Signal no. 1, nakataas sa ilang lugar sa bansa dahil sa banta ng bagyong Kristine

Nasa ilalim ngayon ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang lugar sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kristine. Batay sa 5am weather bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng Signal no. 1 ang: LuzonCatanduanes VisayasNortheastern portion ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Catubig, Lapinig) at northeastern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche,… Continue reading Signal no. 1, nakataas sa ilang lugar sa bansa dahil sa banta ng bagyong Kristine

Ministry of Social Services and Development, namahagi ng tulong pinansyal sa mga ulila sa bayan ng Sitangkai, Tawi-Tawi

Pinangunahan ng tanggapan ng Ministry of Social Services and Development sa Sitangkai ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga ulila. Ito ay mula sa Programang Kupkop ng naturang tanggapan, na layuning matulungan ang mga batang maralita at ulila sa rehiyong BARMM. Nasa 17 ulila ang naging benepisyaryo sa nasabing bayan, at bawat isa ay tumanggap… Continue reading Ministry of Social Services and Development, namahagi ng tulong pinansyal sa mga ulila sa bayan ng Sitangkai, Tawi-Tawi

Caloocan LGU, naglabas na ng gabay para sa ligtas na paggunita ng Undas 2024

Dalawang linggo bago ang Undas ay naglabas na rin ang Caloocan City government ng ilang paalala para sa mga bibisita sa mga pampublikong sementeryo sa lungsod. Ayon sa LGU, papayagan ang paglilinis at pagpipintura ng mga puntod hanggang sa October 29 lamang. Habang ang iskedyul naman sa pagbisita sa mga sementeryo sa lungsod ay mula… Continue reading Caloocan LGU, naglabas na ng gabay para sa ligtas na paggunita ng Undas 2024

Isa pang opisyal ng DepEd, inamin na nakatanggap ng envelope na may lamang pera

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Good Government, humarap si Atty. Resty Osias na naitalaga bilang direktor sa Department of Education (DepEd) noong panahong kalihim nito si Vice President Sara Duterte. Pagbabahagi ni Osias sa komite, nakatanggap siya ng apat na envelope mula Abril hanggang Setyembre ng 2023. Naglalaro aniya ang halaga nito sa ₱12,000… Continue reading Isa pang opisyal ng DepEd, inamin na nakatanggap ng envelope na may lamang pera

DSWD, nagbigay ng financial assistance sa mga inilikas na OFW sa Lebanon

Agad na nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 45 Overseas Filipino Workers (OFWs) na iniuwi sa bansa dahil sa patuloy na kaguluhan sa Lebanon. Kasama si DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa mga opisyal na sumalubong sa pagbabalik bansa ng repatriated OFWs sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal… Continue reading DSWD, nagbigay ng financial assistance sa mga inilikas na OFW sa Lebanon

Kilalang publisher na si Dante Ang, itinalaga ni PBBM bilang chairperson ng Commission on Filipino Overseas

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publisher na si Dante Francis Mariano Ang ll bilang chairperson ng Commission on Filipino Overseas. Lumabas ang appointment papers ni Ang na may petsang October 16 at may lagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang chairperson ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ay may tungkuling pangasiwaan… Continue reading Kilalang publisher na si Dante Ang, itinalaga ni PBBM bilang chairperson ng Commission on Filipino Overseas

Bulkang Taal, muling nagtala ng minor phreatic eruption

Mahigpit pa ring binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng Bulkang Taal sa Batangas. Sa inilabas na bulletin ng PHIVOLCS, may naitalang maliit na phreatic eruption sa bulkan sa nakalipas na 24-oras at tumagal ito ng walong minuto. Umabot naman sa 1,577 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre… Continue reading Bulkang Taal, muling nagtala ng minor phreatic eruption

Presyo ng bigas, luya, bumaba sa unang bahagi ng Oktubre — PSA

Bumaba ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Oktubre batay yan sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, na-monitor ang pagbaba ng presyo ng bigas partikular ang special rice na mula sa ₱64.17 kada kilo noong Setyembre ay nasa ₱63.88 kada kilo… Continue reading Presyo ng bigas, luya, bumaba sa unang bahagi ng Oktubre — PSA

₱9-B pondo para sa palay procurement ng NFA, kasado na — DA

Tiyak na ang pondo para sa tuloy-tuloy na pagbili ng palay ng National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka sa nalalabing bahagi ng taon. Ito’y matapos na ma-secure ng Department of Agriculture (DA) ang natitirang ₱9 na bilyong pondo para sa palay procurement. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., makatutulong ang pondong ito para… Continue reading ₱9-B pondo para sa palay procurement ng NFA, kasado na — DA

BFAR, tiniyak ang sapat na suplay ng isda sa kabila ng papalapit na closed fishing season

Siniguro ng Bureau of Fisheried and Aquatic Resources (BFAR) na mananatiling sapat ang suplay ng isda sa bansa sa kabila ng papalapit na namang closed fishing season. Ayon kay BFAR Spokesperon Nazarip Briguera, magsisimula na sa Nobyembre ang tatlong buwan na ‘closed fishing season’ sa Palawan. Wala naman aniyang dapat ipag-alala ang consumers dahil may… Continue reading BFAR, tiniyak ang sapat na suplay ng isda sa kabila ng papalapit na closed fishing season