QC Mayor Belmonte, ibinida ang mga programa para sa pre-departure, reintegration ng OFWs

Ibinahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga programa ng lokal na pamahalaan na nagsisiguro sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker at kanilang pamilya. Sa pagdalo ni Belmonte sa Bridging Recruitment to Reintegration in Migration Governance o BRIDGE Fair, ibinida nito na saklaw ng kanilang programa ang preparasyon sa pag-alis ng bansa hanggang… Continue reading QC Mayor Belmonte, ibinida ang mga programa para sa pre-departure, reintegration ng OFWs

Youth-led Summit, ilulunsad ng SEAMEO sa Quezon City ngayong buwan

Maglulunsad ang Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) – Regional Center for Innovative Educational Technology ng kauna-unahang Youth-led Summit ngayong Hunyo para isulong ang transformation ng edukasyon sa rehiyon. Idaraos ito sa Quezon City sa June 27 hanggang June 28 kung saan magtitipon-tipon ang nasa 150 youth leaders mula sa 10 bansa. Nakapaloob sa… Continue reading Youth-led Summit, ilulunsad ng SEAMEO sa Quezon City ngayong buwan

DA, tumulong sa pag-transport ng mahigit ₱1-M halaga ng bawang sa Pangasinan

Nagsanib-puwersa ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Navy upang maghatid ng libo-libong metriko tonelada ng bawang sa lalawigan ng Pangasinan. Sa pamamagitan ng DA-Inspectorate and Enforcement Office at Philippine Navy, naibiyahe ang 18,125 metric tons ng bawang mula sa Itbayat Garlic Farmers Producers Association patungong Sual Seaport sa Pangasinan. Ang produksyon na nagkakahalaga ng… Continue reading DA, tumulong sa pag-transport ng mahigit ₱1-M halaga ng bawang sa Pangasinan

Relokasyon, permanenteng evacuation centers para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, nakikitang long-term solusyon ng pamahalaan

Tututukan ng pamahalaan ang relokasyon para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ito, ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Deputy Spokesperson Diego Mariano, ang pinaka-long term plan na dapat maipatupad upang mailayo sa peligro ang ilang residente sa Albay, tuwing mag-aalburoto ang bulkan. Sa briefing ng Laging Handa,… Continue reading Relokasyon, permanenteng evacuation centers para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, nakikitang long-term solusyon ng pamahalaan

Philippine Economic Briefing sa Singapore, dinaluhan ng halos 110 foreign investors

Umaabot sa 110 foreign investors mula business and financial communities and chambers ang dumalo sa Philippine Economic Briefing (PEB) sa Singapore. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, espesyal ang Singapore sa growth story ng Pilipinas at kasabay nito ang pagdiriwang ng diplomatic relations ng dalawang bansa. Sa isinagawang PEB, inilahad ni Diokno ang matatag na… Continue reading Philippine Economic Briefing sa Singapore, dinaluhan ng halos 110 foreign investors

Proposal para sa pagtatayo ng silos upang masiguro ang rice buffer stock, pinaaaral ni PBBM sa DA

Pinaaaral ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) ang proposal kaugnay sa pagse-set up ng silos o rice at corn stations modules gamit ang mother-daughter o Hub and Spoke system. Sa pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) on agriculture sa Malacañan, sinabi ng Pangulo na ginagamit na rin ng… Continue reading Proposal para sa pagtatayo ng silos upang masiguro ang rice buffer stock, pinaaaral ni PBBM sa DA

DepEd, di sang-ayon sa hiling ng US na sa Pilipinas magproseso ng special immigration visa ang ilang Afghan nationals

Tutol ang Department of Education (DepEd) sa request ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas na dito magproseso ang ilang Afghan nationals ng kanila US Special Immigrant Visa. Ayon kay Education Undersecretary Michael Poa, kabilang sa mga kinonsidera nila ang legal issues ng planong ito, partikular sa isyu ng soberanya ng ating bansa. Paliwanag ni… Continue reading DepEd, di sang-ayon sa hiling ng US na sa Pilipinas magproseso ng special immigration visa ang ilang Afghan nationals

Taguig LGU, naglunsad ng isang Facebook group para sa mga nanay

Inilunsad ng Taguig City government ang MOMS Taguig Facebook Group sa isinagawang Buntis Congress ng lungsod kahapon sa Taguig Lakeshore Hall. Layon ng nasabing Facebook group na magkaroon ng diskusyon at palitan ng mga tips ng mga nanay sa Taguig. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nais nito na tiyakin na magiging kaagapay ng… Continue reading Taguig LGU, naglunsad ng isang Facebook group para sa mga nanay

Juliana Gomez, pinabibigyang pagkilala ng Kamara matapos masungkit ang kampeonato sa 2022 Air Force Open Fencing Championships

Dalawang mambabatas ang naghain ng resolusyon upang kilalanin ang pagkapanalo ni Juliana Maria Beatrice Gomez bilang kampeon sa 2022 Air Force Open Fencing Championships na ginanap kamakailan sa Thailand. Nakasaad sa House Resolution 1047, na inaprubahan ng House Committee on Youth and Sports Development, ang pagiging ehemplo ni Gomez sa iba pang Pinay athletes. “Juliana… Continue reading Juliana Gomez, pinabibigyang pagkilala ng Kamara matapos masungkit ang kampeonato sa 2022 Air Force Open Fencing Championships

Batang foreign terrorist at sub-leader ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Magkasabay na sumuko ang isang batang foreign terrorist at isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group sa 1103rd Infantry “Kalis” Brigade sa Indanan, Sulu. Kinilala ni 1103rd Brigade Commander Col. Christopher Tampus ang mga sumuko na sina Elnekhily Ibrahim Hamada Mohamed, 13 taong gulang, isang Egyptian National; at si Ellam Abduraji Panduga, 27 taong gulang, sub-leader… Continue reading Batang foreign terrorist at sub-leader ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu