Bagong pinuno ng Office of Transportation Cooperatives, pormal nang nanungkulan

Pormal nang nanungkulan bilang bagong chairperson ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa katauhan ni Reymundo de Guzman Jr. Kahapon, nanumpa si De Guzman sa harap ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa tanggapan nito sa San Juan City. Pinalitan ni Chair De Guzman si Jesus Ferdinand Ortega na una nang iniakyat bilang… Continue reading Bagong pinuno ng Office of Transportation Cooperatives, pormal nang nanungkulan

Paggamit sa lahat ng paraan upang maiuwi nang ligtas ang mga Pilipino mula Lebanon at Israel, ipinag-utos ni Pangulog Marcos

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng lahat ng posibleng paraan upang maiuwi nang ligtas at on time ang mga Pilipinong naipit sa gulo sa Lebanon at Israel. “We are now going to evacuate our people by whatever means – by air, or by sea,” ani Pangulong Marcos. Sa gitna ng mahigpit… Continue reading Paggamit sa lahat ng paraan upang maiuwi nang ligtas ang mga Pilipino mula Lebanon at Israel, ipinag-utos ni Pangulog Marcos

Mga agarang usapin, digital innovation, at pagpapalakas sa hanay ng mga kababaihan, ilan sa mga binigyang pansin sa 44th ASEAN Summit

Muling sinilip ng ASEAN leaders ang tutok nito sa digital innovation, food security, at sustainable tourism, sa ika-44 na ASEAN Summit. Kasunod ng kaliwa’t kanang pulong sa ika-44 at 45 ASEAN Summit sa Vientiane, Laos, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na natalakay rin nila ang ilang urgent issues na kinahaharap ng mga bansa,… Continue reading Mga agarang usapin, digital innovation, at pagpapalakas sa hanay ng mga kababaihan, ilan sa mga binigyang pansin sa 44th ASEAN Summit

COMELEC Cebu Province, nakatanggap ng 42 COC para sa midterm elections

Umabot sa 42 na Certificate of Candidacy (COC) ang isinumite sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) Cebu Provincial Office mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024, para sa 2025 midterm elections. Ayon kay Comelec Cebu Provincial Election Supervisor Atty. Marchel Sarno, naging maayos ang isinagawang filing of COC sa kanyang opisina. Pinakaunang naghain ng… Continue reading COMELEC Cebu Province, nakatanggap ng 42 COC para sa midterm elections

Lanao del Norte 1st District Rep. Khalid Dimaporo, kakandidato sa pagka-Gobernador sa lalawigan sa 2025 midterm elections

Opisyal nang kakandidato sa pagka-Gobernador ng lalawigan ng Lanao del Norte si incumbent 1st District Rep. Mohamad Khalid Q. Dimaporo para sa darating na 2025 midterm elections. Nakapaghain na rin ng Certificate of Candidacy (COC) si Dimaporo nitong Oktubre 8, sa huling araw ng paghahain ng pagkakandidatura. Si Dimaporo ay naghain ng pagkakandidatura sa ilalim… Continue reading Lanao del Norte 1st District Rep. Khalid Dimaporo, kakandidato sa pagka-Gobernador sa lalawigan sa 2025 midterm elections

Bohol Sub Grid, nanatiling intact sa kabila ng tumamang 4.1 magnitude na lindol — NGCP

Hindi naapektuhan ng tumamang 4.1 magnitude na lindol sa Anda, Bohol ang serbisyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa buong lalawigan. Batay sa ulat nito, nananatiling normal ang power transmission services nito sa kabila ng tumamang lindol. Ayon pa sa NGCP, wala ding napaulat na anumang power interruption sa mga lugar na… Continue reading Bohol Sub Grid, nanatiling intact sa kabila ng tumamang 4.1 magnitude na lindol — NGCP

EDCA, napagtibay sa paghahatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Estados Unidos para sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Julian sa Batanes. Magkatuwang ang Philippine Air Force (PAF), Northern Luzon Command (NOLCOM) at US III Marine Expeditionary Troops sa paghahatid ng relief supplies na suportado ng US Indo-Pacific Command at USAID.… Continue reading EDCA, napagtibay sa paghahatid ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Catanduanes Gov. Joseph Cua, naghain ng kandidatura para sa pagka-alkalde ng Virac

Bagama’t may isang termino pa si Catanduanes Governor Joseph Cua, nagpasya siyang tumakbo sa 2025 Midterm Elections bilang Mayor ng Virac. Sa huling araw ng COC filing kahapon, naghain siya ng kaniyang Certificate of Candidacy sa tanggapan ng COMELEC Virac. Kaugnay nito, naghain naman ng kandidatura sa pagka-Gobernador ang kanyang kapatid na si Incumbent Vice… Continue reading Catanduanes Gov. Joseph Cua, naghain ng kandidatura para sa pagka-alkalde ng Virac

11 baybayin sa bansa, positibo sa red tide

Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa 11 baybayin na positibo sa red tide toxin. Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Cambatutay Bay sa Samar;… Continue reading 11 baybayin sa bansa, positibo sa red tide

Pahayag ni FPRRD na handa siyang humarap sa Quad Committee, welcome sa Human Rights panel chair ng Kamara

Itinuturing ni Manila Representative Bienvenido Abante Jr. na “welcome development” ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang humarap sa Quad Committee ng Kamara. Sa panayam kay Abante, sinabi niya na ang pagpapahayag lang ng dating Pangulo ng intensyon na dumalo sa kanilang pagdinig ay malaking bagay na. “Sa amin, yung positive… Continue reading Pahayag ni FPRRD na handa siyang humarap sa Quad Committee, welcome sa Human Rights panel chair ng Kamara