Isang asset, kinumpirma ang pagbabayad ng shabu sa mga impormante sa drug ops ng PDEA, PNP

Kinumpirma mismo ng isang asset ang kalakaran ng paghingi ng droga bilang kabayaran para sa mga impormante at ang drug recycling sa bansa. Pababahagi ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers, mismong ang impormante ang nagkwento nito sa ginawang executive session ng komite. Aniya, binibigyan ng ‘basura’ o street lingo para sa… Continue reading Isang asset, kinumpirma ang pagbabayad ng shabu sa mga impormante sa drug ops ng PDEA, PNP

₱1.2-B halaga ng droga, nasabat ng PNP mula Enero hanggang Marso

Umabot sa ₱1.2-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga ang narekober ng Philippine National Police (PNP) mula January 1 hanggang March 10 sa taong ito. Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. resulta ito ng 9,375 na operasyon sa buong bansa kung saan naaresto ang 12,622 big time drug pusher at street level… Continue reading ₱1.2-B halaga ng droga, nasabat ng PNP mula Enero hanggang Marso

Speaker Romualdez, nakausap na si Rep. Teves

Nagkausap na si House Speaker Martin Romualdez at Negros Oriental Representative Arnie Teves. Ayon kay Romualdez, kagabi sila nagkausap sa telepono ni Teves. Nangangamba aniya si Teves sa seguridad niya at ng kaniyang pamilya kaya’t may alinlangan itong umuwi ng Pilipinas. Tiniyak naman ni Romualdez na bilang pinuno ng Kamara ay sisiguruhin niya ang kaligtasan… Continue reading Speaker Romualdez, nakausap na si Rep. Teves

VP Sara, dumalaw sa burol ni yumaong Negros Oriental Gov. Degamo

Dumalaw si Vice President Sara Z. Duterte sa burol ng yumaong Negros Oriental Governor Roel Degamo. Nagtungo ang Pangalawang Pangulo sa burol ng yumaong gobernador sa kaniyang hometown sa Siaton, Negros Oriental. Doon, personal na ipinaabot ni VP Sara ang kaniyang taos-pusong pakikiramay sa biyuda nito na si Mayor Janice, pamilya, mga kaibigan, at residente… Continue reading VP Sara, dumalaw sa burol ni yumaong Negros Oriental Gov. Degamo

PNP, nilinaw na may naka-duty na security detail kay Negros Oriental Gov. Degamo noong araw na paslangin ito

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na apat lamang ang naka-assign na security detail para kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ito’y ayon kay PNP Spokesperson, Police Col. Jean Fajardo matapos magpaliwanag kay PNP Chief, Police Gen. Rodolfo Azurin Jr ang apat na Police security ng gobernador na sinasabing missing in action noong araw na… Continue reading PNP, nilinaw na may naka-duty na security detail kay Negros Oriental Gov. Degamo noong araw na paslangin ito

Pagpasa ng Con-Con Act, premature — ilang mambanatas

Nanindigan ang ilang mambabatas na premature ang pag-apruba ng Kamara sa House Bill 7352 o implementing bill para sa Resolution of Both Houses No. 6 na nagpapatawag ng Constitutional Convention (Con-Con) para amyendahan ang Saligang Batas. Ayon kay Liberal Party President at Albay 1st District Representative Edcel Lagman, mismong ang chairperson ng Committee on Constitutional… Continue reading Pagpasa ng Con-Con Act, premature — ilang mambanatas

PNP, PDEA, aminado na di agad nasisira ang nakumpiskang droga

Inamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na hindi nila agad nasisira ang mga iligal na droga na nasasabat sa mga operasyon. Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs patungkol sa recycling ng droga, nausisa ni Antipolo Representative Romeo Acop kung bakit nananatili sa kustodiya ng dalawang ahensya ang… Continue reading PNP, PDEA, aminado na di agad nasisira ang nakumpiskang droga

Pagpapagawa ng Makatizen ID, gagawin nang online

Bubuksan na ang Online Registration System ng application ng Makatizen ID sa Makati City simula March 20. Ayon kay Mayor Abby Binay, mapapabilis ng Online Registration System ang pagpoproseso ng application ng Makatizen Card. Para bigyang-daan ang kanilang system upgrade, pansamantalang sususpendihin ang pagtanggap ng Makatizen Card application mula March 15-17, 2023. Paalala pa rin… Continue reading Pagpapagawa ng Makatizen ID, gagawin nang online

PNP Chief sa mga bagong pulis-opisyal, maghanap ng ibang trabaho kung magkakalat

Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga bagong tinyente ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidtalak” Class of 2023 na maghanap na lang ng ibang trabaho kung dumating ang panahon na magsawa na sila sa paglilingkod at magkalat sa serbisyo. Ang paalala ay ginawa ng PNP Chief sa… Continue reading PNP Chief sa mga bagong pulis-opisyal, maghanap ng ibang trabaho kung magkakalat

Sen. JV Ejercito, may agam-agam sa kasunduan ng NGCP, NICA

Nagpahayag ng agam-agam si Senador JV Ejercito sa pagpirma ng Memorandum of Understanding (MOU) o kasunduan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA). Ayon kay Ejercito, maaaring ilagay nito sa alanganin ang seguridad ng ating bansa. Pinunto ng senador na mayroong 40 percent share sa NGCP ang… Continue reading Sen. JV Ejercito, may agam-agam sa kasunduan ng NGCP, NICA