National Action Plan sa El Niño, isasapinal ngayong araw

Inaasaahang maisasapinal ngayong araw ang National Action Plan for El Niño na tutugon sa mga epekto ng matinding tagtuyot sa bansa. Ito’y sa isasagawang pagpupulong ngayong umaga ng National El Niño Team na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Office of Civil Defense sa Camp Aguinaldo. Ang pagpupulong ay pangungunahan ni… Continue reading National Action Plan sa El Niño, isasapinal ngayong araw

Maharlika Investment Fund law, malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas — Sen. Mark Villar

Pinuri ni Senador Mark Villar ang napapanahong pagpirma bilang ganap na batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund (MIF) law o ang Republic Act 11954. Ayon kay Villar, ang pagkakapirma ng Maharlika Law ay nagpapakita na ang pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa ang isa sa mga pangunahing prayoridad ng Marcos… Continue reading Maharlika Investment Fund law, malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas — Sen. Mark Villar

Brownout sa mga sakop ng MORE sa Iloilo, nabawasan ng 90%

Bumaba ng 90 porsyento ang power interruption sa Iloilo City. Ayon kay MORE Power President Roel Castro, kasunod na din ito ng kanilang ipinatupad na modernization efforts mula ng hawakan nila ang power distribution sa lungsod. Nasa ₱1.5 bilyong piso na aniya ang kanilang na-invest para sa modernization ng kanilang power distribution facilities. Malaki aniya… Continue reading Brownout sa mga sakop ng MORE sa Iloilo, nabawasan ng 90%

7,612 na narekober na armas, winasak ng PNP

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagwasak ng 7,612 captured, confiscated, surrendered, deposited, abandoned, and forfeited firearms (CCSDAF) sa Camp Crame. Bahagi ito ng “demilitarization” ng nasabing mga armas para masiguro na hindi na magagamit ang mga ito sa hindi magandang paraan. Ang aktibidad kahapon na pinangasiwaan ng Logistics… Continue reading 7,612 na narekober na armas, winasak ng PNP

11 opisyal ng PNP, binalasa

Muling nagpatupad ng balasahan sa hanay ng mga senior police officials si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. Sa pinakabagong unit reassignment na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Police Major General Robert Rodriguez, limang heneral at anim na koronel ang nabigyan ng mga bagong pwesto. Kabilang sa mga heneral… Continue reading 11 opisyal ng PNP, binalasa

Maharlika Investment Fund, daan para magamit ang trilyong pisong investible funds sa development programs ng bansa

Magsisilbing tulay ang Maharlika Investment Fund para mapunan ang kakulangan sa pondo para maipatupad ang iba’t ibang developmental projects sa bansa. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, tinatayang nasa ₱19-na trilyong piso ang investible funds na umiikot sa ating banking system habang may ₱5.7-trillion na savings naman ang ilan sa pinakamalalaking kompanya… Continue reading Maharlika Investment Fund, daan para magamit ang trilyong pisong investible funds sa development programs ng bansa

Embahada ng Pilipinas sa Italy, nagbigay paalala sa OFWs na mag-ingat sa matinding init dulot ng heat wave

Nagbigay paalala ang Embahada ng Pilipinas sa Italy sa mga overseas Filipino worker (OFW) na mag-ingat sa heat wave dahil sa labis na init ng panahon na kanilang nararanasan sa naturang bansa. Sa inilabas na abiso ng Italian Ministry of Health na ilang lungsod sa Italya ang nakataas sa red alert level kung saan pumapalo… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Italy, nagbigay paalala sa OFWs na mag-ingat sa matinding init dulot ng heat wave

7 transport groups, nangakong di makikilahok sa tigil-pasada sa July 24 — MMDA

Nangako ang nasa pitong transport groups sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi makikiisa sa tatlong araw na tigil-pasada na nakakasa sa July 24 hanggang July 26 na pangungunahan ng grupong Manibela. Ito ang naging pahayag ng grupo sa kanilang naging pagpupulong kasama si MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, at General Manager Undersecretary… Continue reading 7 transport groups, nangakong di makikilahok sa tigil-pasada sa July 24 — MMDA

Makati City Mayor Binay, nanawagan sa lungsod ng Taguig na pag-ingatan ang 10 barangay

Nanawagan si Makati City Mayor Abby Binay sa Taguig City government na pag-ingatan ang mga residenteng nakapaloob sa 10 barangay na ililipat na ang pamamahala sa lungsod ng Taguig. Sa kanyang naging mensahe sa isang video message kahapon sinabi ng alkalde na bagamat hinihintay na lamang nila ang kopya ng naging desisyon ng Korte Superma… Continue reading Makati City Mayor Binay, nanawagan sa lungsod ng Taguig na pag-ingatan ang 10 barangay

Mga empleyado ng COMELEC na mabibigong ma-liquidate ang ₱700 million na cash advances, kakasuhan ng Komisyon

Hindi magdadalawang-isip ang Commission on Elections (COMELEC) na kasuhan nito ang sariling mga empleyado na mabibigo na ma-liquidate ang natitirang mga cash advances na umaabot sa ₱700 million. Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, spokesperson ng COMELEC, inatasan na ng komisyon ang kanilang mga empleyado na tapusin na ang liquidation sa lalong madaling panahon. Matatandaan… Continue reading Mga empleyado ng COMELEC na mabibigong ma-liquidate ang ₱700 million na cash advances, kakasuhan ng Komisyon