753 bus units, nabigyan na ng special permit ng LTFRB para makabyahe sa Undas

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 272 special permit sa mga bibiyaheng pampasaherong bus sa darating na Undas 2024. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, ang ibinigay na 272 special permit ay para sa 753 bus units. Inaasahan pang tataas ang bilang na ito dahil mas maraming operator ang… Continue reading 753 bus units, nabigyan na ng special permit ng LTFRB para makabyahe sa Undas

Bilang ng mga nagsilikas sa Marikina City, pumalo sa 10,000 — LGU

Aabot sa mahigit 10,000 residente ng Marikina City ang lumikas matapos umapaw ang Marikina River kaninang madaling araw. Batay ito sa datos ng pamahalaang lungsod kasunod ng pagsasailalim sa ikalawang alarma sa ilog dakong alas-4 ng umaga kanina. Mula sa nasabing bilang, mahigit 2,000 rito ang pansamantalang tumuloy sa Malanday Elementary School na siyang pinakamalaking… Continue reading Bilang ng mga nagsilikas sa Marikina City, pumalo sa 10,000 — LGU

P4.12 million na halaga ng tulong, ipinaabot ng DSWD at LGU sa apektado ng bagyong Kristine sa Western Visayas

Umabot na sa P4.12 milyon ang halaga ng tulong na ipinaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 6 at mga lokal na pamahalaan (LGU) para sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kristine sa Western Visayas. Sa pinakahuling DROMIC report ng DSWD 6, P2.8 milyon sa naturang tulong ang nagmula sa kanilang ahensya. Dagdag… Continue reading P4.12 million na halaga ng tulong, ipinaabot ng DSWD at LGU sa apektado ng bagyong Kristine sa Western Visayas

Mga rescuers, pinasalamatan ng House Speaker sa kanilang pagseserbisyo

Nagpaabot ng pasasalamat si Speaker Martin Romualdez sa mga magigiting na mga rescuer na abala sa pagbibigay serbisyo mula nang tumama ang bagyong Kristine. Kinilala niya ang sakripisyo ng mga rescuers na sa kabila ng hirap at panganib, ay patuloy na tumutulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyo. “Saludo kami sa… Continue reading Mga rescuers, pinasalamatan ng House Speaker sa kanilang pagseserbisyo

Pamahalaang Lungsod ng Maynila, nagpadala na rin ng mga rescuers sa Bicol Region

Tumulak na patungong Bicol Region ang 14-man Team ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office para tumulong sa ginagawang search and rescue operations matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine. Ito’y matapos ipag-utos ni Mayor Honey Lacuna Pangan ang pagde-deploy ng mga tauhan ng CDRRMO sa nasabing rehiyon. Bukod sa mga rescuers, may ipinadala ring… Continue reading Pamahalaang Lungsod ng Maynila, nagpadala na rin ng mga rescuers sa Bicol Region

Rubberboats, iba pang water rescue equipment mula kay Speaker Romualdez naipadala na sa Bicol

Nasa 20 rubberboats na may Yamaha outboard motors ang ipinadala sa Bicol Region ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co. Ipapagamit aniya mga rubberboats sa iba’t ibang ahensya tulad ng 49IBD, PNP Maritime Group, PCG, LGU, at NAVFORSOL para makatulong sa mga water rescue operations sa Bicol Region na lubog sa baha dahil sa… Continue reading Rubberboats, iba pang water rescue equipment mula kay Speaker Romualdez naipadala na sa Bicol

Bilang ng evacuees sa Valenzuela, nasa higit 400

Aabot sa higit 400 residente sa Valenzuela ang nananatili sa mga evacuation site dahil sa pagbaha na idinulot ng bagyong Kristine. Katumbas pa ito ng 150 na pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa anim na evacuation centers sa lungsod. Pinakamarami ang nananatili sa Valenzuela National High School sa Brgy. Marulas na aabot sa 87 pamilya o… Continue reading Bilang ng evacuees sa Valenzuela, nasa higit 400

Antas ng tubig sa Ilog Marikina, ibinaba na sa unang alarma

Ibinaba na ng Marikina City Rescue 161 sa unang alarma ang antas ng alerto sa Ilog Marikina. Ito’y makaraang bumaba na sa 15.8 meters ang lebel ng tubig sa ilog dakong alas-5 ng umaga. Bago iyan, umabot sa Ikalawang Alarma ang alerto sa ilog matapos sumampa sa 16 meters ang lebel ng tubig dito. Magdamag… Continue reading Antas ng tubig sa Ilog Marikina, ibinaba na sa unang alarma

Mga nagsilikas sa Malanday Elementary School sa Marikina City, isa-isa nang nag-uuwian sa kanilang mga tahanan

Unti-unti nang nagsisi-uwian ang ilang mga residente na nagsilikas sa Brgy. Malanday sa Marikina City matapos umapaw ang tubig sa Marikina River bunsod ng magdamag na pag-ulang dala ng bagyong Kristine. Aabot sa 441 pamilya o katumbas ng 2,423 na indibiduwal ang lumikas matapos umapaw ang Marikina River kasunod ng magdamag na pag-ulan. Maliban sa… Continue reading Mga nagsilikas sa Malanday Elementary School sa Marikina City, isa-isa nang nag-uuwian sa kanilang mga tahanan

Lebel ng tubig sa Marikina River, unti-unti nang bumababa

Nananatili pa rin sa unang alarma ang antas ng alerto sa Marikina River matapos bumaba na mula bulubunduking bahagi ng Rizal ang ulang dala ng bagyong Kristine. Batay sa ulat ng Marikina City Rescue 161 as of 8AM, bumalik sa 15.4 meters ang lebel ng tubig sa naturang ilog. Una rito, itinaas sa ikalawang alarma… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, unti-unti nang bumababa