Mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa Cavite, nakatanggap ng cash assistance

Nabigyan ng tulong pinansyal ang mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa probinsya ng Cavite. Nasa 4,000 AICS beneficiaries mula sa mga bayan at lungsod ng Trece Martires, Tagaytay, Rosario, at Carmona ang nakatanggap ng ₱3,000 na cash assistance. Layunin nito na mabigyan ng tulong ang mga nasa marginalized sector na… Continue reading Mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa Cavite, nakatanggap ng cash assistance

Nasa ₱50-M halaga ng frozen meat, nasabat ng DA sa Maynila

Bilang bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya kontra agri smuggling, aabot sa ₱50-milyong halaga ng frozen meat ang nasamsam ng Department of Agriculture Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (DA IE) sa ikinasang raid sa isang storage facility sa Sta. Cruz, Maynila. Isinagawa ang operasyon noong June 20 sa GGF Frozen… Continue reading Nasa ₱50-M halaga ng frozen meat, nasabat ng DA sa Maynila

MIAA, humingi ng pang-unawa sa mga pasahero dahil sa madalas na paglalabas ng Red Lightning Alerts ngayong tag-ulan

Humihingi ng pang-unawa at kooperasyon ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero dahil sa mas marami pang lightning alerts ang inaasahan dahil sa masamang panahon at mga lightning strikes ngayong tag-ulan. Ito ay matapos maglabas ang MIAA ng Red Lightning Alert na tumagal ng dalawang oras na siyang naging dahilan upang magkaroon ng… Continue reading MIAA, humingi ng pang-unawa sa mga pasahero dahil sa madalas na paglalabas ng Red Lightning Alerts ngayong tag-ulan

PRO-13, pinarangalan sa natatanging pagpapatupad ng Performance Governance System

Pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang Police Regional Office (PRO) 13 sa pagkamit ng “institutionalized status” sa kanilang “outstanding” na pagpapatupad ng Performance Governance System (PGS). Tinanggap ni PRO-13 Regional Director Pablo Labra II ang “Gold Eagle Award” mula kay Acting Deputy Chief PNP for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia sa conferment ceremony… Continue reading PRO-13, pinarangalan sa natatanging pagpapatupad ng Performance Governance System

Magna Carta para sa tricycle drivers, isinusulong

Inihain ni Quezon City Representative PM Vargas ang House Bill 8357 o panukalang Magna Carta of Tricycle Driver. Ayon sa mambabatas, sa pamamagitan nito ay mapapangalagaan ang karapatan ng mga nagmamaneho at operator ng pumapasadang tricycle. Isinusulong sa panukala ang pagkakaroon ng standard na panuntunan para sa operasyon ng tricycle. Padadaliin din ang proseso ng… Continue reading Magna Carta para sa tricycle drivers, isinusulong

Mahigit 2,000 biktima ng human trafficking na pinagtatrabaho sa isang POGO hub sa Las Piñas City, nasagip ng PNP-ACG

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang aabot sa mahigit 2,000 biktima ng human trafficking kabilang na ang ilang dayuhan. Ito’y matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng ACG at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Brgy. Almanza Uno, Las Piñas… Continue reading Mahigit 2,000 biktima ng human trafficking na pinagtatrabaho sa isang POGO hub sa Las Piñas City, nasagip ng PNP-ACG

DMW, nagtayo na ng One Repatriation Command Center para sa pag-agapay sa OFWs na mabibiktima ng karahasan

Nagtayo na ng One Repatriation Command Center ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa pag-agapy sa kababayan nating mabibiktama ng karahasan at iba pang kakailanganin tulong ng bawat OFW. Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, ito’y upang mas matutukan ng kanilang tanggapan ang mga kinakailangang assistance ng ating mga OFW kabilang na ang… Continue reading DMW, nagtayo na ng One Repatriation Command Center para sa pag-agapay sa OFWs na mabibiktima ng karahasan

Mambabatas, muling umapela sa LGUs na tumulong para mairehistro ang mga SIM cards

Dahil sa kulang isang buwan na lang bago ang deadline ng pagpaparehistro ng SIM Cards, muling nanawagan si Camarines Sur Repeesentative LRay Villafuerte sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang public telecommunication entities na mairehistro ang marami pang SIM cards sa salig sa SIM Registration Law. Matatandaan na mula Abril ay pinalawig ng Department… Continue reading Mambabatas, muling umapela sa LGUs na tumulong para mairehistro ang mga SIM cards

Cebu Pacific, humingi ng paumanhin sa mga pasahero dahil sa mga flight cancellation

Humingi ng paumanhin at pang-unawa ang Cebu Pacific sa mga pasahero dahil sa mga naging operational challenges nito na nagresulta sa pagkakaroon ng flight cancellations at pagbabago sa schedule ng flight ng kanilang mga pasahero. Ipinaliwanag rin ng Cebu Pacific na nakaranas ito ng mga on-the-spot disruption tulad ng ground damage mula sa runway debris… Continue reading Cebu Pacific, humingi ng paumanhin sa mga pasahero dahil sa mga flight cancellation

Ruel Rivera, itinalagang bagong hepe ng BJMP

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Ruel Rivera bilang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Pinalitan ni Rivera si General Allan Iral na nagretiro na sa serbisyo noong June 23. Ayon sa BJMP, inaasahang isusulong ni Rivera ang J.A.I.L. Plan 2040; “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program, at ang… Continue reading Ruel Rivera, itinalagang bagong hepe ng BJMP