Knowledge Sharing Webinar tungkol sa active transport, ikinasa ng DOTr

Kasalukuyang idinaraos ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang Knowledge Sharing Webinar kasama ng Inter-Agency Technical Working Group on Active Transport (IATWG-AT). Layunin ng bike sharing webinar na magkaroon ng pagbabahagi ng kaalaman at impormasyon patungkol sa mga plano, programa, at kasalukuyang mga proyekto ng gobyerno para sa tuloy-tuloy na pagpapalawak ng mga active transport… Continue reading Knowledge Sharing Webinar tungkol sa active transport, ikinasa ng DOTr

Mahigit ₱5-M ilegal na droga nasabat ng PNP sa Bacolod kaninang madaling araw

Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit limang milyong pisong halaga ng ilegal na droga mula sa isang high value drug target sa operasyon sa Bacolod City kaninang madaling araw. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ng Bacolod City police office Station Drug Enforcement Team ang arestadong suspek na si Rene Lapera… Continue reading Mahigit ₱5-M ilegal na droga nasabat ng PNP sa Bacolod kaninang madaling araw

Mas mataas na insurance ng mga sasakyan, itinutulak

Pina-aamyendahan ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang Insurance Code of 2013 upang maitaas ang Compulsory Third Party Liability Insurance (CTPLI) ng mga sasakyan. Ipinunto ng kongresista sa kaniyang House Bill 8498 na panahon nang taasan ang insurance ng mga sasakyan upang matulungan ang pamilya ng mga nasasawi sa vehicular accident, lalo at tumataas ang… Continue reading Mas mataas na insurance ng mga sasakyan, itinutulak

Batang Pinay, nakatanggap ng parangal sa Canada dahil sa pagtulong nito sa mga nangangailangan

Pinarangalan ang 13-taong gulang na Pilipina na si Jeanae Elisha Ventura bilang isa sa mga recipient ng 2023 Calgary Award para sa kategoryang Community Achievement Award for Youth. Kinilala ng Lungsod ng Calgary sa Canada ang kanyang adbokasiya para sa pagkakaiba-iba at pagsasama sa ngalan ng mga batang babae at kabataang Pilipino sa lungsod. Ilan… Continue reading Batang Pinay, nakatanggap ng parangal sa Canada dahil sa pagtulong nito sa mga nangangailangan

Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy na nababawasan

Patuloy pa ring natatapyasan ang lebel ng tubig sa ilang mga dam sa Luzon kabilang na ang Angat Dam. Sa datos ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay bumaba pa sa 186.15 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Mas mababa ito ng 40 centimeters kumpara sa naitalang 186.55 meters water elevation… Continue reading Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy na nababawasan

Registered subscriber ng isang telco pumalo na sa mahigit 40 milyon

Umabot na sa 45.252 milyon ang mga nairehistrong sim card sa ilalim ng Globe Telecommunications, Inc. isang buwan bago matapos ang itinakadang palugit para sa sim registration. Ayon sa Globe, ito’y 94.92 percent ng mga aktibong tagasubaybay nito, base sa huling tala nito noong June 7, 2023. Kasalukuyan, bukas ang 144 na mga Globe Store… Continue reading Registered subscriber ng isang telco pumalo na sa mahigit 40 milyon

628 indibidwal sa Albay, iniulat na nasaktan sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management council (NDRRMC) na 628 na indibidwal sa Albay ang nasaktan sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Hindi binanggit sa huling situation report ngayong alas-8 ng umaga kung ito ay dahil sa pagkakalanghap ng usok o mula sa pagbuga ng volcanic debris. Nilinaw naman ng NDRRMC na… Continue reading 628 indibidwal sa Albay, iniulat na nasaktan sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Edukasyon ng mga PDL, patuloy na itinataguyod sa Valenzuela City Jail-Female Dormitory

Patuloy ang pakikipag-partner ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Valenzuela sa iba’t ibang institusyon para sa pagtataguyod ng edukasyon ng mga person deprived of liberty o PDLs. Ang Valenzuela City Jail-Female Dormitory, katuwang ang La Salle Greenhills Senior Highschool para mabigyan ng pagkakataon ang ilang PDLS na makapag-aral sa ilalim ng Alternative Learning… Continue reading Edukasyon ng mga PDL, patuloy na itinataguyod sa Valenzuela City Jail-Female Dormitory

Pribadong sektor, hinikayat ng DENR na makiisa sa climate action

Hinikayat ni Environment Secretary Antonia Loyzaga ang mga business leader sa bansa na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagtugon sa lumalalang climate crisis at sa pagbuo ng sustainable communities. Ginawa ng kalihim ang apela sa pagdalo nito sa general membership meeting ng Management Association of the Philippines (MAP) sa Taguig City noong June 14. Ayon… Continue reading Pribadong sektor, hinikayat ng DENR na makiisa sa climate action

Aktibidad ng Bulkang Taal, Mayon, at Kanlaon, mahigpit pa ring mino-monitor ng PHIVOLCS

Nakatutok pa rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng tatlong bulkan sa bansa partikular ang Bulkang Taal, Mayon, at Kanlaon na patuloy ang aktibidad. Ayon sa PHIVOLCS, nadagdagan ang volcanic earthquakes na naitala sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras. Sa monitoring ng PHIVOLCS, umakyat sa limang volcanic earthquakes… Continue reading Aktibidad ng Bulkang Taal, Mayon, at Kanlaon, mahigpit pa ring mino-monitor ng PHIVOLCS