DA, naglaan ng higit ₱800-M agri inputs para sa mga sakahang apektado ng bagyong Marce

Aabot na sa ₱866.34-million ang halaga ng agricultural inputs na nailaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mga sakahan sa Ilocos at Cagayan Valley Region na naapektuhan ng bagyong Marce. Kabilang sa agricultural inputs na ipinamamahagi na ng DA ay para sa dry season crops gaya ng bigas at mais at fertilizer discount vouchers.… Continue reading DA, naglaan ng higit ₱800-M agri inputs para sa mga sakahang apektado ng bagyong Marce

Mga mamahaling gamot para sa cancer na di sakop ng Cancer Assistance Fund, ipinanawagan ng Batanes solon sa DOH na hanapan agad ng solusyon

Nanawagan si Batanes Representative Ciriaco Gato Jr. sa Department of Health (DOH) na solusyunan na ang kinakailangang gamot ng mga cancer patient na hindi sakop ng Cancer Assistance Fund. Ginawa ni Rep. Gato ang pahayag sa ginanap na committee hearing ng North Luzon Growth Quadrangle kasama ang mga opisyales ng DOH. Ayon kay Gato, bagaman… Continue reading Mga mamahaling gamot para sa cancer na di sakop ng Cancer Assistance Fund, ipinanawagan ng Batanes solon sa DOH na hanapan agad ng solusyon

Defense Sec. Teodoro, tiniyak na walang maiiwan sa pagtugon ng pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad

Tiniyak ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang maiiwan sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa gitna ng banta ng kalamidad. Ito ang inihayag ng kalihim makaraang papurihan nito ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para maghatid ng tulong sa mga sinalanta… Continue reading Defense Sec. Teodoro, tiniyak na walang maiiwan sa pagtugon ng pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad

PNP, nagtatag ng Task Force Skimmer bilang pagtalima sa kautusan ni PBBM na tuluyang lansagin ang POGO sa bansa

Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya na lansagin nang tuluyan ang POGO sa bansa, maging ito man ay pisikal o online. Inihayag ito ng PNP kasunod ng inilabas na Executive Order no. 74 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtatakda hanggang sa katapusan ng taon ang mga POGO sa bansa… Continue reading PNP, nagtatag ng Task Force Skimmer bilang pagtalima sa kautusan ni PBBM na tuluyang lansagin ang POGO sa bansa

Transmission lines ng NGCP, normal sa kabila ng banta ng bagyong Nika

Wala pang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa. Ito ay sa kabila pa ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Nika. As of 9am, normal pa ang operasyon sa mga grid ng NGCP. Gayunman, nananatiling nakaalerto ang kumpanya lalo’t inaasahang tatama pa… Continue reading Transmission lines ng NGCP, normal sa kabila ng banta ng bagyong Nika

OCD, inatasan ang mga regional at local counterparts nito na bumuo ng sarili nilang coordinating cells kaugnay ng bagyong Nika

Inatasan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga regional at local counterpart nito na bumuo ng sarili nilang Inter-Agency Coordinating Cell sa harap na rin ng pananalasa ng bagyong Nika sa bansa. Ito’y makaraang paganahin ang National Inter-Agency Coordinating Cell sa Kampo Aguinaldo bago pa man tumama sa bansa ang nagdaang bagyong Marce. Ayon… Continue reading OCD, inatasan ang mga regional at local counterparts nito na bumuo ng sarili nilang coordinating cells kaugnay ng bagyong Nika

DA, nag-inspeksyon sa presyuhan ng bigas sa ilang palengke sa QC

Nag-ikot ngayon ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) para silipin ang presyo ng bigas sa ilang palengke sa Quezon City. Kasunod ito ng naging pulong ng DA kasama ang local market association kung saan napagkasunduan ang ₱3-₱5 na margin profit sa bentahan ng bigas na magreresulta sa ₱43-₱45 na kada kilo ng regular… Continue reading DA, nag-inspeksyon sa presyuhan ng bigas sa ilang palengke sa QC

Ilang lalawigan sa Luzon, inilagay sa Alert Level Charlie

Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha hanggang Charlie sa ilang lalawigan sa Luzon dahil sa banta ng bagyong Nika. Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 120km/h at matinding mga pag-ulan ang mga… Continue reading Ilang lalawigan sa Luzon, inilagay sa Alert Level Charlie

Gobyerno ng Pilipinas, dapat paghandaan ang posibleng policy shift ng Trump administration — SP Chiz Escudero

Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na dapat maging handa ang Pilipinas na tumugon sa mga posibleng pagbabago sa polisiya ng Estados Unidos sa ilalim ng bagong-halal nilang Pangulong si President Donald Trump. Pinunto ni Escudero na kilala si Trump na ginagawa ang mga sinasabi niyang balak niyang gawin kaya dapat paghandaan na ito ng… Continue reading Gobyerno ng Pilipinas, dapat paghandaan ang posibleng policy shift ng Trump administration — SP Chiz Escudero

NGCP, nakaantaby sa pananalasa ng bagyong Nika

Nagpatupad na ng kaukulang paghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng pananalasa ng bagyong Nika. Ayon sa NGCP, kabilang dito ang mga maaasahang gamit sa komunikasyon gayundin sa pagkukumpuni ng mga maaapektuhan nilang pasilidad. Nakaposisyon na rin ang kanilang mga tauhan sa mga istratehikong lugar para sa maagap na pagtugon upang… Continue reading NGCP, nakaantaby sa pananalasa ng bagyong Nika