Pinatatag na ugnayan ng Pilipinas at South Korea, pinuri ng House Leader

Nagpahayang ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez sa pagpapalalim at pagpapalawak ng relasyon ng Pilipinas at Republic of Korea (ROK). Aniya, malaking bagay ang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol at First Lady Kim Keon Hee na nataon pa sa ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa. “Congress is… Continue reading Pinatatag na ugnayan ng Pilipinas at South Korea, pinuri ng House Leader

Sen. Tolentino, umapela sa gobyerno na tulungan ang mga lehitimong Pinoy ex-POGO workers

Muling ipinanawagan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa pamahalaan na tulungan ang mga lehitimong Pilipinong kawani ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nawalan ng trabaho para makapagsimulang muli. Ayon kay Tolentino, dapat protektahan ang mga manggagawang ito mula sa diskriminasyon sa job fairs at hiring. Ipinahayag ito ng senador kasunod ng naging… Continue reading Sen. Tolentino, umapela sa gobyerno na tulungan ang mga lehitimong Pinoy ex-POGO workers

Magnitude 4.4 na lindol, tumama sa Maragusan, Davao de Oro

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bahagi ng Maragusan, Davao de Oro kaninang madaling araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 4:20 ng madaling araw naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 23 kilometro hilagang-silangan ng naturang bayan. Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na siyam… Continue reading Magnitude 4.4 na lindol, tumama sa Maragusan, Davao de Oro

Mental health ng mga manlalaro sa professional sports organizations, pinatitiyak ni Sen. Go sa Games & Amusement Board

Hinimok ni Senate Committee on Sports Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Games and Amusement Board (GAB) na tiyaking nasa maayos na kalagayan ang physical at mental health ng mga manlalaro na bibigyan nila ng lisensyang makibahagi sa iba’t ibang professional sports. Ang pahayag ng senador ay may kaugnayan sa kaso ng PBA (Philippine Basketball… Continue reading Mental health ng mga manlalaro sa professional sports organizations, pinatitiyak ni Sen. Go sa Games & Amusement Board

BSP, naitala ang ‘all-time high’ na gross int’l reserves nung Setyembre

Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang “all-time high“ na gross international reserves (GIR) sa buwan ng Setyembre. Higit na mataas ang $112.0 billion kumpara sa $107.9 billion sa nakalipas na Agosto. Ayon sa BSP, sapat na ito bilang external liquidity buffer o katumbas ng mahigit walong buwan na halaga ng import of goods o kabayaran… Continue reading BSP, naitala ang ‘all-time high’ na gross int’l reserves nung Setyembre

49 senatorial aspirants, 50 party-list groups, naghain ng kanilang COC sa ika-7 araw ng filing kahapon; huling araw ng COC filing aarangkada ngayong araw

Tulad ng inaasahan, dinagsa ang isinasagawang Certificate of Candidacy (COC) filing ng Commission on Elections (COMELEC) sa bisperas ng huling araw nito, kung saan naitala ng komisyon ang pinakamataas na bilang ng mga nais kumandidato sa Halalan 2025 magmula nang buksan ito noong October 1. Sa pagtatapos ng filing kahapon (October 7), nakapagtala ang COMELEC… Continue reading 49 senatorial aspirants, 50 party-list groups, naghain ng kanilang COC sa ika-7 araw ng filing kahapon; huling araw ng COC filing aarangkada ngayong araw

Ex-Congressman Junjun Tupas ng 5th District ng Iloilo ay muling naghain ng kandidatura para sa pagka-Kongresista

Naghain ng kandidatura sa pagka-kongresista sa ikalimang distrito ng Iloilo si ex-Congressman Niel “Junjun” Tupas Jr. ngayong Lunes, Oktubre 7. Naghain siya ng kanyang kandidatura sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa 2025 midterm elections. Sa pahayag ni Tupas, sinabi niya na nais niyang ibalik ang malinis na pamamahala sa ikalimang distrito, na… Continue reading Ex-Congressman Junjun Tupas ng 5th District ng Iloilo ay muling naghain ng kandidatura para sa pagka-Kongresista

Sen. Raffy Tulfo, hinikayat ang mga Pinoy sa Lebanon na lumikas na

Nanawagan si Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo sa mga Pilipinong kasalukuyang nasa Lebanon na lumikas na sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah group. Una nang nagkaroon ng delay sa pagpapauwi ng mga OFW mula Lebanon dahil sa mga kanseladong outbound flights doon bunsod ng patuloy… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, hinikayat ang mga Pinoy sa Lebanon na lumikas na

Mga pasahero sa Pasig City, nahirapang sumakay bunsod ng pag-ulan

Kasunod ng pabuhos ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan mula pa kaninang madaling araw, naging pahirapan ang biyahe ng mga pasahero sa bahagi ng Pasig City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas mula sa bahagi ng Ortigas Avenue hanggang sa Pasig Palengke, kapansin-pansin ang mahabang pila ng mga pasahero sa ilang lugar-sakayan o loading and… Continue reading Mga pasahero sa Pasig City, nahirapang sumakay bunsod ng pag-ulan

Maliit na phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Taal sa Batangas. Sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may naitalang maliit na phreatic eruption sa bulkan sa nakalipas na 24-oras at tumagal ito ng isang minuto. Umabot naman sa 2,068 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o… Continue reading Maliit na phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal