Mga malalaking negosyante sa agrikultura, tutulong sa mga maliliit na magsasaka — Private Advisory Council Joey Concepcion

Sa harap ng pagsisikap ng Marcos administration na maiangat ang mga magsasaka sa bansa, inihayag ni Private Advisory Council Joey Concepcion na may inilatag na programa ukol sa Pinoy farmers upang maging maliit na entrepreneurs. Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Concepcion na sa pamamagitan ng KALAP Program o Kapatid Angat Lahat Agri Program… Continue reading Mga malalaking negosyante sa agrikultura, tutulong sa mga maliliit na magsasaka — Private Advisory Council Joey Concepcion

Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pagbati sa PH team na mga kabataang lumahok sa Thailand Int’l Mathematical Olympiad 2023

Malugod na nagpaabot ng kanyang congratulations si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kabataang bumubuo ng Onsite Philippine Team. Ito ang mga kabataang nakilahok sa International Mathematical Olympiad 2023 Final Round na ginawa sa Thailand. Ayon sa Pangulo, kahanga-hanga ang nasabing achievement ng nabanggit na mga kabataan. Sa gitna aniya ng kanilang murang edad… Continue reading Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pagbati sa PH team na mga kabataang lumahok sa Thailand Int’l Mathematical Olympiad 2023

AFP, suportado ang desisyon ng Pangulo sa 4 na karagdagang EDCA sites

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtakda ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. Ang mga ito ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac… Continue reading AFP, suportado ang desisyon ng Pangulo sa 4 na karagdagang EDCA sites

Visayas Command, handang protektahan ang mga testigo sa iba pang kaso ng pagpatay sa Negros Oriental

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo ang kahandaan ng militar na bigyan ng proteksyon ang mga testigo sa iba pang kaso ng pagpatay sa Negros Oriental. Ang pagtiyak ni Lt. Gen. Arevalo ay kasunod ng pahayag ng abogado ng pamilya ng pinaslang na Negros Oriental… Continue reading Visayas Command, handang protektahan ang mga testigo sa iba pang kaso ng pagpatay sa Negros Oriental

Tumataas na kaso ng karahasan sa mga komunidad, ikinaalarma ng CHR

???????? ?? ???? ?? ????????? ?? ??? ?????????, ??????????? ?? ??? Nababahala ngayon ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga napaulat na sunod-sunod na karahasan sa mga komunidad. Kabilang dito ang pagkamatay ng isang barangay councilor sa Sta. Maria, Bulacan at pati ang pagkasawi ng college student na si Leanne Duguesing na pinagsasaksak sa… Continue reading Tumataas na kaso ng karahasan sa mga komunidad, ikinaalarma ng CHR

Malabon LGU, nag-deploy ng response team, mga ambulansya ngayong Semana Santa

Handa na ang Malabon local government na umalalay sa mga biyahero at mga mananampalataya ngayong Semana Santa. Ayon sa LGU, nag-deploy na ito ng anim na ambulansya sa F. Sevilla Boulevard, San Agustin, Hulong Duhat Plaza, Francis Intersection, at Potrero Malabon Action Center upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency cases lalo na sa mga… Continue reading Malabon LGU, nag-deploy ng response team, mga ambulansya ngayong Semana Santa

NAIA Terminal 3, nananatiling maayos ngayong Martes Santo

Sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nananatiling maayos ang sitwasyon sa mga paliparan. Sa NAIA Terminal 3 hindi naiipon ang mga pasahero kasunod ng ginagawang intervention ng Manila International Airport Authority (MIAA). Kabilang na dito ang pagtanggal ng X-RAY machine sa entrance ng Airport at pagkikipag-ugnayan sa… Continue reading NAIA Terminal 3, nananatiling maayos ngayong Martes Santo

Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Arestado ang isang lalaki na nanakit sa kanyang asawa at anak sa Quezon City. Ayon kay Police Captain Jeff Tuyo, deputy station commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, sinuntok niya umano sa tiyan ang kanyang misis at nagkaroon ng alitan dahil sa nabasang text message mula sa cellphone ng biktima. Dahil sa… Continue reading Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Manila Water, tiniyak ang 24/7 na suplay ng tubig ngayong Semana Santa

Siniguro ng Manila Water na mananatiling sapat ang suplay ng tubig para sa mga sinusuplayan nitong customer kahit ngayong mahal na araw. Sa isang pahayag, sinabi ng water concessionaire na nakatulong ang mga inilatag nitong contingency at augmentation projects para masigurong hindi magkakaproblema sa suplay ng tubig ang nasa 7.4 milyong customer nito sa Metro… Continue reading Manila Water, tiniyak ang 24/7 na suplay ng tubig ngayong Semana Santa

Ilang bumibyaheng bus sa Araneta City Bus Port, ininspeksyon ng LTO

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) NCR-EAST sa mga bumibiyaheng bus dito sa Araneta City Bus Port. Bahagi ito ng Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023 na layong masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Pinangunahan ni LTO Director Benjamin Santiago III, ang inspeksyon sa naturang terminal… Continue reading Ilang bumibyaheng bus sa Araneta City Bus Port, ininspeksyon ng LTO