PNP, itinangging kanlungan ang Pilipinas ng international criminals

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi ito tumitigil sa paghahabol at pagpapanagot sa mga dayuhang sindikato. Ito ang reaksyon ng PNP kasunod ng pahayag ni Teresita Ang See ng Movement for the Restoration of Peace and Order na naging safe haven na umano ang Pilipinas para sa mga International Crime Syndicate. Ginawa ni… Continue reading PNP, itinangging kanlungan ang Pilipinas ng international criminals

Pasay LGU, magsasagawa ng Mega Job Fair ngayong araw

Magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Pasay ng isang Mega Job Fair ngayong araw na gaganapin sa Music Hall ng SM Mall of Asia simula mamayang alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. Aabot sa higit 2,000 bakanteng trabaho mula sa 50 kumpanya ang naghihintay para sa mga aplikanteng pupunta sa Job Fair. Mayroon ding one-stop… Continue reading Pasay LGU, magsasagawa ng Mega Job Fair ngayong araw

SP Zubiri, suportado ang pagkakaroon ng pinal na desisyon sa magiging kapalaran ng mga POGO sa Pilipinas

Nasa desisyon na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung ganap na bang ipapatigil sa Pilipinas ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri. Para sa Senate president, napapanahon nang magkaroon ng pinal na desisyon tungkol sa POGO operations sa bansa dahil nakakaapekto na ito sa imahe… Continue reading SP Zubiri, suportado ang pagkakaroon ng pinal na desisyon sa magiging kapalaran ng mga POGO sa Pilipinas

LPG, instant noodles, inuming tubig, pinasasama sa listahan ng mga batayang pangangailangan na mapapasailalim sa price freeze sa gitna ng kalamidad

Pina-aamyendahan ng isang mambabatas ang RA 7581 o Price Act upang madagdagan ng ilang bilihin na kinokonsidera bilang basic necessity at maaaring mapasailalim sa price freeze oras na magkaroon ng kalamidad. Sa House Bill 7977 ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan, pinasasama na ang LPG, instant noodles, bottled water, at kerosene sa listahan… Continue reading LPG, instant noodles, inuming tubig, pinasasama sa listahan ng mga batayang pangangailangan na mapapasailalim sa price freeze sa gitna ng kalamidad

Panghihikayat sa mamumuhunan, infra spending, ilan lamang sa mga napagtagumpayan ni PBBM sa kaniyang unang taon sa puwesto

Binigyan ng mataas na grado na 8.5 out of 10 ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers ang ‘performance’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang unang taon sa pwesto. Ayon kay Barbers, ang mataas na gradong ito ay dahil na rin sa ilang mahahalagang sektor na napagtagumpayang isulong ng Pangulo… Continue reading Panghihikayat sa mamumuhunan, infra spending, ilan lamang sa mga napagtagumpayan ni PBBM sa kaniyang unang taon sa puwesto

Pagtugis kay ex-BuCor Chief Bantag, itutuloy pa rin ng PNP sa kabila ng pag-archive ng kaso

Hindi titigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagtugis kay Ex-Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag, at sa deputy nitong si Ricardo Zulueta. Ito ang nilinaw ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo matapos na i-archive ng Muntinlupa Regional Trial Court ang kaso laban sa dalawa kaugnay ng pagpaslang sa Broadcaster na si Percy… Continue reading Pagtugis kay ex-BuCor Chief Bantag, itutuloy pa rin ng PNP sa kabila ng pag-archive ng kaso

Pagtaas sa bilang ng maternal death, pinasisilip

Pinasisilip ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar kung bakit tumataas ang maternal death sa bansa. Sa kaniyang House Resolution 1025, pinakikilos ni Villar ang Committee on Health, Committee on Women and Gender Equality, at Committee on Sustainable Development Goals na magkasa ng isang inquiry tungkol sa isyu. Tinukoy ng mambabatas na noong… Continue reading Pagtaas sa bilang ng maternal death, pinasisilip

MMDA, pinapurihan ng COA para sa maayos na paglalahad ng kanilang financial statements sa ikaapat na sunod na taon

Pinapurihan ng Commission on Audit (COA) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa maayos na pagsasagawa ng kanilang liquidations ng kanilang mga financial statements sa ikaapat na sunod na taon. Ayon kay Supervising Auditor Reynaldo Darang, ito ay ang lumabas sa masusing COA’s ‘Independent Auditor’s Report’ ng MMDA para sa fiscal year 2022 na… Continue reading MMDA, pinapurihan ng COA para sa maayos na paglalahad ng kanilang financial statements sa ikaapat na sunod na taon

DTI Sec. Pascual, pinangunahan ang Philippine Business Forum sa Belgium

Pinangunahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang Philippine Business Forum on Green Energy and Digital Techniques, sa pakikipagtulungan ng EU-ASEAN Business Council, European Chamber of Commerce in the Philippines, at ng Board of Investments. Dito ay tinalakay ang gumagandang investment climate ng bansa, ang umuusbong na market trends, at ang… Continue reading DTI Sec. Pascual, pinangunahan ang Philippine Business Forum sa Belgium

Cavite Police Provincial Office, nakapagtala ng pagbaba sa 8 Focus Crimes

Patuloy na bumababa ang mga insidente ng krimen sa probinsya ng Cavite.Base sa tala ng Cavite Police Provincial Office, nasa 12.14% ang ibinaba ng Eight Focus Crimes mula April 23 hanggang June 20. Kabilang na rito ang murder, homicide, robbery, theft, rape, physical injury, at carnapping. Tumaas naman ang bilang ng mga nareresolba na kaso… Continue reading Cavite Police Provincial Office, nakapagtala ng pagbaba sa 8 Focus Crimes