Byahero sa PITX kagabi, daang-libo pa rin ayon sa pamunuan nito

Pumalo pa rin sa halos dalawandaang-libo o 196,000 mahigit ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa Paranaque Intigrated Terminal Exchange (PITX) kahapon, December 26, 2024, Huwebes. Ayon kay Jason Salvador, hepe ng PITX Corporate Affairs and Government Relations, daang-libo pa rin ang na-monitor nilang bilang ng mga pasahero sa kanilang terminal. Kaugnay nito, patuloy pa… Continue reading Byahero sa PITX kagabi, daang-libo pa rin ayon sa pamunuan nito

Happy ang New Year dahil sa nakaambang oil price rollback sa susunod na linggo

Maligayang bagong taon ang bubungad sa ating bayang motorista matapos ma-monitor ng Department of Energy-Oil Industry and Management Bureau (DOE-OIMB) ang pagbaba sa presyuhan ng lahat ng produktong petrolyo. Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero base sa kanilang 4-day oil trade monitoring, asahan na ang rollback sa: Gasoline – rollback of (₱0.30 to ₱0.65)Diesel… Continue reading Happy ang New Year dahil sa nakaambang oil price rollback sa susunod na linggo

NIA, inatasan na aralin kung paano pa mapapababa ang presyo ng bigas sa ilalim ng kanilang Rice Contract Farming Program

Photo courtesy of Rep. Stella Quimbo FB page

Hiniling ni Marikina Representative Stella Quimbo sa National Irrigation Administration (NIA) na magsagawa mga pag-aaral kung paano mapapalawig pa ang kanilang Contract Farming Program. Ani Quimbo, kung nagawa man ng NIA na makapagbenta ng bigas sa halagang ₱29 kada kilo sa ilalim ng programa, maaaring makamit pa rin ang target na ₱20 kada kilo kung… Continue reading NIA, inatasan na aralin kung paano pa mapapababa ang presyo ng bigas sa ilalim ng kanilang Rice Contract Farming Program

DSWD Bicol,nagbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng sunog sa Camarines Sur

Nagbigay ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region noong December 26 sa dalawang pamilya na apektado ng magkakahiwalay na insidente ng sunog sa Barangay Manzana, San Jose at Barangay Pinaglabanan, Goa, parehong nasa Camarines Sur. Ang mga sunog ay naganap noong December 24, araw ng… Continue reading DSWD Bicol,nagbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng sunog sa Camarines Sur

Gumuhong kalsada sa Bikal, Libmanan, Camsur, coordinated na sa mga ahensya ng gobyerno – MDRRMO Libmanan

Kaagad umanong nakipag-ugnayan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Libmanan, Camarines Sur sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan matapos ang naitalang pagguho ng lupa sa bahagi ng Daang Maharlika sa Barangay Bikal, Libmanan, Camarines Sur. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga kay Jemuel Guerrero, Local Disaster Risk Reduction and Management… Continue reading Gumuhong kalsada sa Bikal, Libmanan, Camsur, coordinated na sa mga ahensya ng gobyerno – MDRRMO Libmanan

PHIVOLCS, nakapagtala ng 9 na rocketfall events sa Bulkan Mayon

Umabot sa 9 na rockfall events ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon, ayon sa pinakahuling ulat ng ahensya ngayong araw, December 27. Sa kabila nito, nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang estado ng Mayon at nakapagtala din ng mahinang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan,… Continue reading PHIVOLCS, nakapagtala ng 9 na rocketfall events sa Bulkan Mayon

Emergency Operations Center sa Zamboanga, nananatiling naka-Blue alert status ngayong holiday season

Nananatiling naka-blue alert status ang Emergency Operations Center ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lungsod ng Zamboanga ngayong holiday season. Nagsimulang ideklara ang blue alert status noong December 17 ng taong ito, at batay ito sa inilabas na memorandum circular ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Nasa maagang… Continue reading Emergency Operations Center sa Zamboanga, nananatiling naka-Blue alert status ngayong holiday season

DILG Sec. Remulla, pinuri ang PNP kasunod ng naitalang zero untoward incident sa pagdiriwang ng Kapaskuhan

Binati ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang Philippine National Police (PNP) sa tagumpay nitong masiguro ang isang ligtas at payapang selebrasyon ng Pasko sa bansa. Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na nagresulta sa zero untoward incidents noong bisperas ng Pasko ang deployment ng PNP ng humigit-kumulang 40,000… Continue reading DILG Sec. Remulla, pinuri ang PNP kasunod ng naitalang zero untoward incident sa pagdiriwang ng Kapaskuhan

DILG, pinaghahanda pa rin ang publiko sa kabila ng pagbaba ng bilang ng pagyanig sa Manila Trench

Patuloy na pinakikilos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) sa Regions I, II, III, IV-A, at IV-B para paghandaan ang anumang posibilidad ng pagyanig at tsunami. Ito’y kahit pa bumaba na ang naitalang mga pagyanig sa Manila Trench. Inabisuhan ng DILG ang local chief executives (LCEs)… Continue reading DILG, pinaghahanda pa rin ang publiko sa kabila ng pagbaba ng bilang ng pagyanig sa Manila Trench

Bilang ng fireworks-related injuries sa QC, umakyat na sa 8

Nadagdagan pa ang kaso ng fireworks-related injuries sa Quezon City. As of December 26, batay sa ulat ng mga ospital sa lungsod, may apat na bagong kaso pa ang nadagdag, para sa kabuuang walong kaso. Apat sa mga biktima ay mga batang nasa edad 12 taong gulang pababa. Kasalukuyang nagpapagaling ang 7 sa mga biktima… Continue reading Bilang ng fireworks-related injuries sa QC, umakyat na sa 8