Bagyong Egay, nag-landfall sa Cagayan; maraming lugar, nakataas pa rin sa Signal No. 4

Tumama na sa kalupaan ang sentro ng bagyong Egay. Ayon sa PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Fuga Island, Aparri, Cagayan kaninang alas-3:10 ng madaling araw. Sa 5am weather forecast ng weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175km/h at… Continue reading Bagyong Egay, nag-landfall sa Cagayan; maraming lugar, nakataas pa rin sa Signal No. 4

Waste-to-energy Bill, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Nasponsoran na sa plenaryo ng Senado ang Waste-to-energy Bill o ang Senate Bill 2267 Layon ng panukala na magkaroon ng bagong energy sources habang napapangasiwaan ang solid waste sa bansa. Ayon kay Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo, titiyakin ng panukala na aangkop ang bansa sa mga umiiral at made-develop pang waste-to-energy technology.… Continue reading Waste-to-energy Bill, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Heavy rainfall warning, nakataas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Egay

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat at bagyong Egay. Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA-NCR,kaninang alas-5 ng umaga, umiiral ang Orange Alert sa lalawigan ng Zambales at Bataan. Sa ilalim nito, nagbabadya ang patuloy na pagbaha sa mabababang lugar at… Continue reading Heavy rainfall warning, nakataas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Egay

AFP, handang tumugon sa epekto ng bagyong Egay

Nakahanda ang mga tauhan at kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumugon sa anumang emergency na dulot ng bagyong Egay. Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa gitna ng bantang pananalasa ng super typhoon sa Babuyan Islands at Cagayan ngayong araw. Bilang paghahanda, minobilisa kahapon ang… Continue reading AFP, handang tumugon sa epekto ng bagyong Egay

Kumpiyansa ni Pres. Marcos Jr. na ‘dumating na ang Bagong Pilipinas,’ suportado ng ilang gabinete

Pinaboran ng ilang miyembro ng gabinete ang naging panghuling bahagi ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan inihayag nito ang kumpiyansang bumubuti na ang lagay ng bansa at dumating na ang Bagong Pilipinas. Para kay Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III, ang pahayag ng… Continue reading Kumpiyansa ni Pres. Marcos Jr. na ‘dumating na ang Bagong Pilipinas,’ suportado ng ilang gabinete

Agarang pagpapadala ng relief goods sa Cagayan, pinatitiyak ni DSWD Sec. Gatchalian

Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na tiyakin ang interoperability ng mga regional offices sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR) pagdating sa agarang pagpapadala ng relief goods sa lalawigan ng Cagayan. Ayon sa kalihim, nais nitong makatiyak na mabilis… Continue reading Agarang pagpapadala ng relief goods sa Cagayan, pinatitiyak ni DSWD Sec. Gatchalian

PBBM, may pahabol pang mga ‘assignment’ sa mga mambabatas

May ihahabol pang “assignment” si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA). Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, mayroong ilang panukala at marching order si PBBM na hindi na nabanggit sa SONA ang ipapadala na lamang aniya sa kanila. “Sa totoo lang, ang ginawa niya… Continue reading PBBM, may pahabol pang mga ‘assignment’ sa mga mambabatas

Bagyong Egay, lumakas pa at isa nang super typhoon — PAGASA

Umabot na sa ‘Super Typhoon’ Category ang binabantayang bagyong Egay na tinutumbok ang Northern Luzon. Sa 8am weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 310 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan Taglay nito ang matinding hangin na umaabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 230 kilometers… Continue reading Bagyong Egay, lumakas pa at isa nang super typhoon — PAGASA

Komprehensibong SONA ni PBBM, aprub sa maraming mambabatas

Pinuri ng mga mambabatas ang anila’y komprehensibong pag-uulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA). Ayon kay Deputy Speaker Duke Frasco, ang lahat ng accomplishment na inilatag ni PBBM ay patunay sa hangarin nito na mapagbuti ang buhay ng bawat Pilipino at isulong ang bansa… Continue reading Komprehensibong SONA ni PBBM, aprub sa maraming mambabatas

NGCP, gagamitin ang strategic partnership sa ibang mga bansa para maabot ang energy initiatives sa SONA ni PBBM

Ipinangako ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pakikiisa nito sa pagtupad ng 2023 energy initiatives ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon. Sinabi ng NGCP na itutuon nito ang lahat ng kakayahan ng ahensya tungo sa mabilis na pagkumpleto at pagsasagawa ng mga proyekto.… Continue reading NGCP, gagamitin ang strategic partnership sa ibang mga bansa para maabot ang energy initiatives sa SONA ni PBBM