Ilang residente sa QC, inilikas na kasunod ng mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine

Agad nagkasa ng rescue efforts ang mga tauhan ng Quezon City Urban Search and Rescue team sa Brgy. Roxas matapos abutin ng mataas na baha dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine. Nasa 28 pamilya o katumbas 112 individwal ang inilikas na karamihan ay na-trap sa kanilang mga tahanan kaninang madaling araw. Dinala ang… Continue reading Ilang residente sa QC, inilikas na kasunod ng mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine

Lawak ng pinsala sa mga kabahayan sa Masbate dahil sa bagyong Kristine, inaalam na

Nanawagan ngayon si Masbate 3rd District Representative Tonton Kho sa mga barangay captain sa kaniyang distrito na makipag-ugnayan sa kaniyang tanggapan ukol sa mga nasirang bahay at ari-arian dahil sa bagyong Kristine. Sa paraang ito, mabilis aniya na mave-verify ng mga opisyal ng barangay ang lawak ng pinsala at matukoy ang halaga ng assistance na… Continue reading Lawak ng pinsala sa mga kabahayan sa Masbate dahil sa bagyong Kristine, inaalam na

Genset, idineploy ng Ako Bicol sa ilang barangay na apektado ng bagyo para sa libreng charging ng telepono at ilaw

Nag-deploy ng ilang generator set ang Ako Bicol Party-list sa mga barangay na apektado ng bagyong Kristine. Isa dito ay sa Barangay San Roque sa Malilipot sa Albay. Ito ay para mabigyang pagkakataon ang ilan sa mga apektadong residente doon na makapag-charge ng kanilang mga cellphone pati na rechargeable fans at lamps. Mayroon ding ipinadalang… Continue reading Genset, idineploy ng Ako Bicol sa ilang barangay na apektado ng bagyo para sa libreng charging ng telepono at ilaw

11 barangay sa Tagkawayan, Quezon, apektado ng bagyong Kristine, tubig-baha umabot ng lampas-tao dahil sa walang tigil na pag-ulan

Umabot ng lampas-tao ang tubig-baha na naranasan sa kabayanan ng Tagkawayan, Quezon dahil sa walang-tigil na pag-ulan simula pa kahapon dahil sa bagyong Kristine. Sa panayam ng RP1 Lucena kay Ginoong Reden De Villa, PIO ng Tagkawayan Quezon, pinaka-apektado sa 11 barangay ay ang Brgy. Payapa, Highway Zone at Tabason kung saan nag-mistulang dagat ang… Continue reading 11 barangay sa Tagkawayan, Quezon, apektado ng bagyong Kristine, tubig-baha umabot ng lampas-tao dahil sa walang tigil na pag-ulan

NFA, handang magsuplay ng bigas sa mga maapektuhan ng bagyong Kristine

Tiniyak ngayon ng National Food Authority (NFA) na may handa itong sapat na suplay ng bigas para sa emergency at relief operations ng mga lalawigang nakararanas ng epekto ng Bagyong Kristine. Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, inatasan na nito ang lahat ng regional office na maging alerto para sa anumang request ng mga apektadong… Continue reading NFA, handang magsuplay ng bigas sa mga maapektuhan ng bagyong Kristine

DHSUD shelter teams, pinakilos na sa mga lugar na daraanan ng bagyong Kristine

Inactivate na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga regional shelter cluster team sa mga lugar na daraanan ng bagyong Kristine. Bahagi ito ng proactive measure ng ahensya upang masiguro ang agarang pagtugon at pagbibigay tulong sa mga apektado ng bagyo. Kabilang sa mga activated shelter clusters ang Ilocos Region (RO1),… Continue reading DHSUD shelter teams, pinakilos na sa mga lugar na daraanan ng bagyong Kristine

Mahigit 300,000 indibidwal, apektado ng bagyong Kristine — NDRRMC

Aabot na sa mahighit 77,000 pamilya o mahigit 382,000 indibiduwal ang apektado ng bagyong Kristine. Batay ito sa 8am update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Mahigit 3,000 pamilya o mahigit 12,000 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa may 306 evacuation centers. Nagmula ang mga apektado sa mga rehiyon ng Bicol, Western Visayas,… Continue reading Mahigit 300,000 indibidwal, apektado ng bagyong Kristine — NDRRMC

Convoy sakay si Pastor Apollo Quiboloy, inilabas ng PNP Custodial Center sa Kampo Crame

Ganap na alas-8:38 ng umaga, inilabas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Kampo Crame ang convoy kung saan pinaniniwalaang sakay si Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy. Patungong Senado ang convoy na kinabibilangan ng apat na sasakyan kung saan sinasabing sakay si Quiboloy kasama ang isang ambulansya mula sa PNP General Hospital.… Continue reading Convoy sakay si Pastor Apollo Quiboloy, inilabas ng PNP Custodial Center sa Kampo Crame

Rep. Nograles, hinikayat si Davao Rep. Duterte na sabay na magpa-drug test ngayong araw

Sumagot si PBA Party-list Representative Migs Nograles sa panawagan ni Davao City Representative Paolo Duterte na magpa-hair follicle drug test. Sa isang pahayag sinabi ni Rep. Duterte na noong Agosto ay sumailalim na siya sa pagsusuri na may negatibong resulta ngunit handang magpa-test muli. Ito aniya ay para sa kanilang kapakanan at para matiyak na ang… Continue reading Rep. Nograles, hinikayat si Davao Rep. Duterte na sabay na magpa-drug test ngayong araw

Modular tents, ipinamahagi ng Pasig LGU bilang paghahanda sa bagyong Kristine

Namahagi ng mga modular tent ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa may 30 barangay sa lungsod. Ito’y bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa posibleng pagkakasa ng preemptive evacuation sakaling lumala ang sitwasyon dulot ng bagyong Kristine. Ayon sa Pasig LGU, patuloy na pinalalakas nito ang kakayahan ng mga barangay sa pagtugon sa anumang emergency gayundin… Continue reading Modular tents, ipinamahagi ng Pasig LGU bilang paghahanda sa bagyong Kristine