initiative para sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine at Carina sa Muntinlupa at San Juan

Nasa 859 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine ang naabutan ng tulong ng Tingog Party-list mula sa Bgry. Putatan sa Muntinlupa City. Katumbas nito ang 2,875 indibidwal na nakatangaap ng relief packs na naglalaman ng essential supplies gaya ng pagkain. Mismong si Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang nanguna sa pamamahagi ng tulong. Sinundan naman… Continue reading Tingog Party-list, nagkasa ng relief initiative para sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine at Carina sa Muntinlupa at San Juan