PH Competition Commission at National Fisheries and Aquatic Resources Management Council, nagkaroon ng dayalogo para sa patakaran ng importasyon ng isda

Nagsagawa ng dayalogo ang  Philippine Competition Commission (PCC) at National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC)  upang pag-usapan ang findings ng competition impact assessment  hinggil sa regulasyon sa importasyon ng isda. Ayon sa PCC, posibleng may mga concerns sa kompetisyon sa pagpapatupad ng dalawangFisheries Administrative Order (FAO) na nagtatakda ng mahigpit na alituntunin sa pag-aangkat ng sariwa,… Continue reading PH Competition Commission at National Fisheries and Aquatic Resources Management Council, nagkaroon ng dayalogo para sa patakaran ng importasyon ng isda

Paglilinis ng mga puntod sa sementeryo sa Navotas, hanggang bukas na lang

Nagpaalala ang Navotas LGU na hanggang bukas na lang, October 30, ang huling araw ng paglilinis ng mga puntod sa sementeryo sa lungsod. Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga bibisita sa Navotas Public Cemetery at NavoHimlayan Crematorium and Columbarium ngayong Undas. Ayon sa pamahalaang lungsod, isasara na rin ang Gov. Pascual Street,… Continue reading Paglilinis ng mga puntod sa sementeryo sa Navotas, hanggang bukas na lang

Ilang pamilya, maagang bumisita sa Bagbag Public Cemetery

May paisa-isa nang nagtutungo sa Bagbag Public Cemetery para maagang bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Isa rito ang pamilya ni Junior na binisita ngayong umaga ang kanyang namayapang anak na kakatapos lang din ng kaarawan. Sa tala naman ng Bagbag Cemetery, mayroong 3,553 katao ang bumisita sa sementeryo kahapon. Sa abiso naman… Continue reading Ilang pamilya, maagang bumisita sa Bagbag Public Cemetery

18,000 pulis, ipakakalat ng PNP sa darating na Undas

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa darating na Undas sa Biyernes, November 1. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, mahigit 18,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa iba’t ibang himlayan sa buong bansa para umalalay sa publiko na gugunitain ang kanilang mga… Continue reading 18,000 pulis, ipakakalat ng PNP sa darating na Undas

38 electric coops, apektado pa rin ng bagyong Kristine

Mayroon pang 38 electric cooperatives (ECs) sa bansa ang nananatiling apektado ng hagupit ng bagyong Kristine batay sa pinakahuling tala ng National Electrification Administration (NEA). Ayon sa NEA, 28 ECs pa ang patuloy na nagpapatupad ng partial power interruptions. Ang ilan namang kooperatiba ay hirap pang makabalik sa normal na operasyon, kabilang ang CENPELCO, ISELCO… Continue reading 38 electric coops, apektado pa rin ng bagyong Kristine

Mga jeepney driver, di naitago ang pagkadismaya sa panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis

Dismayado ang mga jeepney driver sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, inilarawan ng mga tsuper ng jeepney na pasakit ang panibagong oil price hike lalo pa’t ngayon pa lamang sila nakababawi mula sa nakalipas na mga rollback. Anila hindi napapanahon ang panibagong… Continue reading Mga jeepney driver, di naitago ang pagkadismaya sa panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis

DA-Bicol, nagpatupad ng hakbang matapos magdulot ng P2.1-B pinsala ang bagyong Kristine

Tinatayang aabot sa P2.1 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura ang iniwan ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine sa rehiyon ng Bicol, ayon sa Department of Agriculture – Bicol. Mahigit 37,795 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo na nagdulot ng matinding pinsala sa mga pananim, alagang hayop, at imprastrukturang pang-agrikultura. Ayon sa ulat… Continue reading DA-Bicol, nagpatupad ng hakbang matapos magdulot ng P2.1-B pinsala ang bagyong Kristine

Economic managers, nakipagpulong sa matataas na opisyal ng int’l credit rating agencies upang isulong ang target na pagtaas ng credit rating ng bansa

Nakipagpulong sina Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona sa matataas na opisyal ng international credit rating agencies. Nagbigay ng pinakabagong update ang economic managers  tungkol sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipias at plano para sa  fiscal consolidation. Layon din ng pulong na isulong ang… Continue reading Economic managers, nakipagpulong sa matataas na opisyal ng int’l credit rating agencies upang isulong ang target na pagtaas ng credit rating ng bansa

Mandatory evacuation, ipinag-utos ni Defense Sec. Teodoro kasunod ng banta ng bagyong Leon; DILG, agad pinakilos ang mga lokal na pamahalaan

Naglabas ng direktiba si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. hinggil sa pagsasagawa ng mandatory evacuation kasunod ng banta ng paparating na bagyong Leon sa bansa. Ginawa ni Teodoro ang direktiba bilang chairperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) partikular na sa mga tukoy nang lugar na daraanan ng bagyo. Bilang pagtugon naman,… Continue reading Mandatory evacuation, ipinag-utos ni Defense Sec. Teodoro kasunod ng banta ng bagyong Leon; DILG, agad pinakilos ang mga lokal na pamahalaan

Higit 700,000 family food packs, naipamahagi na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Kristine

Walang tigil pa rin ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang labis na hinagupit ng bagyong Kristine. Sa pinakahuling tala ng DSWD, umabot na sa higit ₱364-million ang naipaabot nitong tulong sa mga apektado ng kalamidad. Nasa kabuuang 712,948 kahon na rin ng family food packs (FFPs) ang… Continue reading Higit 700,000 family food packs, naipamahagi na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Kristine