Masayang salo-salo at gift-giving, isinagawa ng DSWD sa iba’t ibang center and residential care facilities sa bansa

Muling nagsagawa ng taunang Year-End Party ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) sa bansa. Ito ay upang magbigay ng saya at ngiti sa mga residente at kinukupkop ng mga CRCF ng DSWD. Ayon sa DSWD, sa simpleng selebrasyong ito, nakatanggap din ng regalo ang… Continue reading Masayang salo-salo at gift-giving, isinagawa ng DSWD sa iba’t ibang center and residential care facilities sa bansa

Isang NCR District Office Head, pinagpapaliwanag ni LTO Chief Mendoza sa umano’y pandaraya sa rehistro ng isang trak na nasangkot sa aksidente sa Parañaque

Inatasan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na magpaliwanag ang isang District Office head ng Metro Manila kaugnay ng umano’y pandarayang naganap sa pagpaparehistro ng isang trak na nasangkot sa isang malagim na aksidente sa Parañaque City noong December 6. Matatandaang nagresulta sa karambola ng mga sasakyan ang pagkasira… Continue reading Isang NCR District Office Head, pinagpapaliwanag ni LTO Chief Mendoza sa umano’y pandaraya sa rehistro ng isang trak na nasangkot sa aksidente sa Parañaque

Sen. Zubiri, umaasang natugunan na ng Malacañang ang mga kinuwestiyong item sa 2025 budget bill

Umaasa si Senador Juan Miguel Zubiri na natugunan at naitama na ng Malacañang ang ilang kwestiyonableng probisyon sa panukalang 2025 budget na isinumite ng Kongreso para maiwasan na may mag-akyat dito sa Korte Suprema. Matatandaang naka-schedule nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2025 General Appropriations Act (GAA) sa December 30. Ayon kay… Continue reading Sen. Zubiri, umaasang natugunan na ng Malacañang ang mga kinuwestiyong item sa 2025 budget bill

PAGASA, naglabas ng heavy rainfall warning kaugnay ng shear line

Bunsod ng epekto ng shear line ay nagpalabas ng Heavy Rainfall Warning ang PAGASA sa ilang lugar sa Luzon. As of 8am, nasa ilalim ng Yellow Warning ang mga lalawigan ng Quezon, Laguna, at Batangas kung saan pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagbaha. Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Nueva Ecija,… Continue reading PAGASA, naglabas ng heavy rainfall warning kaugnay ng shear line

Sen. Bong Go, nagpaalala sa lahat na alagaan ang kalusugan ngayong Kapaskuhan

Nagpaalala si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ sa bawat Pamilyang Pilipino na dapat ay alagaan ang kalusugan sa panahon ng Pasko. Aminado si Go na ang Pasko ay panahon ng pagtitipon-tipon, pagbibigayan at kabi-kabilang handaan pero hindi aniya dapat maisantabi ang kalusugan. Naniniwala ang senador na mainam na paraan para ipagdiwang ang… Continue reading Sen. Bong Go, nagpaalala sa lahat na alagaan ang kalusugan ngayong Kapaskuhan

Pagbibigay ng 13th-Month Pay, isa ring moral obligation ng mga employer — Sen. Jinggoy Estrada

Binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi lang basta ligal na obligasyon, kundi isang moral obligation rin ng mga employer ang pagbibigay ng 13th-month pay ng kanilang mga manggagawa. Ayon kay Estrada, nararapat lang itong ibigay bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa trabaho. Malinaw rin aniyang karapatan ng mga manggagawa na makatanggap… Continue reading Pagbibigay ng 13th-Month Pay, isa ring moral obligation ng mga employer — Sen. Jinggoy Estrada

Ligtas na pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon, tiniyak ng DILG

Kaisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagdiriwang ng bawat mamamayan ng isang masaganang Kapaskuhan at mabiyayang Bagong Taon. Sa isang pahayag, nagpasalamat si DILG Secretary Jonvic Remulla sa bawat isang Pilipinong na naging parte ng mga nakamit na tagumpay ngayong taon sa kabila nang hindi mabilang na pagsubok at unos… Continue reading Ligtas na pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon, tiniyak ng DILG

Quinta Committee, binigyang-diin ang kahalagahan ng irigasyon bilang pangmatagalang solusyon sa pagpapababa ng presyo ng bigas

Natukoy sa pinakahuling pagdinig ng Murang Pagkain Super Committee ng Kamara na singkwenta sentimos lang ang ibinaba sa presyo ng bigas matapos ibaba ang taripa sa imported rice. Kaya naman nangako si Albay Representative Joey Salceda, overall chair ng komite, na papanagutin ang mga mapagsamantalang business entities. Ngunti higit aniya sa pagsasampa ng kaso, mahalagang… Continue reading Quinta Committee, binigyang-diin ang kahalagahan ng irigasyon bilang pangmatagalang solusyon sa pagpapababa ng presyo ng bigas

Karagdagang food packs, ipinadala sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Kahit ngayong holiday season, patuloy na nakatutok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga komunidad na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon. Ayon sa DSWD, karagdagan pang 7,592 kahon ng family food packs (FFPs) ang inihatid ng DSWD Field Office Caraga sa Bacolod Warehouse. Karagdagang suporta ito sa mga komunidad na apektado… Continue reading Karagdagang food packs, ipinadala sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Higit 200,000 indibidwal, apektado ng shearline — DSWD

Sumampa na sa 55,254 na pamilya o higit sa 200,000 indibidwal na apektado ng mga pag-ulang dala ng shearline ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Western at Eastern Visayas. Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, mayroon… Continue reading Higit 200,000 indibidwal, apektado ng shearline — DSWD