8 Pinoy repatriates mula Lebanon, tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang walong repatriates mula sa Lebanon na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli forces at militant group na Hezbollah. Tig-₱75,000 ang kanilang tinanggap mula sa AKSYON Fund ng Department of Migrant Workers (DMW) at karagdagang ₱75,000 naman mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Bukod pa ito sa… Continue reading 8 Pinoy repatriates mula Lebanon, tumanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Dengue cases sa QC, sumampa na sa 4,000

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente sa Quezon City na tinamaan ng dengue virus. Batay sa tala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa kabuuang 4,316 na ang dengue cases sa lungsod mula Enero hanggang nitong October 5. Naitala sa District 2 ang pinakamataas na kaso ng dengue na umabot na sa 1,107… Continue reading Dengue cases sa QC, sumampa na sa 4,000

Commission on Appointments, natanggap na ang appointment papers ng bagong DILG at DTI secretaries

Kinumpirma ni Commission on Appointments (CA) Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel na natanggap na nila ang appointment papers ng bagong mga kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI). Aniya, October 9 nang matanggap ng Congressional CA ang appointment papers ng bagong… Continue reading Commission on Appointments, natanggap na ang appointment papers ng bagong DILG at DTI secretaries

MMDA Serbisyo Caravan sa Pasig City, patuloy na dinaragsa sa kabila ng pag-ulan

Hindi nagpatinag sa buhos ng ulan ang mga kababayang dumagsa sa ikalawang araw ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa PhilSports Arena sa Pasig City ngayong araw. Sa temang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha,” layunin ng programa na magbigay tulong sa mga nagtatrabaho sa creative industry. Magsisilbi itong one-stop shop na nagbibigay ng government service tulad… Continue reading MMDA Serbisyo Caravan sa Pasig City, patuloy na dinaragsa sa kabila ng pag-ulan

Emergency Preparedness and Response Protocols, pinagana ng OCD kaalinsabay ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction simula ngayong araw

All set na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa gagawing Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City na magsisimula ngayong araw. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), “activated” o pinagana na ng pamahalaan ang Emergency Preparedness and Response Protocols para matiyak ang maayos na takbo ng conference na tatagal… Continue reading Emergency Preparedness and Response Protocols, pinagana ng OCD kaalinsabay ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction simula ngayong araw

Entertainment industry, nagpasalamat sa natatangap na suporta mula sa gobyerno at sa liderato ng Kamara

Nagapasalamat ang entertainment industry kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kay House Speaker Martin Romualdez sa kanilang suporta at tulong sa creative workers. Ito ang unang pagkakataon na inilunsad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Serbisyo Fair “Paglinang para sa Industriya ng Paglikha” kung saan prayoridad ang mga creative workers. Sa loob ng dalawang araw tinatayang… Continue reading Entertainment industry, nagpasalamat sa natatangap na suporta mula sa gobyerno at sa liderato ng Kamara

Kakaiba at Nagagandahang Migratory Birds sa Agusan del Sur, Ibinahagi sa Publiko

Sa pagdiriwang ng World Migratory Bird Day, may pagmamalaking ibinahagi ng Agusan Marsh Wildlife Sanctuary Protected Area Management Office ang kasaganaan at nagagandahang migratory birds na mayroon sa Agusan Marsh, Agusan del Sur. Pinagsisikapan ng pamahalaang panlalawigan na masustentuhan ang malusog na populasyon ng sari-saring ibon at nanawagan sa publiko na iangat ang kamalayan sa… Continue reading Kakaiba at Nagagandahang Migratory Birds sa Agusan del Sur, Ibinahagi sa Publiko

Mga inisyatibong ikinasa ni PBBM sa sektor ng agrikultura, ramdam at nakikita sa patuloy na pagbagal ng inflation — PCO

Patuloy na nagbubunga ang mga hakbang at inisyatibong ginagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa agricultural sector. Sa ulat na inilahad ng Presidential Communications Office (PCO), ipinresenta nito ang naitalang pinakamababang inflation rate sa nakalipas na apat na taon na umabot sa 1.9%. Kasama ding binanggit sa ulat na kahit ang karaniwang sanhi… Continue reading Mga inisyatibong ikinasa ni PBBM sa sektor ng agrikultura, ramdam at nakikita sa patuloy na pagbagal ng inflation — PCO

Economic standing ng Pilipinas, patuloy na gumaganda — PEZA

Maganda at patuloy na gumaganda ang estado ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging sustainable manufacturing hub ang bansa. Ito ang sinabi ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga na kung standing ng Gross Domestic Product (GDP) ang pag-uusapan, ay hindi patatalo ang… Continue reading Economic standing ng Pilipinas, patuloy na gumaganda — PEZA

60% ng sahod ng 500 SPES beneficiaries sa Laguna, ipinamahagi

Ipinamahagi ng Laguna Provincial Government ang 60% ng sahod ng limang daang mag-aaral na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES, matapos silang magtrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Ayon sa Laguna Provincial Information Office, ang mga mag-aaral ay mula sa ikatlong at ikaapat na distrito ng Laguna at nagtrabaho ng… Continue reading 60% ng sahod ng 500 SPES beneficiaries sa Laguna, ipinamahagi